Chapter 2 LYIH

3284 Words
DRAKE ADAM'S POV Malayo-layo na ang tinatakbo ko ngunit hindi mawala sa isip ko ang babaeng iyon. Hindi ko alam ang gagawin, kung babalikan ko ba ito o hahayaan na lang do'n. Wala na kasing ginawa ang babaeng iyon kun'di ang pestehin ako araw-araw. "Damn!" gigil na sabi ko at malakas na hinampas ang manibela. Mabilis ang kilos na minaniobra ko ang sasakyan pabalik sa kinaroroonan nito. Umiral ang pagiging mabuting tao ko. Hindi kakayanin ng konsensya ko na may masamang mangyari rito kahit pa nga peste ito sa akin araw-araw. Paano kung isipin niya na nag-aalala ka sa kaniya, sige nga? Sigaw ng isang bahagi ng isip ko. "Damn it!" Isang malakas na hampas pang muli ang ginawa ko dala ng inis ko kay Zerra. Mas binilisan ko ang pagda-drive dahil mas'yado ng madilim sa lugar na iyon at baka wala na ito ro'n. "Buwisit kasi ang babaeng iyon. Ano bang pumasok sa utak no'n at nagpagabi ng uwi gayong alam naman niyang delikado!" gigil kong kausap sa aking sarili. May pinatapos pa kasi sa 'kin si Sir David kaya ginabi na ako ng uwi. Umalingawngaw naman sa isip ko ang sinabi nito kanina kaya naman mas nanggigil ako, but this time sa kapatid ko na. Humanda ka talaga sa 'kin mamaya David! "Bakit parang nag-aalala ka yata?" Tila may bumulong sa may tainga ko. "I'm not!" parang baliw na sagot ko sa sariling isip ko. Pinilig ko ang ulo ko. Wala akong pakialam sa kaniya, magmamagandang loob lang ako. Hindi ko lang kayang isipin na mapapahamak ito dahil sa akin, hindi naman ako gano'n kasama eh. Naiinis lang talaga ako sa madalas niyang pangungulit sa akin. Ilang minuto pa at nakarating na rin ako sa pinag-iwanan ko rito, pero mukhang nakaalis na ito dahil wala na ito ro'n. Mabagal kong binagtas ang daan papunta sa terminal ng jeep dahil baka hindi pa ito nakakasakay. Alam kong mahirap sumakay sa jeep kapag ganitong oras. "Damn, Zerra!" inis kong sabi. Ang sarap talagang pilipitin ng leeg ng babaeng iyon. Tumigil ako malapit sa sakayan ng jeep. Nagpalinga-linga ako para hanapin ito. Hindi na ako bumaba ng sasakyan dahil kita naman sa puwesto ko kung naroon pa ito o wala na. Ilang sandali pa akong nagpalinga-linga bago ko ito tuluyang makita. Nakaupo ito sa upuan habang nakalagay sa tapat ng dibdib ang dalawang braso nito. Mukhang giniginaw na ito base sa panay na paghaplos nito sa sariling braso. Pinaandar ko ang sasakyan palapit dito, dahil sa liwanag ng sasakyan ko at ng poste kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata nito ng makita ang aking kotse. Kitang-kita ko rin nang biglang magliwanag ang mukha nito. Pero agad ding nawala nang ibaba ko ang bintana ng kotse ko. "Get in," utos ko nang tapatan ko ito. "'Wag na, bakit ka pa bumalik? Nagmamadali ka, hindi ba?" "I said, get in," muling sabi ko. Umiling naman ito at saka tumalikod sa akin. Mag-iinarte pa yata ang babaeng ito. "Zerra, ano ba?" inis na turan ko. "Umalis ka na kasi. Kayo kong umuwing mag-isa." Bakas ang hinampo sa boses into, hindi ko lang alam kung tunay ba iyon o nag-iinarte lang ito o baka nang-iinis lang talaga. Trip na trip kasi nitong inisin ako araw-araw. "Zerra?" tawag ko pero hindi ito humarap sa akin. "Zerra, puwede ba, sumakay ka na!" pasigaw kong sabi. "Miss, sakay ka na. 'Wag ka ng magalit sa boyfriend mo," Rinig kong singit ng isang babaeng halos kaedad ni Zerra. Hindi naman nakaligtas sa akin ang ginawa nitong pagngiti sa babae. "Oo nga, Miss, mahirap sumakay rito at mas'yadong delikado para sa iyo," sabi naman ng isang lalaki. "Sumama ka na sa boyfriend mo," dugtong pa nito dahilan para lumawak ang ngiti ni Zerra. Mukhang tuwang-tuwa itong mapagkamalan kaming magkarelasyon. Gandang babae pero baliw. "Naku, hindi ko po boyfriend ang lalaking iyan," sagot nito na ikinagulat ko gayundin ng mga katabi nito. Ewan ko ba, pero parang bigla akong nalungkot sa sinabi nito. Dati naman lagi nitong sinasabi na boyfriend o asawa ako nito. Mukhang nagtampo nga ito sa pang-iiwan ko rito. "Ay sorry, Miss, akala namin boyfriend mo. Bagay pa naman kayo," tila dismayado na sagot no'ng babae na kaedad nito. "Hindi ko boyfriend ang poging ito," anito sabay turo sa akin. "Kasi asawa ko po siya," dugtong nito dahilan para magkantiyawan ang mga kasama nito roon. "Ay talaga, Miss. Bagay na bagay kayo ng asawa mo," sabi pa ng babae. "Talaga bagay kami?" tanong nito. "Pero 'wag kayong maingay ha hindi niya alam na asawa niya ako eh!" bulong pa nito dahilan para magtawanan ang mga katabi nito. Napailing na lamang ako sa kalokohan nito. "Ikaw talaga, Miss, akala namin asawa mo--" "Zerra Nicole!" sigaw ko dahilan para hindi maituloy no'ng babae ang sinasabi nito kay Zerra. Humarap naman si Zerra sa akin na puno ng kapilyahan ang mga mata. "Yes, Babe?" "Are you coming in or not?!" inis na tanong ko. "Siyempre in," sabi nito bago bumungisngis ng tawa. "Buksan mo ang pinto, please?" "Damn it, Zerra! Just get in!" inis na inis na sabi ko. Mukhang natakot naman ito dahil nagkukumahog na itong lumapit sa kotse ko at kusang binuksan iyon. Sumakay na ito na ngiting-ngiti. "Sungit mo, Babe ha," sabi pa nito. Masama ko naman itong tiningnan kaya tumahimik na lang ito sa tabi. Isasara ko na sana ang bintana sa tapat nito nang pigilan nito iyon. At saka sumungaw ang ulo sa labas. "Guys, mauuna na ako ha, mainipin kasi itong asawa ko eh baka iwanan talaga ako," sabi nito na ikinailing ko na lang. "Bye, guys, ingat kayo pauwi! sigaw pa nito bago humarap sa akin."Let's go home, Babe baka umiiyak na ang baby natin." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay muling kumaway sa mga kasama sa terminal. Masayang nagpaalam ang mga ito sa isa't-isa. Nakailang paalala pa si Zerra sa mga iyon na mag-iingat daw pauwi. Aaminin ko, na kahit naman maloko si Zerra ay alam kong may mabuti itong puso. Malapit ito sa lahat kaya hindi ko alam kung seryoso ba ito sa mga sinasabi sa akin o pinagtitripan lang ako. Maingay kasi ito, madaldal, makulit, at palakaibigan sa lahat. Kaibigan nga yata nito ang lahat ng tao sa kumpanya ng Daddy ko. Daig pa kasi nito ang laging tatakbo sa kampanya. Maging ang pamilya ko ay malapit din dito, lalo na ang Mommy ko at bunsong kapatid na si Dave Ariston. Kagaya nito ay makulit din ang kapatid ko. Siguro dahil magkasing-edad lang ang dalawa kaya mas malapit sa isa't-isa. Magkasundo kasi sila sa halos lahat ng bagay. At hindi lingid sa akin na suportado ito ni Dave sa panliligaw kuno sa 'kin. At alam kong isa iyon sa nakadagdag sa lakas ng loob ni Zerra para inisin ako. Alam nitong boto rito ang pamilya ko. "Bakit mo 'ko binilikan?" Natigil ako sa pagmumuni-muni nang bigla itong magsalita. "Nag-alala ka sa 'kin, 'no?" Ito na rin ang sumagot sa sarili nitong tanong nang hindi ako sumagot. "Tskk. Asa ka pa," masungit kong sabi. Ngunit mukhang hindi naman umobra ang pagsusungit ko nang pilya itong ngumiti at humarap sa akin. Sinundot pa nito ang tagiliran ko dahilan para mapaiktad ako. Malakas kasi ang kiliti ko sa beywang ko. "Ano ba?! I'm driving, Zerra," babala ko rito. "I know," sagot nito. "Ang sungit mo, bakit ba kasi ayaw mong aminin na nag-aalala ka sa 'kin?" tanong pa nito. "Because I'm not worried. Don't assume," sagot ko. "Sus, ayaw mo lang aminin eh," hirit pa nito. Bahagya ko itong tinapunan ng tingin, na sana hindi ko na lang ginawa dahil huling-huli ko ang ginagawa nitong pagtitig sa akin. "Stop that," inis kong sabi. Na-conscious kasi ako sa paraan ng pagtitig nito. "Stop what?" pa-inosente naman nitong tanong. Alam kong alam nito kung ano ang tinutukoy ko. Pero patay-malisya lang talaga ito. Nang maramdaman kong nakatitig pa rin ito sa akin ay masama ko itong tiningnan. Napakagaling kasing mambuwisit nito. "Staring is rude!" banas na sabi ko. Humagikhik naman ito. "Zerra Nicole!" "What?" balewalang tanong nito. Feeling inosente talaga. "Stop that, will you? Or else ihahagis kita sa labas ng sasakyan ko!" iritang-irita na ako. Ewan ko ba, ang bilis kong mainis sa pang-aasar nito. "Inaano ba kita? Nakaupo lang naman ako rito ah." "Tskk." Iyon na lang ang tanging nasabi ko, hindi naman ako mananalo sa kakukitan nito. Nagpatuloy na lamang ako sa pagmamaneho para maihatid ko na ang babaeng ito. At para mawala na siya sa paningin ko. Feeling ko kasi maaga akong mamamatay kapag kasama ito. Mas'yadong sakit sa ulo. "Oy, galit ka?" tanong nito. Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagda-drive. "Sorry na," ungot pa nito. "Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na titigan ka. Kasalanan mo ang guwapo mo kasi eh," hirit pa nito na ikinangiti ko nang lihim. Nunka kong ipakita iyon dito baka mag-assumed na naman ito. Assumera pa naman ito. "So, kasalanan ko pa pala?" tanong ko sabay lingon dito. Mabagal naman itong tumango at saka ngumiti. Iyong ngiti na madalas nitong ginagawa kapag nakatingin ako rito. At aaminin ko naman na maganda talaga ito. Ngayon ko lang ito natitigan at napansin ko na maganda pala talaga ito. Bilugan kasi ang mga mata nito na may malalantik na pilik-mata. Matangos din ang ilong nito na bumagay sa maliit nitong mukha. Hugis puso rin ang labi nito na mamula-mula. Sa tatlong taong pagkakakilala rito ay napansin ko na hindi ito mahilig maglagay ng kulerete sa mukha. Tanging ito lamang yata ang babaeng nakilala ko na mas gusto ang natural na mukha. May katangkaran din naman ito dahil nasa 5'7 siguro ang height nito. At mataas na iyon para sa isang babae. "Drake?" Bahagya pa akong natauhan nang tawagin nito ang pangalan ko. "What?" "Anong type mo sa babae?" "What?" kunot-noong tanong ko. "Sabi ko, anong type mo sa babae?" ulit nito. Natigilan naman ako. Ano nga bang type kong babae? "Why do you asked?" tanong ko sa halip na sagutin ang tanong nito sa akin. Nang hindi ito nagsalita ay sinulyapan ko ito at nakita kong malungkot ang mukha nito habang diretso ang tingin sa unahan. "Why do you asked?" muling tanong ko. "Wala lang, naisip ko lang kung anong type mo sa babae kasi sabi mo hindi ako ang tipo mong babae, hindi ba?" sagot nito na hindi ako tinapunan ng tingin. "Anong klaseng babae ang gusto mo?" dugtong pa nito. "Bakit mo ba kasi inaalam? Akin na lang iyon." "Sabihin mo na kasi, malay mo magawan ko nang paraan para magustuhan mo rin ako," sagot nito dahilan para mapalingon ako rito. Seryoso ba ito? "Zerra, why did you do this?" tanong ko, na ang tinutukoy ko ay ang pangungulit nito sa akin. Ang panliligaw kuno nito. "Dahil gusto kita?" patanong nitong sagot. "Ay hindi pala, kasi ang totoo mahal kita, Drake. Matagal na, ayaw mo lang maniwala sa akin," mahina nitong sabi. At aaminin ko na kapag ganitong seryoso na ito ay hindi ko mapigilang hindi maniwala na baka totoo ang sinasabi nito. "Zerra, alam mong hindi--" "Na hindi mo ako type?" putol nito sa sasabihin ko. "Alam ko naman iyon, paulit-ulit mo na kayang sinasabi iyan." Napahilot naman ako sa sentido ko nang maramdaman ko ang pait sa boses nito habang sinasabi nito iyon. "Alam mo pala, bakit ayaw mo pang tumigil?" "Sana nga madali lang gawin. Kasi kung oo, matagal ko ng ginawa," tila hirap na saad nito. "Zerra--" "Oo na, oo na!" Pigil nito sa dapat ay sasabihin ko.Ikinumpas pa nito ang kamay sa harap ko. "Gets ko na, okay? Palagi mo na lang kaya akong nire-reject at hindi ko na alam kung pang-ilang libong beses na, Babe." "Ayaw mo kasing makinig sa sinasabi ko sa'yo. Alam mong hindi kita gust--," Natigilan ako nang mapansin kong bumuntong-hininga ito. Mababakas ang sakit sa mukha nito habang nakatingin sa akin. "Ituloy mo, it's okay," udyok nito sa akin. Bigla naman akong nakonsensya dahil sa sakit na nakabalatay sa magandang mukha nito. "I'm sorry, Zerra, but what I mean is, maraming lalaki ang may gusto sa'yo at alam kong lahat sila seryoso sa'yo. Bakit hindi mo subukan na ibaling sa kanila ang nararamdaman mo," payo ko rito. "Dahil hindi sila ikaw." Napailing na lamang ako rito. Ang hirap paliwanagan ng babaeng ito. "Zerra kasi--" "Ahh, ahh," sabi nito sabay kumpas ng kamay para patigilin ako sa pagsasalita. "Tama na, okay? 'Wag mo akong itulak sa iba kasi ikaw ang gusto ko. Ikaw. Ikaw lang, okay?" pagdidiin nito habang nakaturo sa dibdib ko ang daliri nito. "Enough na for today, mas'yado mo ng sinasagasaan ang ego ko. Punit-punit na ang puso ko eh," sabi nito na may kasunod na tawa. Napalingon naman ako rito. Sakto namang nasa tapat na kami ng bahay nito. Isinukbit na nito ang bag sa balikat nito at saka binuksan ang pinto sa gilid nito. Akala ko bababa na ito pero tumingin ito sa akin. "Thank you sa paghatid, babe." Sasagot na sana ako nang bigla ako nitong halikan sa gilid ng mga labi ko. Sandali akong naestatwa. Nang makabawi sa pagkagulat ay nakita ko itong nakababa na pala habang ngiting-ngiting nakatingin sa akin. "Zerra Nicole!" pagbabanta ko. Ito ang unang beses na hinalikan ako nito at sa may labi ko pa. "Thank you kiss lang iyon, babe, walang malisya promise!" ngiting-ngiti pa ito habang nakataas ang kamay na tila nanunumpa pa. "Damn you, Zerra! Thank you is enough!" napamura kong sigaw rito. Rinig ko namang muli ang hagikhik nito at saka dumukhang sa bintana ng kotse ko sa gilid ko. "Babawiin ko na lang," sabi nito at akma akong hahalikan. "Aray ko naman, Babe," reklamo nito nang malakas kong pitikin ang noo nito. "Dont babe me!" "Okay, baby na lang," sagot nito sabay kindat. Pipitikin ko na naman sana ang noo nito pero mabilis itong nakailag. Arrggg. Ang sarap talagang pilipitin ng leeg ng babaeng ito. "Baby ko," pangungulit pa nito. Hindi na lamang ako kumibo dahil hindi naman ako mananalo sa babaeng ito. Pina-start ko na ang sasakyan ko nang lumapit na naman ito sa bintana ng kotse ko na hindi ko pa pala naiisara. Malaya itong nakasilip do'n. "What?" asik ko rito. Ngumiti naman ito nang pagkatamis-tamis. "Wala naman, ingat ka sa pag-drive ha," may lambing na anas nito. "Kay," sagot ko. Akmang isasara ko na ang bintana nang muli nitong tinawag ang pangalan ko. "What now, Zerra? Kanina mo pa ako inaabala." Tila naman hindi ito apektado sa pagsusuplado ko bagkus ay ngumiti na naman ito. "Good night." "Night," napipikon ng sagot ko. "Alis na diyan puwede?" nakaharang pa kasi ito sa kotse ko. "Ingat ka ha," muling paalala nito na tinanguan ko na lamang. Itataas ko na sana ang bintana nang kumaway pa ito at sumigaw. "I love you, Drake. Dream of me, baby!" wala na akong nagawa kun'di ang mapailing na lamang. Mabilis na akong umalis sa lugar na iyon dahil pakiramdam ko tatanda ako ng maaga. Alas-dyes y medya na ako nakarating sa bahay ng aking mga magulang. Kadarating lamang ng mga ito galing sa pamamasyal sa ibang bansa. May dinner sana kami ng mga ito, ngunit sa kasamaang-palad ay hindi na naman ako nakarating at dahil na naman iyon sa iisang tao. Si Zerra. Gising pa ang kasambahay namin dahil maliksi nitong binuksan ang pinto. "Magandang gabi, Drake," bati ni Nana Ines nang mapagbuksan ako ng pinto. Si Nana Ines ang mayordoma sa bahay ng mga magulang ko. "Magandang gabi rin ho, Nana Ines," magalang na ganting bati ko rito. "Sina Dad at Mommy ho?" Tahimik na kasi ang buong kabahayan. Mukhang nagpapahinga na ang mga ito. "Naku, ang Mommy at Daddy mo umakyat na. Magpapahinga na raw sila. Akala nila hindi ka na darating eh," sagot nito habang sinasara ang pinto. "May dinaanan pa ho ako. Sina David at Dave ho?" tukoy ko sa mga kapatid ko. Hiling ko na sana ay nagpapahinga na rin ang mga ito. Katakot-takot na namang pangbubuska ang maririnig ko mula sa mga ito, lalo na kay David. Ngunit mukhang wala sa akin ang pagkakataon dahil narinig ko ang mga yabag pababa ng hagdan. "Nariyan sa taa--" "Hello, our dear brother!" Hindi na naituloy ni Nana Ines ang sasabihin dahil nangibabaw na ang boses ni Dave sa buong kabahayan. Kasunod nitong pababa ng hagdan ang isa ko pang kapatid na si David. Shittt. I'm dead!. "Dinner is over, bro, where have you been?" tanong ni Dave na may nakakalokong ngisi sa mga labi. "I'm tired. I want to rest!" paiwas na sagot ko at akmang aalis na sana nang maramdaman ko ang matigas na bagay na tumama sa ulo ko. Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan niyon at nakita ko ang ngising-asong mukha ng kapatid kong si David "What was that for?" inis na tanong ko. "Wala lang, trip ko lang na batuhin ka." "Damn you!" "Tskk. Damn me, huh? Ako lang naman ang dahilan kung bakit kasama mo ang future wife mo!" tumatawang sabi nito naikinasimangot ko naman. Sinasabi ko na nga ba, pakana na naman nito iyong may ipinagawa kuno kay Zerra. "Ohh, so kaya wala siya sa dinner natin kanina kasi magkasama sila ng future hipag kong pilya," sabad naman ni Dave na ngayon ay may hawak na mansanas. Adik kasi ito sa mansanas. "Future wife my ass!" pikong sabi ko. "So, kumusta, naka-score ka naman ba?" pangbubuska pa ni Dave. "Oo nga, bro, ginawan ko na ng paraan para magkasama kayo eh. Wala man lang thank you?" tanong naman ni David. "Can you please, spare me for once?" yamot kong sabi na ikinangisi lang naman ng dalawang impakto na ito. "Gusto ko ng magpahinga dahil pagod na ako sa pakikipagtalo sa babaeng iyon, tapos ito na naman kayo. At isa pa David, sino ba kasing nagsabi sa iyo na gumawa ka ng paraan para makasama ko ang babaeng iyon, ha?" Pikon na pikon na kasi ako. Hindi naman nagsalita ang dalawa kaya nagpatuloy ako. "Total kayo naman ang may gusto sa babaeng iyon--" "May pangalan siya, Bro," putol naman ni Dave sa sasabihin ko. "Whatever," sagot ko. "Kayo naman ang may gusto kay Zerra kaya bakit n'yo siya sa 'kin ibinubugaw?" "Makabugaw ka naman, anong akala mo kay Zerra pukpok?" kunot-noong tanong ni David. Napaismid naman ako sa sinabi nito. "Wala akong sinabing gano'n," sagot ko. "Pero iyon ang dating ng sinabi mo, bro. And that's foul," si David ulit. "Yeah, you right, bro," sang-ayon naman ni Dave rito. Tumingin ito sa akin bago muling nagsalita. "We both know that Zerra is a decent woman in her own way. Don't you ever think that way, because she's just showing her love and affection to you. And be thankful for that because not every woman can do what she does, just for you," mahabang sabi pa nito. "Whatever," sagot ko bago iniwan ang dalawa. Hindi kasi matatapos ang usapan kung hindi ako ang susuko. At para hindi na humaba pa, ako na lamang ang mag-a-adjust para sa mga ito. Nasa dulo na ako ng hagdan nang marinig ko ang boses ni David. "'Wag mong hintayin na ma-in love siya sa iba. Tiyak na kawawa ka, Bro." "Yeah right, I'm waiting for that day!" malakas na sagot ko at tuluyan nang pumasok sa aking kuwarto. May sinabi pa ito bago ko maisara ang pinto pero hindi ko na naintindihan iyon. At ayokong intindihin pa. Sa halip ay pabagsak na akong humiga sa aking kama. Ginawa kong unan ang mga braso kong nasa ilalim ng ulo ko. Haist. Zerra, Zerra, Zerra. Stop pestering me. I just hate you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD