DRAKE ADAM'S POV
MABAGAL at puno nang pag-iingat na ibinaba ko si Zerra sa sofa ng bahay nito. Matapos naming umalis sa opisina ay dito ko ito idiniretso sa bahay nito, dahil ang gusto nito ay umuwi na. Tinangka ko pa itong dalhin sa hospital dahil hindi ko matiis ang pagngiwi nito sa loob ng kotse ko. Pero sadyang makulit ito dahil hindi ito pumayag. Iginigiit nito sa akin na ayos lamang daw ito kahit mukhang hindi naman. At para wala ng pagtatalo sumunod na lang ako sa gusto nito.
"Thank you," mahina ang boses na pasalamat nito matapos ko itong maiupo ng maayos.
Nang maibaba ko ito ay do'n ako tila nakaramdam ng pagod. Hindi naman magaan si Zerra, hindi mataba pero mabigat. Umupo rin ako sa tabi nito at hindi sinasadyang dumikit ang braso ko sa braso nito. Naramdaman kong pumitlag si Zerra dahil do'n.
Tila napapasong umatras ito papalayo sa akin. Naramdaman ko na naman ang pagtutol sa puso ko dahil do'n. Bigla kong na miss ang pangungulit niya sa akin na kagaya noong mga nakaraan. Hindi ko na lang pinahalata na na-disappoint ako sa inakto nitong iyon.
Sumandal ako sa upuan at bahagyang dumausdos ang likod ko. Mariin akong pumikit, ilang sandali akong nasa gano'ng posisyon. Naramdaman kong nakatingin sa akin si Zerra. Hindi naman ako kumibo, pinakiramdaman ko lang ito.
Alam kong napilitan lang itong patuluyin ako rito sa bahay niya. Simula nang magkasagutan kami sa lobby ng kumpanya ni Daddy ay umiwas na ito. Aaminin kong hindi ako masaya sa inaakto nito. O siguro hindi ako sanay na hindi ito maingay at madaldal.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Ilang minuto ang lumipas bago ito nagsalita. At mukhang pinapaalis na ako nito.
Nanatili naman akong nakapikit at hindi sumagot sa tanong nito. Ayaw ko pang umuwi. Hindi ko ito kayang iwanan sa kalagayan nito ngayon. Alam kong mag-isa na lamang ito sa buhay kaya sino ang mag-aalaga rito kung aalis ako. Alam kong masakit ang paa nito kahit hindi nito aminin.
"Drake?" untag nito at bahagya pang ginalaw ang braso ko nang hindi ako sumagot.
"Drake..."
"Hmmm..." sagot ko habang nakapikit pa rin.
"Umuwi ka na," sabi nito. Tsk! As if namang hindi niya ako kailangan, 'di ba.
"I can't," sagot ko
"Anong you can't. Uwi na bilis gusto ko ng magpahinga," tila pagod na sagot nito.
Narinig ko ang mahina nitong ungol nang maramdaman ko itong gumalaw. Dahil do'n kaya nagmulat na ako ng aking mga mata at umayos ng upo.
"Are you alright?" nag-alalang tanong ko habang nakatingin sa mukha nito. Muli akong napatiim-bagang dahil sa dami ng pasa at galos nito.
"Zerra," untag ko rito. Hindi kasi ito sumagot basta nakapikit lang ito at halatang may iniinda na masakit.
"Zerra, ano ba talagang masakit? 'Wag kang magsinungaling dahil halata sa mukha mo na may masakit sa'yo!" napipika nang tanong ko.
Nagmulat naman ito ng mga mata at tumingin sa akin. "Ayos nga lang ako eh. Umuwi ka na para makapagpahinga na ako," masungit na saad nito.
"'Wag mo akong pinaglololoko, Zerra, alam kong may masakit sa 'yo. Bakit ba ayaw mong magpadala sa hospital?" iritableng tanong ko.
Tumawa naman ito dahilan para masama ko itong tingnan.
"'Wag kang oa, Drake. Pasa at galos lang 'to oh, hindi ko ikamamatay ito. Malayo sa bituka, kaya mabuti pang umuwi ka na. As in ngayon na para makapagpahinga na ako," lantiya nito habang natatawa.
Hindi ko naman nagustuhan ang sinabi nito kaya mahina kong pinitik ang noo nito. As if naman na may nakakatawa sa sitwasyon niya hindi ba. Abnormal talaga ang babaeng ito.Nasaktan na nga nakukuha pang tumawa. Tsk sarap sakalin ng babaeng ito.
"Eh 'di magpahinga ka," sagot ko.
"Kaya nga umalis ka na 'di ba."
"Bakit hindi ka ba makakapagpahinga ng narito ako?" tanong ko pa.
"Hindi," mabilis nitong sagot. Wala talagang preno ang bibig nito kahit kailan.
Tumaas naman ang kilay ko rito. "And, why?"
"Dahil hindi ako kumportable na may ibang tao sa bahay ko."
Ibang tao pala ha. Akala ko ba asawa niya ako.
"Hindi naman ako ibang tao ah," sagot ko. "Asawa mo nga ako hindi ba?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabi ko iyon. Siguro para pagaanin ang namumuong tensyon sa aming dalawa. Hindi kasi ako sanay na itinataboy ako nito.
Naramdaman kong natigilan ito sa sinabi ko. Hindi rin ito kumibo.
"Zerra..."
"Drake please?" puno nang pakiusap ang boses nito.
Nagsusumamo rin ang mga mata nito nang tumingin sa akin. Matigas naman akong umiling. Dahil buo ang loob ko na hindi ito iwanan.
"Hindi ako aalis kasi walang mag-aalaga sa'yo," matatag na sagot ko na ikinailing nito.
"Wala akong sakit at hindi mo obligasyon na alagaan ako," tutol nito.
"Pero gusto ko, Zerra. May obligasyon man ako o wala," determinadong sagot ko. "Sa tingin mo ba kaya kitang iwanan ng gan'yan ang kalagayan mo? Alam kong wala kang kasama rito," dugtong ko pa dahilan para tumingin ito sa akin.
Hindi ko alam ang nasa isip nito dahil ilang sandali itong nakatingin sa akin na parang may binabasa sa mukha ko.
Siguro naguguluhan ito dahil kakaiba ang pag-aalala na ipinapakita ko ngayon. Well, kahit naman ako ay naguguluhan sa sariling ikinikilos ko.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang mga ginagawa ko. Dapat wala akong pakialam dito pero ito ako, nagpupumilit mag-stay sa tabi nito. At hindi ako ito.
"Let me stay, please? Wala kang kasama rito at hindi ako mapapalagay kong uuwi ako sa bahay ko, gayong alam kong hindi maganda ang pakiramdam mo." Nakita kong nag-iwas ito nang tingin sa akin.
"Sanay akong mag-isa, Drake. Teenager pa lang ako namuhay na akong mag-isa, sa palagay mo hindi ko kaya?" Tila sinipa ang puso ko na nang manginig ang boses nito. Parang iiyak na ito pero pinipigilan lang.
Ewan ko ba, pero bigla kong naramdaman na gusto ko siyang yakapin. Gusto kong alisin ang lungkot sa boses niya. Hindi ako sanay na ganito ito. Nasanay akong ang Zerra na kilala ko ay makulit, maingay at laging malakas tumawa. Bakit parang ibang Zerra ang nasa harapan ko ngayon.
"Zerra, I'm her--"
"Drake, I'm okay. Puwede mo na akong iwan." Putol nito sasabihin ko.
"But I don't want to," sagot ko.
Hinawakan ko ang kamay nito at hinuli ang mga mata nito. Mataman ko itong tiningnan sa mga mata nito.
"Look at me," anas ko. Sinalubong naman nito ang mga mata ko. "Listen, I want to stay here with you, Zerra. I want to take care of you, please?"
Hindi ito sumagot pero nakita ko ang namumuong luha sa mga mata nito. Tila naman ako sinuntok sa dibdib nang tuluyan ng tumulo ang mga luha nito. Hindi ko napaglaban ang kagustuhang yakapin ito, kinabig ko ito palapit sa katawan ko at saka niyakap nang sobrang higpit.
Ang mahinang iyak nito ay lumakas na nang lumakas. Hanggang sa maging hagulhol na iyon. Tila dinudurog ang puso ko sa bawat hagulhol nito. Para itong bata na napalo ng kaniyang Ina.
Niyakap ko lang ito ng mahigpit habang patuloy na umiiyak sa dibdib ko. Hinalikan ko ang ulo nito at marahang hinagod ang likod. Hindi ko alam pero nagustuhan ko ang pakiramdam na nasa mga bisig ko ito. Nagustuhan ko ang init ng pakiramdam na ibilanggo ito sa mga bisig ko. Parang biglang ayaw ko na itong pakawalan. Gusto kong iparamdam dito na hindi ito nag-iisa.
Ito ang unang pagkakataon na nakita ko itong mahina. Sa loob ng tatlong taon, ngayon ko lang nakita na tila ang lungkot ng buhay nito. Na sa mga magaganda nitong ngiti ay nakakubli ang lungkot at pangungulila. Hinayaan ko itong umiyak nang umiyak. Na para bang sa pamamagitan no'n ay maiibsan ang sakit na nararamdaman nito. Patuloy ko lang hinagod ang likod nito habang hinahalikan ang buhok nito.
Ilang sandali pa kaming nasa ganoong posisyon nang marinig ko ang pagsinghot-singhot nito. Humina na rin ang iyak nito hanggang sa tuluyan nang tumigil. Kahit huminto na ito sa kakaiyak ay hindi ko pa rin ito binitawan. Mahigpit pa rin ang yakap ko rito.
"You okay now?" pagkuwa'y tanong ko nang kumalas ito sa pagkakayakap ko.
Masuyo kong pinunasan ang pisngi nitong basa pa ng luha. "Feeling better?"
Tumango-tango naman ito. "Thank you," halos bulong na anas nito. "Pasensya ka na kung nakita mo akong ganito, bigla ko kasing na miss ang parents ko. Na miss ko iyong pag-aalaga nila sa akin, ngayon ko na realized na miss na miss ko na pala sila."
Parang batang ginulo ko ang buhok nito. "No worries, no judgment at all." Parang natunaw naman ang puso ko nang ngumiti ito sa akin. Iyong ngiti na may halo pa ring lungkot pero at least ngumiti na ito ulit.
"Thank you, Drake."
"It's okay," nakangiting sagot ko bago muling ginulo ang buhok nito. "Just rest, okay? I won't leave you here, so please bear with me."
"Okay, I let you to stay," pagpayag nito na ikinangiti ko nang todo.
"Bahala ka na rito, feel free to do whatever you want to do. Sa kuwarto lang muna ako," sabi nito kasabay ng pagtayo. Pero dahil masakit ang sakong nito ay mabilis itong muling napaupo. Agad ko naman itong inalalayan para makapunta sa kuwarto nito.
Paika-ika itong naglakad habang nasa balikat ko ang braso nito. Pero parang ako ang nahihirapan dito kaya walang sabi-sabing binuhat ko ito. Nagulat pa ito, pero hinayaan na lang ako nito. Dahil hindi naman kalakihan ang bahay nito kaya mabilis lang ay nasa kuwarto na kami. Dahan-dahan ko itong ibinaba sa kama, inayos ko rin ang pagkakahiga nito para hindi na ito mahirapan. Kinumutan ko rin ito. Kahit nang makita ko itong maayos na ay hindi ko magawang umalis.
Nakatitig lamang ako rito. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang hagulhol nito kanina. Parang ang bigat kasi ng dinadala nito sa dibdib na ayaw sabihin sa iba. Nakilala ko itong palaban sa lahat ng bagay kaya hindi ko inaasahan na makikita ko ito sa ganitong sitwasyon. Para siyang isang bata na naghahanap ng kalinga ng magulang.
Napakurap ako nang may tumamang malambot na bagay sa mukha ko. Unan pala iyon. Kunot-noo kong tiningnan si Zerra na siyang bumato sa mukha ko.
"What was that for?"
"Pinayagan kitang mag-stay rito sa bahay ko, pero hindi ka allowed na mag-stay dito sa kuwarto ko," pairap na sabi nito.
Natawa naman ako sa sinabi nito. Iyon pala ang dahilan ng pambabato nito.
"Lalabas na po, Madame," tatawa-tawang sabi ko. Ang cute kasi nito kapag umiirap. Nagiging puti kasi ang mga mata nito.
Akmang babatuhin na naman ako nito pero mabilis akong nakailag. Sa pinto ng kuwarto iyon tumama. Nagmamadali naman akong lumabas nang makita ko ang nakamamatay nitong tingin.
Hindi ako makapaniwala sa sarili ko. Ang gaan-gaan kasi ng pakiramdam ko ngayon. Para bang ilang taon akong hindi tumawa nang ganito. Ang sarap pala sa pakiramdam na hindi kami nagbabangayan nito.
_________
HALOS limang oras nang natutulog si Zerra, gabi na pero tulog pa rin ito. Alas-tres ng hapon nang makatulog ito at ngayon ay alas-otso na ng gabi pero tulog na tulog pa rin. Hindi ko naman ito magising dahil baka magalit ito. Nakapagluto na ako ng hapunan nito, pero mukha yatang hindi nito iyon matitikman.
Habang natutulog kasi ito ay pinakialaman ko na ang kusina nito dahil binigyan naman ako nito ng permiso na gawin ang gusto kong gawin. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lamang ako nagluto ng pagkain para sa isang babae maliban sa Mommy ko, of course. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kinakabahan ako kanina habang nagluluto. Honestly, magaling na chef ang isang Drake Adam, pero ewan ko kung bakit parang nawala ang confidence ko kanina.
Hindi ko kasi alam kung magugustuhan ni Zerra ang niluto ko para rito. Pinagtanong ko pa kung ano ang paborito nitong pagkain. At kanina ko pa ipinagdarasal na sana ay magustuhan nito iyon.
Nakaupo ako sa sofa ng bahay nito habang nanunuod ng tv. Wala na kasi akong magawa dahil tapos ko nang pakialam ang bahay nito habang natutulog ito. Nalinis ko na nga ang buong bahay nito para lang malibang ako.
Napangiti ako nang maalala ko ang nakita ko kanina, habang nakikialam sa bahay nito. Hindi ko maiwasang hindi kiligin dahil do'n. Well, nakita ko lang naman ang kuwarto nito na puro larawan ko. Kahit ang sala nito ay may mga larawan ko, na ang karamihan ay puro mga nakaw na kuha. Para akong teenager na kinikilig habang pinagmamasdan iyon isa-isa.
Seryoso ba talaga ito sa pagsasabi na mahal ako? Kasi kung ang pagbabasehan ay ang mga nakita ko ay oo ang sagot ko. At lumulobo ang puso ko dahil do'n.
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang makita ko itong paika-ikang naglalakad palapit sa akin. Hindi ko napansin na gising na pala ito. Dali-dali akong lumapit dito para alalayan.
"Hey, finally you're awake."
"Sorry, napasarap ang tulog ko."
Tumabi naman ako ng upo rito. "Nah, it's fine. So, how are you, masakit pa ang paa mo?" Lumingon ako rito nang wala akong makuhang sagot mula rito.
Nakita kong gumagala ang mga mata nito na parang may kinakabisa. Napansin siguro nito na nag-iba ang arrangement ng bahay nito lalo na ang sala. Nagtataka na tumingin ito sa akin. At hindi ko maalis ang mga mata ko rito dahil maganda pa rin pala ito kahit bagong gising.
"Bakit?" tanong ko dahil kakaiba ang tingin nito sa akin.
Kinakabahan ako dahil baka galit ito sa pangingialam ko.
"Sabi ko, feel free to do whatever you want to do, well hindi ko inaasahan na talagang gagawin mo," natatawang sabi nito.
Tila naman ako nakahinga nang maluwag dahil hindi naman pala ito galit.
"Well, mas'yado kasing masarap ang tulog mo kaya nangialam na ako. At sana hindi masama ang loob mo,"
tila batang sabi ko.
Muli namang umikot ang mga mata nito at nakangiting humarap sa akin.
"Paano sasama ang loob ko kung ganito kaganda ang arrangement ng bahay ko?" nakangiting sabi nito pero mabilis ding nawala ang ngiting iyon at napalitan ng panlalaki ng mga mata. "Oh my gosh, pati iyong mga pictures pinakialaman mo?!" malakas na bulalas nito.
"Sorry," sabi ko habang nangingiti.
Pulang-pula kasi ang mukha nito. "Gosh, nakakahiya! Hindi mo dapat nakita iyon!" hiyang-hiya na sabi nito.
Mas lalo naman akong natawa sa hitsura nito. "Why? May masama ba kung makita ko na halos mapuno ng pictures ko itong bahay mo?" panunukso ko pa dito.
"Drakeeee!" tili nito habang nakatakip sa mukha ang sariling kamay.
"What? Wala naman akong ginawa ah, tiningnan ko lang promise. Hindi ko binawasan iyan."
"Tsee! Umalis ka na nga rito."
Ang sarap nitong pagmasdan habang pulang-pula ang mukha sa tindi nang pagkapahiya. Nawala ang pagiging pilya nito ngayon. Hindi siguro nito inaasahan na makikita ko ang pinakatago-tago nitong sekreto.
"Umalis ka na!"
"No."
"Anong no, hindi ka puwedeng matulog dito, 'no!"
"I can."
"You can't!" nanlalaki ang mga mata nito.
"Of course, I can," sabi ko pa.
"No way, Drake, umalis ka na!"
"Bakit ba tinataboy mo ako? Kailangan mo pa ako rito, Zerra," sagot ko.
Umiling naman ito. "Drake, hindi ka puwedeng mag-stay rito."
Tumaas naman ang kilay ko. "Why not? Kanina pa nga ako rito, 'di ba? At saka pumayag kang mag-stay ako rito," sabi ko dahilan para tingnan ako nito ng masama. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi puwede eh pumayag naman na siya kanina.
"Drake kanina iyon, iba na ngayon kasi gabi na at hindi ka puwede rito."
"Bakit nga hindi puwede? Anong pinagkaiba no'ng kanina at ngayon?" tanong ko pa.
"Basta hindi puwede!" matigas na sabi nito.
"Magbigay ka ng dahilan kung bakit hindi puwede. At kapag narinig kong valid ang rason mo then fine, I'll leave. Just let me hear it." Nakita ko naman na mariin itong pumikit at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
"K-kasi ano, hmmm---"
"Kasi?" putol ko sa sasabihin nito.
Parang nahihiya itong sabihin ang dahilan. "Kasi gabi na."
"So?"
"Anong so? Siyempre pagod ka rin at kailangan mong magpahinga," sagot nito.
"Puwedeng dito ako magpahinga," sagot ko.
Napasimangot naman ito. "Isa lang ang kuwarto dito, at lalong walang guest room!" nanghahaba ang nguso nito habang sinasabi iyon.
Sumilay ang mga ngiti sa aking mga labi.
"We can share in your bed, kasya tayo do'n at hindi naman ako malikot matulog--, aray masakit!" natatawang reklamo ko nang hampasin ako nito sa braso.
Medyo may kabigatan din pala ang kamay ng babaeng ito.
"Drakeee!" tila naiiskandalo na sabi nito.
"What?" natatawang tanong ko. "Nagsa-suggest lang ako since hindi mo alam kung saan ako puwedeng matulog."
"I can't share my bed with you! You crazy!" malakas na tutol nito habang nanlalaki ang mga mata.
"Why not. Well, I'm your husband, didn't I?" patuloy na panunukso ko rito.
At muli akong nakatikim ng hampas mula rito. Nakakatuwa itong asarin dahil nagkukulay-kamatis ang mukha nito.
"Drake, stop that, will you? Basta hindi ka puwede rito. Ayo'kong pagtsismisan ng mga kapitbahay ko bukas, 'no. Bawal kang matulog dito dahil kahit alam kong hindi mo ako gusto baka saniban ka ng demonyo at pagsamantalahan mo pa ako--" Natigil ito sa pagsasalita nang marinig ako nitong malakas na tumatawa.
So, I guess tama ang hinala ko kung bakit bawal ako rito. Iniisip nito ang sasabihin ng mga kapitbahay nito at natatakot ito na baka mademonyo ako. Oh well, hindi malabong mangyari kung ganito kaganda ang makakatabi ko sa kama.
I'm not a Saint. I'm still a human and I have needs.