Chapter 3: Misfortune Encounter

1615 Words
"Hoy, Nikka! Hoooooy!" untag ng kaibigang si Jaja. Naging kaibigan ito mula nang lumipat sila ng ina sa La Union. Nang mamatay kasi ang ama ay nahirapan silang mag-ina sa Maynila kaya pinasya nitong umuwi na lamang sa probensiya nila dahil may kapatid ito roon. Handa raw silang tulungang mag-ina upang makapagsimula lalo pa at wala itong anak. "Anoooo?" gagad rito. "Ay, ang sungit! Itatanong ko lang kung dadalo ka sa graduation ball," tanong nito. "Oo naman, minsan lang kaya ito sa buhay natin kaya dadalo ako," agad na sagot rito. Nakapagpaalam na kasi siya sa ina. Kahit papaano ay naitaguyod siya ng ina sa dalawang taon kurso na computer science sa tulong ng kaniyang tiyahin at asawa nito na tricycle driver. Walang anak kaya siya na rin ang tinuring na anak. Mag-aanim na taon na rin sila ng ina sa La union. Second year high school kasi siya noong mapadpad doon at si Jaja ang una niyang nakapalagayang-loob doon. "Hoy!" muling untag nito. "Ano ba Jaaa?! Bakit ka ba nambibigla?" irap dito. "Kasi po kanina pa ako salita ng salita eh, mukhang nalipad sa far-far away ang isip mo. Ano ba iyon?" diga nito. "Wala! Naalala ko lang. Anim na taon ba pala kami ni Inay rito?" aniya rito. "Miss mo na ba ang Maynila?" tila malungkot na tanong nito. "Hindi naman, naalala ko lang ang Itay ko." aniya. Doon ay naramdaman ang paghagod ng kamay nito sa likod. "Nasaan man siya friend, alam kong masaya siya para sa'yo lalo na kay Tita dahil kahit two years lang ang kurso natin ay naigapang kaniya," pangongonsola nito. "Salamat, friend. So may isusuot ka na ba?" tanong rito bago pa sila mag-iyakan. "Meron na, iyong sinuot noong nakaraan ng Ate ko. Ikaw ba?" tanong dito. Napatawa siya. "Ayon, nagpunta kami ni Inay sa palengke pero mahal kaya sa Ukay-Ukay na lamang. Magaganda pa ang dress at branded," tawa rito. Nakitawa na rin ang kaibigan. "Sayang, ang ganda-ganda mo sana kung 'di mo pinaputulan buhok mo," lomento pa nito. "Pero infairnes, bagay mo ang maiksi, friend. Mukha kang pang-model. Iyong sa international. Ganyan mga buhok, 'di ba?" anito. "Loka! International ka pang nalalaman eh, dito nga lang sa bayan natin waley na," tawa rito. "Hindi ah, ayaw mo lang kasi sumali ng beauty pageant," anito na nakanguso. "Oh, siya, sige na. Maganda ako!" wika niya dahilan para matawa na rin ito. "But how about doon sa in-organize nila Lilibeth na party after graduation ball. Iyong sa beach. Game ka ba doon?" pahabol pa ni Jaja sa kaniya. Hindi pa niya kasi iyon nasasabi sa ina dahil baka gabihin siya lalo. Sa dulo ng kabilang bayan pa kasi siya at dahil mas malapit sila sa eskuwelahan sa bayang iyon ay doon siya. "Ano pupunta ka? No worries, all girls daw. Ipagpaalam kita kay Tita. Ngayon ka lang naman lalabas ng ganoong ka-late at sasabihin ko kay tita na sa amin ka matutulog," kindat ni Jaja sa kaniya. Alam niyang mapilit ito kaya um-oo na lamang siya. "Yes! Thank you, friend. Alam mo naman kasing ikaw lang ang pinakamalapit sa akin 'di ba?" paglalambing pa nito. Ganap na ngang dumating ang graduation ball. Lahat na yata ng kaklase nilang lalaki ay napapalingon kay Nikka. "Wow, friend. Bongga noon ah, may limousine ka pa!" wika ng kaibigan ng pagbaba sa tricycle ng tiyuhin. "Gaga! Limousine ba iyon?" tawa niya. "Grabe, girl, nakaka-T ang ganda mo. Lahat ng lalaki mukhang sa'yo nakatingin," kilig na turan ni Jaja. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Sa iksi ng buhok ay labas ang leeg at ang magandang at makinis na balikat. Kitang-kita rin ang hugis puso niyang nunal na tila ba isang tatoo iyon dahil hindi kagaya ng iba na mainit. Sa kaniya ay mamula-mula. Mas lalong nagbibigay ng striking look sa kalalakihan. "Grabe siya. Ano namang nakaka-T ka diyan?" gagad rito na nakangiti. "Nakaka-tomboy! Ang ganda mo kaya frined," anito. "Ewwww! 'Di tayo talo at wala akong balak pumatok sa sinumang lalaki. Pagkatapos natin ay maghahanap ako agad ng trabaho para naman makapagpahinga na si Nanay," aniya rito. "Okay, fine. Then let's enjoy the night," aniya rito. Dahil nasa premises ng school ay walang alak. Maraming kaklaseng lalaki o sa lahat na yata ng lalaki doon ang nagrereklamo dahil hindi raw lubos na makapagsaya dahil walang alak. Pero kahit papaano ay bumawi naman ang school nila dahil may-pa-banda sila kahit hindi pa gaanong sikat ang banda na iyon. Hiyawan at sayawan. Lahat yata gusto siyang makapares. Isa na roon si Florante. Ito ang pinakamatalino sa klase nila at kahit papaano ay may hitsura ito. Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan ito kaya nang mag-sweet music ay agad siya nitong niyaya. Panay ang tukso ni Jaja sa kaniya. Kahit papaano ay kinikilig siya kay Florante pero wala pa sa kaniya ang magka-bf o magpaligaw man lang. Nang katapos ang graduation ball sa auditorium ng kanilang eskuwelahan ay inabisuhan silang umuwi na agad. Ngunit gaya ng napagkasunduan nila nila Jaja ay Lilibeth. Sumakay sila ng tricycle papunta sa isang sikat na beach resort na may club. Nagbayad lang sila ng entrance fee at dahil kakilala ni Lilibeth ang bantay roon ay hindi kalakihan ang bayad nila dahil sisiguraduhin nilang sa dagat lang sila. May dala na rin silang snack at tatlong bote ng emperador at ilang sitserya. Nang makarating sa gilid ng dagat ay masaya silang naghaharutan. Ang ilan ay naligo sa dagat dahil napakaganda ng gabi. "Girl, dali ligo tayo," yaya ni Jaja. "Alam mo namang wala akong dalang pamalit. 'Di mo naman sinabing pwede palang maligo," aniya kay Jaja. "Haller! Sabi ko punta tayo ng beach. Means may swimming. Kung damit lang eh, pahihiramin kita," wika nito. "Eh, panty," gagad dito. Natawa ito. "Sige lang, okay lang ako," aniya rito. Nang umahon ang mga ito sa tubig ay nagbukas na ng alak ang mga kasamahan. "Pampainit, guys," ani ni Lilibeth sa kasamahan at lahat ay kumuha. "Ikaw? Ayaw mo ba? Masarap ito, tikman mo," engganyo nito. "Ayoko. Baka malasing ako," inosenteng turan. "Kaya nga alak eh, pero for once at least alam mo ang lasa ng alak," anito na nakangiti. Mukhang maganda ang strategy nito at nakumbinsi siya nito. "Sige na nga," aniya sabay abot sa inaabot nito. Tinungga iyon at bumalatay ang pait sa lalamunan niya. "Ahhh! A-ang pait!" aniya na hindi maipinta ang mukha. Tawa nang tawa ang mga kasamahan. "Friend sa una lang iyan pero kapag sundan mo pa ng mga tatlo ay mawawala na," susog ni Jaja. "Oh, saan ka pupunta? Baka malunod ka?" awat dito dahil uminom na ng alak. Tumawa si Jaja. "Isang tungga pa lang, friend. Okay pa ako," anito at lumangoy. "Ito pa Nikka, para naman mahugasan na ang lalamunan mo at sa susunod na tungga mo ay hindi na mapait," tawa ni Lilibeth habang ang iba ay abala sa pagngata ng sitsirya. Hindi namalayan ni Nikka na naparami na pala siya ng inom. Medyo umiikot na ang paningin. "Bro, mukhang mas tahimik sa may dagat. Bagay sa mga sawing katulad natin," saad ni Brent, ang lalaking nakilala sa loob ng bar. Masyadong maingay ang bar kaya pinasya nilang lumabas bitbit ang tig-isa silang bote. Batid na may tama na siya kaya medyo nagiwang na siya. Ngunit pagdating nila sa may dagat ay nakitang tila may mga kababaehang nagkakasiyahan. "Mukhang maraming chicks," ani pa ni Brent na napabilis ang paglapit sa mga ito. "Hi, girls," dinig na bati nito. "Hi," tinig ng ilang kababaehan ngunit sa kabila ng madilim na lugar ay naaninag ang babaeng nakaupo sa buhanginan. "Aprille?" usal niya saka mabilis na tinungo ang kinaroroonan nito. Kita ang gulat sa mukha nito lalo na nang halikan ito. Isang malutong na sampal ang pinamalas sa kaniya. "S-sorry," usal niya. Dinig pa ang paghingi ng kaibigan ng despensa. Parang umiikot na ang pakiramdam niya sa sandaling iyon. "Bastos!" malakas na turan sabay sampal sa lalaking basta na lamang humalik sa kaniya. nagulat talaga siya sa ginawa ng estranghero. "Pare, awat na," awat ni Brent sa kaniya at humingi ito ng despensa. Madali rin naman nitong nakuha ang loob ng mga kasamahan ng babaeng hinalikan. Hindi rin naman malaman ni Nikka kung bakit ganoon na lamang ang epekto sa kaniya ng halik ng lalaki. Tila ba mas lalo siyang nalasing sa halik nito. Guwapo ang lalaki at tila ang bango-bango nito. Lasing man pero batid iyon kahit medyo madilim ang kinaroroonan. Habang tumatagal ay mukhang wala nang malisya sa kaniya ang paghawak nito hanggang sa makaramdam siyang tila naiihi siya. Mabilis na nagpaalam sa kasamahan. "Ihi lang muna ako," aniya sa mga ito. "Sa dagat na lamang," suwesyon pa ni Lilibeth. "Ayaw ko," aniya saka tumayo ngunit bahagya siyang matutumba. "Ops! Careful, gusto mo bang ihatid na kita?" alok ni Travis sa babae. "Hindi na, kaya ko pa naman," piksi ni Nikka sa hawak nito dahil tila kinukuryente siya. "No, I insist. Mukhang lasing ka na," anito. Maging boses nito ay tila kay kisig nito. Para tuloy siyang natu-turn on dito. "Okay," aniya rito at nang hawakan nito ang baywang niya ay tila uminit ang pakiramdam. Nakailang lunok din siya. Nang malapit na siya sa banyo ay naramdaman niya ang paghapit lalo ng lalaki sa kaniya. "Aprille," usal nito sa kaniya. "Hindi ako si Ap-" putol na wika nang sibasibin siya nito. Mabilis itong tinulak saka mabilis na pumasok sa banyo. Nalilito ang pakiramdam dahil tila gusto niya ang ginagawang paghalik ng lalaki sa kaniya. Ang init na hatid nito sa kaniyang kaibuturan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD