Chapter 1 LYIH

3040 Words
ZERRA NICOLE'S POV MAAGA akong nagising ng araw na iyon dahil araw na naman ng Lunes. Simula na naman nang isang linggong trabaho na may kasamang panglalandi sa anak ng boss ko. Well, patay na patay lang naman ako sa anak ng aking amo, na si Drake Adam Montana. Panganay ito sa tatlong anak ni Mr. Derek Aristotle Montana. Ang may-ari ng pinagtatrababuhan kong kumpanya.Tatlong taon na akong nagtatrabaho ro'n bilang isang accountant. At dahil araw-araw akong excited pumasok never akong nalate sa trabaho. As in never. Paano ba naman ang aking future husband ang nagma-manage ng kanilang kumpanya. Lalo na ngayon na out of the country ang mga magulang nito. Matapos gawin ang daily routine ko, ay mabilis na akong umalis para pumasok sa trabaho. At siyempre dahil sosyal ang lola n'yo, magta-taxi ako. Feeling rich ako, paki n'yo ba hehe. Papasok pa lamang ako nang matanaw ko ang aking irog. At siyempre lakad-takbo na naman ang lola n'yo, ano. Ang hirap naman kasing hagilapin ng Lolong pa-hard to get. "Drake!" tawag ko rito.Pero siyempre tulad ng dati dedma na naman ang beauty ko sa kumag na ito. "Drake! Baby, wait!" muling sigaw ko. Deadma pa rin ako mga atii. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo para maabutan ko ito. Para kasi itong laging hinahabol ng kabayo. Lakad niya, takbo ko. Jusko paano ba naman ang haba ng biyas ng lalaking ito. "D-Drake!" hingal na sabi ko nang makalapit dito. Nakahawak pa ako sa aking dibdib dahil hinapo ako. "What?" masungit na tanong nito. Salubong na naman ang malalagong kilay nito. Na para sa akin ay mas nakakadagdag sa angking kaguwapuhan nito. Idagdag pa ang mapupula nitong labi, na parang kaysarap halikan. At take note tatlong taon ko nang ini-imagine kung ano ang pakiramdam nang mahalikan ng mga labing iyon. "Arayyy!" daing ko nang pitikin nito ang noo ko. At malakas ha. "Ang sakit no'n, Babe, ang laki kaya ng daliri mo!" nakangusong reklamo ko. Mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay nito. "Para ka kasing tanga, ano ba kasing nginingiti-ngiti mo?" yamot namang saad nito. "Hindi naman ako nakangiti ah," deny ko. Alangan namang aminin ko na iniisip ko kung ano ang pakiramdam na mahalikan nito 'di ba? "I'm not blind, Zerra," sabi nito sabay lakad paalis. Iniwan ako? Bago pa ito makalayo ay mabilis na naman akong humabol dito. Walang pagdadalawang-isip na hinawakan ko ang braso nito na agad naman nitong iwinaksi. "Ang shunget mo nemen," pabebe kong sabi. "Pwede ba, Zerra tigilan mo iyang pagpapabebe mo. 'Wag kang feeling cute kasi hindi ka cute," yamot na sabi nito. Nanlalaki pa ang butas ng ilong nito. Ang sarap talagang inisin ng guwapong nilalang na ito. "Well, hindi naman talaga ako cute kasi maganda ako," puno ng kumpiyansa na saad ko. Na totoo naman talaga siyempre. Hindi naman sa pagmamayabang pero maganda naman talaga ako. Walang nagsasabi na pangit ako eh. Hehe. Ligawin nga ako eh. Kaya lang itong letseng puso ko nakakainis, walang ibang kilala at gusto kun'di ang kurimaw na nasa harap ko ngayon. "Who told you?" pang-aasar pa nito. Luminga-linga ako at nakita ko ang mga katrabaho ko na nakatingin sa amin na akala mo nanunuod sila ng eksena sa tv. "Sila," saad ko sabay turo sa mga kasamahan ko. Tumaas naman ang gilid ng labi nito. "At naniwala ka naman? Mas'yado kang nagpapaniwala sa mga iyon." "Wow ha! FYI, totoo na nagagandahan sila sa 'kin, ano? Kahit tanungin mo pa sila isa-isa," hirit ko pa. Ngumisi naman ito. "There's no need to ask them, it's a waste of time." Bahagya namang kumirot ang puso ko sa sinabi nitong iyon. Siyempre na-hurt naman ako. "Sus, aminin mo na kasi, nagagandahan ka rin sa 'kin, ano?" hirit ko pa. "Well, may itsura ka naman," sabi nito habang sinisipat-sipat ang mukha ko. Nakaramdam naman ako nang pagkailang sa ginagawa nito. Bigla akong na conscious sa sarili ko. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko nang tumigil sa mga mata ko ang tingin nito. "B-Babe," kinakabahang anas ko. "You're beautiful, but not my type," diretsang sabi nito na aaminin kong tumagos sa puso at atay ko. Nasaktan ako sa sinabi nito pero ginawa ko ang lahat para huwag lang nitong makita iyon. "Grabe ka naman, Babe. Preno-preno rin naman kapag may time," pakuwelang sabi ko kahit ang totoo ay naiiyak na ako. Ikaw ba naman ang sabihan nang hindi ka type ng lalaking mahal mo, 'pag 'di ka naman nasaktan, hindi ba? Kaso wala eh, itong puso ko mas'yadong masokista. Gustong-gusto na laging nasasaktan. "Tskk. I'm just telling you the truth." Napasimangot naman ako. "Magugustuhan mo rin ako eventually." "Never," sagot nito. "Sus, maka-never ka naman diyan. Huwag kang magsalita ng tapos, Drake Adam. Kapag ikaw ang na-in love sa 'kin, pahihirapan kitang makuha ang matamis kong oo," pang-aasar ko pa rito na ikinangisi naman nito. "Asa ka pa!" malakas na sabi nito dahilan para matawa ang mga katrabaho ko. Hindi pa ako nakakasagot nang layasan ako nito. Bastos talaga ang lalaking iyon. Pasalamat siya at guwapo siya. Tskkk. Sige lang pagtawanan n'yo ako. Kapag na-inlove sa akin ang kurimaw na ito, humanda kayo sa akin. Who you kayong lahat sa 'kin. Piping usal ko sa aking isip. Isa-isa ko muna silang tiningnan bago iniwan. Mabilis akong naglakad papunta sa opisina ko, namin ng mga kaibigan ko. Nadatnan ko roon si Ell at Ara. Pawang mga nakangiti, ay hindi pala nakangiti kun'di nakangisi ang dalawang bruha. Mukhang mang-aasar na naman ang hilatsa ng mga pagmumukha. "Good morning ladies!" patay-malisya na bati ko sabay retouch. Nahulas ang make-up ko dahil sa pang-aasar ng irog ko. "Good morning din, Niks," nakangising sagot ni Ara na senigundahan ni Eulla. Katrabaho ko sila at naging kaibigan na rin kalaunan. Magkakaiba kami ng ugali pero hindi naman kami nahirapan na magkasundo-sundo lalo na pagdating sa mga kapilyahan. Suportado namin ang isat-isa, maliban na lang sa love life ko. Ewan ko ba, kontrabida sila pagdating sa love life ko. Mahal daw nila ako at ayaw lang nila akong masasaktan sa huli. "Hanggang kailan, Niks?" Natigil ako sa pagpapahid ng lipstick dahil sa tanong ni Eulla. Seryoso ang mukha nito kaya nangunot ang aking noo. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang kaibigan ko. "Ang alin?" takang tanong ko pa. "Iyang ginagawa mo," sagot pa ni Eulla. "Alin, itong pagmi-make-up ko?" Inismiran naman ako nito. "Don't play innocent, Zerra, you know what I'm talking about," seryoso pa rin ito. At kilala ko ang kaibigan ko kapag ganito na ang usapan, siguradong wala na akong takas. Hindi ko naman ito pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Nagulat pa ako nang hablutin nito ang hawak kong suklay. "Bakit ba--" "Stop this, Zerra, will you?" putol nito sa dapat sana ay sasabihin ko. Isang buntong-hininga naman ang pinakawalan ko bago iniligpit ang make-up kit ko. "Niks!" tila galit na tawag nito. "Alam n'yo naman na mahal ko si Drake, hindi ba?" mababa ang boses na saad ko sa mga ito. Pagak na tumawa si Eulla. "Mahal mo, mahal ka ba?" "Ell," awat ni Ara rito. "What?"asik nito kay Ara bago muling humarap sa akin. "Totoo naman ah, mahal ni Niks si Sir Drake, wala namang duda ro'n eh. Kasi saksi tayo sa paghahabol niya ro'n sa tao. Pero kasi, mas'yado ng matagal ang paghahabol mo, Zerra Nicole," yamot na saad nito. "Kasi nga mahal ko siy--" "Hindi ka ba napapagod?" putol nito sa sasabihin ko. Tila hirap na hirap na ito sa sitwasyon ko. "Hindi." "My God, Zerra Nicole!" gigil na sabi ni Ell. Bakas ang frustration sa mukha nito dahil sa akin. "Hindi n'yo kasi ako naiintindihan eh." Napailing naman ang mga ito. "Naiintindihan ka naman namin, pero kasi tama si Ell mas'yado ka ng naghahabol sa kaniya," si Ara. "Itigil mo na, Niks, habang kaya mo pa," medyo kalmado nang sabi ni Ell. Umiling ako. "Kapag itinigil ko, parang sinabi n'yo na rin na tumigil akong huminga, Ell, Ara," malungkot na saad ko na ikinasinghap ng mga ito. "Seriously, Niks?" tila hindi makapaniwala na saad nito. "Gan'on mo siya kamahal?!" "Yes," mahina kong sagot. "Kahit paulit-ulit ka niyang ipagtabuyan mahal mo pa rin?" "Oo, Ell, Ara. Alam ko na hindi kayo sang-ayon sa nararamdaman ko para kay Drake. Pero kasi, hindi ko kayang diktihan ang puso ko eh," piyok na sabi ko. Kapag ganito na kasi kaseryoso ang usapan, hindi ko maiwasang hindi masaktan sa katotohanan na gusto nilang ipamulat sa akin. Naramdaman kong lumapit si Ara sa akin at tinapik-tapik ang likod ko. "Try harder, Niks, baka kapag mas pinalala mo iyan hindi ka na makaahon. Kaibigan ka namin ni Ell at ayaw naming masaktan ka. 'Wag mong iisipin na kontrabida kami sa'yo kasi hindi gano'n iyon. "Yes, tama si Ara. Hindi kami tumututol diyan sa nararamdaman mo para kay Sir Drake na wala lang. Tumututol kami kasi nakikita namin na nasasaktan ka lang dahil sa kaniya," segunda naman ni Ell. Hindi naman ako nakaimik o nakakibo man lang sa sinabi nila. Kahit naman saan tingnan, may punto talaga sila. "Niks, alam naming kaya mo, basta subukan mo pa," hirit pa ni Ara. "Oh, kung gusto mo hahanapin ka namin ng makaka-date mo. Iyong lalaking hindi ka hahayaan na maghabol sa kaniya," sulsol pa ni Ell. "Anong klasing lalaki naman, baka iyong tambay sa kanto, 'wag na lang," pabirong sabi ko. Nakatikim naman ako ng mahinang batok mula kay Ell. "Gaga," natatawang sabi nito. "Well, why not? Kung mamahalin ka naman nang wagas eh." Sabay pang natawa ang mga kaibigan ko kaya't iniripan ko sila. "Thanks but no thanks. Maghihintay na lang ako kung kailan mamahalin ni Drake kasya naman pumatol sa tambay, ano? Hindi ko trip iyon." "Hindi ka nga gusto, Niks. Ang lagay ba eh forever kang maghihintay sa kaniya?" si Ara. "Why not, kaysa naman pumatol sa tambay, ano?" muling irap ko sa mga ito. "Hindi ko iginapang ang sarili ko para makapag-aral at makatapos para lang kumuha ng batong ipupukpok sa ulo ko, ano?" Tumawa lang naman ang mga ito. Parang baliw lang hindi ba? Kanina galit na, tapos ngayon tumatawa na. "Tssk, eh ano pala ang trip mo, nagtapos ka para maghabol sa lalaki, gano'n ba?" taas-kilay na tanong ni Ell. Akala ko tapos na ang panenermon nila, hindi pa pala. "Kung kasing guwapo naman ng baby Drake ko, why not?" pang-aasar ko rito na ikinasimangot nito. Binatukan pa ako nito pero mahina lang naman. Subukan niyang lakasan, hmm. "Guwapo nga, hindi ka naman mahal. Haist..gising din 'pag may time," ganting pang-iinis naman ni Ell. "True, gising-gising din kasi baka hindi na panaginip iyan, baka maging bangungot na," segunda naman ni Ara. Sinimangutan ko naman silang dalawa. "Mga buwisit kayo! Do'n na nga kayo sa mga puwesto n'yo!" "Pikon!" sabay pang sabi nila sa akin. "Shoo, shoo!" yamot na sabi ko na may kasama pang kumpas ng kamay. Mga buwisit talaga. Hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga ang dalawang ito o ano? Hay naku, wala man lang kasupo-suporta sa akin jusko. _ _ _ _ _ Dumating ang uwian at mag-isa na akong uuwi. Nauna na kasi ang dalawa kong kaibigan dahil maaga silang umuwi. Samantalang ako naman ay tinapos pa ang kailangang tapusin para sa trabaho na pinagawa sa 'kin ni Sir David, ang pangalawang anak ni Mr. Derick Montana. Papalabas na ako ng building nang makita ko ang pinaka-aasam kong makita araw-araw, minu-minuto. Ang baby Drake ko. Siyempre buhay na buhay na naman ang dugo ng ale, 'di ba. Minsan lang ako suwertehin ng ganito kaya sobrang saya ko. Kaya bago pa man ito mawala sa paningin ko ay mabilis na akong nakahabol dito. "Drake! Drake, wait!" malakas na tawag ko rito. Hindi naman ito bingi kaya alam kong narinig niya ako, sinasadya niyang dedmahin ang beauty ko. "Drake, sandali!" Mas nilakasan ko pa ang boses ko para marinig ako nito. Huminto naman ang g*go. Kaya nagmamadali akong lumapit dito. "Bakit ba palagi kang nagmamadali?" yamot na tanong ko rito. Hingal na hingal na naman kasi ako guys. Sira na naman ang beauty ko dahil sa kurimaw na ito. Peste talaga. "Because I'm in a hurry? I guessed," masungit na sagot nito. Sabagay immune na ako sa pagsusungit nito dahil wala naman itong ginawa kun'di ang sungitan ako sa araw-araw. "Ohh talaga?" yamot na tanong ko. Pakiramdam ko lumalaki na ang butas ng ilong ko dahil sa sobrang hingal. "Kailan ka ba hindi nagmadali, hindi ba?" bulong na sabi ko. Pero mukhang narinig pa nito dahil salubong na naman ang kilay nito. "What did you just say?" tanong nito. "Ha? Wala naman akong sinabi ah," deny ko. "What do you think of me? Bingi?" asar pang tanong nito. "I think so?" pilyang sabi ko na ikinalaki ng tsinito nitong mga mata. "What? Are you serious?" hindi pa rin makapaniwala na tanong nito. "Ahuh!" "Zerra Nicole!" nagbabantang saad nito. Binibigkas kasi nito ang buong pangalan ko kapag pikon na ito sa akin. "What?" pang-aasar ko pa. "Totoo naman na bingi ka eh, kapag tinatawag kita palagi mo na lang hindi naririnig. Well, I'm sure naman na naririnig mo ako, nagkukunwari ka lang na walang naririnig, ano?" Lalo namang naningkit ang singkit nitong mga mata. "It means, that I don't want to talk to you," gigil na saad nito. " And I've been trying to tell you that, but you never take it seriously." Natameme naman ako sa sinabi nito. Hindi ko alam ang isasagot dahil tinamaan ako sa banat nito. Tama naman kasi ito na lagi nitong sinasabi sa akin na wala itong gusto sa akin. At nilinaw nito nang maraming beses na hindi ako ang tipo nitong babae. "D-Drake--" Naputol ang ano mang sasabihin ko nang makita ko itong malalaki ang hakbang na naglakad papalayo sa akin. Nang makabawi ako sa kabastusan nito ay nagmamadali akong humabol dito. "Drake!" tawag ko. Ngunit dedma na naman ako sa kumag na ito. "Drakeee!" ulit ko. Mas malakas na iyon kaysa sa unang tawag ko rito. Bingi-bingihan na naman kasi ito. "Drake naman eh," sabi ko. Doon na ito huminto at humarap sa akin. Nakamamatay na naman ang tingin nito sa akin habang hinihintay akong makalapit ng tuluyan. "Bakit na naman ba?" "Eh, kuwan, ah kasi--" "Just say it! Don't pretend to be shy girl, because you're not!" iritang sabi nito. Inirapan ko naman ito. Buwisit na ito, anong palagay niya sa akin makapal ang mukha? Well, medyo. "Zerra Nicole!" "Fine, puwede ba akong makisabay sa'yo pauwi?" Kumunot naman ang noo nito. "Are you serious? Alam mong magkaiba ang way ng bahay natin. Ma-a-out of way ako. "Sige na naman oh. Gabi na kasi eh natatakot akong mag-commute." "Oh, well hindi ko na problema iyon," asik pa nito. Napatungo naman ako sa sinabi nitong iyon, at yes, sanay na ako sa ganitong klase ng pakikitungo niya pero nasasaktan pa rin ako. "Bakit ka ba kasi nagpapagabi in the first place? Kababae mong tao umuuwi ka ng ganitong oras?" sermon nito. May umusbong namang tuwa sa puso ko dahil sa tinuran nito. Pakiramdam ko nag-aalala rin siya para sa akin. "May pinatapos pa kasi sa 'kin si Sir David, tinapos ko pa kasi kailangan na raw niya bukas. Kaya ito ginabi na ako, kaya please naman oh, isabay mo na ako pauwi," pakiusap ko. This time seryoso na ako. Totoo kasing natatakot akong umuwi dahil alas-nuebe na ng gabi. At wala pa akong kasama. Idagdag pang wala akong tiwala sa mga taxi driver. Marami kasi akong napapanuod na mga napagsasamantalahang mga babae kapag umuuwi ng gabi. Tapos pinapatay pa nila. Bigla akong kinilabutan sa takot na naramdaman ko. "Drake, sige na please? Promise magbabayad ako, gusto ko lang makauwi nang safe." "Bakit? Sa akin ba hindi ka natatakot? Sure ka bang wala akong gagawin na masama sa iyo?" Medyo kinabahan ako sa mga tanong nito. s**t oo nga ano, sa dami ng atraso ko rito malamang itapon niya ako sa daan. Mas gusto ko pang itapon sa daan kaysa naman makuha ng kung sino lang ang kabibe ko, ano? piping saad ng isip ko. "See?" boses nito para lang matauhan ako. "Hindi ako takot sa iyo," matapang na sabi ko. "Really?" amused na sabi nito. "Oo naman. Kahit naman masama ang ugali mo sa 'kin, naniniwala pa rin ako na may kabutihan kang itinatago diyan sa atay mo, ano?" sagot ko. Atay na lang ang sinabi ko dahil wala namang puso ang kumag na ito. "Atay?" tanong nito. "Oo, atay. Wala ka namang puso eh kaya atay. May kabutihan ka pa rin diyan sa atay mo," ingos ko. Pero mukhang mali yata iyong banat ko dahil mukhang napikon ito. Nilayasan ako. Wala naman akong nagawa kun'di ang sumunod dito. "Drake, please isabay mo na ako. Sorry na sa joke ko." "No," sagot habang patuloy na naglalakad. "Sige na, please?" "No." "Magbabayad ako, promise." Tumawa naman ito nang pagak at saka humarap sa akin. "I have a lot of money." Muli niya akong tinalikuran at nagsimula na namang maglakad. "Ipagluluto kita, isang buwan." "I'm a chef," mayabang na sagot nito. Well totoo naman na chef ang mokong na ito. Paano ako hindi mai-in love sa lalaking ito eh napakaraming talent. "Ipaglalaba kita." "May maid na ako." "Magpapaalila ako sa iyo," hindi sumusukong sabi ko. "I've had one already." "Gawin mo akong fake girlfriend." "I have a girlfriend for real." "Magpapahalik ako sa iyo," hindi pa rin sumusukong sabi ko. "I don't want to kiss you." Nanlulumong napatigil ako sa kakasunod dito. Naubusan na kasi ako ng maii-offer dito para lang pasakayin ako. "Ang damot," malakas kong sabi. Wala na akong pakialam kahit marinig pa niya ako. Nang makita ko itong sumakay sa kotse nito ay umalis na rin ako sa tapat ng kumpanya nito. Nagsimula na akong maglakad papunta sa sakayan, nagdesisyon akong mag-jeep na lamang kahit mas gabihin ako sa daan. At least sa jeep marami akong kasabay hindi tulad sa taxi na mag-isa lang ako. Kahit nakatungo habang naglalakad ay alam kong dumaan na si Drake sa tapat ko. Hindi ko na ito pinagkaabalahang tingnan dahil alam kong nadire-diretso na ito ng alis. Wala man lang pakialam, hindi man lang ako isinakay kahit sa terminal man lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD