Chapter 4: Catastrophic Journey

1559 Words
Mula ng gabing iyon ay hindi na siya makausap ng maayos. Halos nawalan na siya ng boses, nawalan ng lakas at nawalan ng buhay. Sa tuwing tinatanong ng ina at tiyahin ay puro lamang luha ang sinasagot ng mga ito. Nababahala na ang mga ito maging ang kaibigang si Jaja na noon ay kadadalaw lang sa kaniya. "Ano ba kasing nangyari noong gabing iyon ha, Jaja?" tanong ng ina rito. "Tita, wala naman po. Oo, napainom siya konti. Tapos nag-CR. Pagbalik ay iyon, nagkagulo gawa ng nalulunod iyong kaklase namin," kuwento nito sa ina. "Pagbaling ko po sa pampang ay nakita ko na lang po siyang nakalupasay sa gilid at umiiyak. Iiling-iling sa saka muling hahagulgol," dagdag pa nito. Dinala na siya sa doctor pero sabi ay wala naman siyang sakit. Kaya pati albularyo ay tinawag na rin ng ina at tiyahin dahil baka daw nabigla siya sa nangyari sa kaibigan nila o di kaya ay naenkanto. Kung hindi lang mabigat ang pinagdadaanan ay baka natawanan ang ina at tiyahin sa ideyang na-engkanto siya. Habang tinatawas siya ng albularyo. Wala siyang nagawa nang pahigain siya nito. Tututol pa sana siya pero mapilit ang ina. Umiiyak pa rin siya ng sandaling iyon habang sa hawak na ng albularyo ang palangganitang maliit na may tubig. Saka sinindihan nito ang kandila at tinunaw sa palangginitang may tubig. Matapos mahango roon ang tinunaw na kandila ay tinapat nito sa ilaw. "Lalaki! Isang lalaki ang nakikita ko rito," wika nito. "May lalaking may gusto sa inyong anak. Gustong-gusto siya at dahil ayaw ng anak niyo ay gumaganti siya," dinig na turan ng albularyo. Maging tuloy siya ay tila naniwala rito. 'Lalaki, may gusto sa kaniya?' ulit niya sa isipan. Hindi niya nakita ang mukha ng lalaki dahil sa bigat ng talukap ng mata. Pilit dinidilat pero blurred ang nakikita. Pinikit ang matang luhaan at pilit inaalala ang mukha ng lalaki pero walang mukha ang nakikita. "Sino Mang Istong?" agad na tanong ng tiyahin. Umiiling-iling ang albularyo. "Hindi ko mawari, Digna pero nakikita ko rito. Maraming salapi," anito. "Anong ibig mong sabihin?" gagad naman ng ina sa albularyong si Mang Istong. "Mukhang mayaman ang lalaking nagkakagusto sa anak ninyo," anito dahilan para magtinginan ang ina at ang tiyahin. Nang matapos ito ay pilit siyang kinausap ng ina lalo pa at kinabukasan na ang kanilang graduation. Sinabing hindi siya dadalo pero nakita ang disappointment sa ina. Proud na proud pa naman ito dahil sa kabila ng hirap nito ay napagtapos siya nito. "Anak, ano bang nangyayari sa'yo, ha? Hindi ka naman ganito. Akala ko ba ay tutukungan mo pa ako. Pero bakit ganito?" iyak nito sa kaniya. Nakatulala lang siya sa kawalan muling bumukal ang luha sa mata niya. "Ate," haplos ng tiyahin sa ina. "Hayaan na muna natin siya kung ayaw niya. Tutal ay tapos na naman siya. Formality na lang ang graduation ceremony na iyon," alo ng tiyahin dito ng makitang muli siyang naiyak. "Pu—pupunta ako," aniya doon ay mabilis na nagtinginan ang magkapatid. Mula kasi ng araw na iyon ay hindi siya narinig na nagsalita ng mga ito. Ngayon lang dahil na-realize niya na tama ang ina. Nasaan na ang pangako ritong tutulungan ito. Dahil lang ba sa demonyong lalaking iyon ay ibabasura lahat ng pinaghirapan nilang mag-ina. Hindi pa naman siguro katapusan niya dahil kapiraso lang naman ng pagkatao niya ang kinuha ng lalaking iyon. Mula noon ay muling binalik ang sarili. Nababaghan ang ina at ang tiyahin kasama na rin ang tiyuhin niya ngunit walang nangangahas na magtanong o ayaw lang ipaalala ng mga ito. "Salamat anak at nakatapos ka na. Akala ko talaga ay mawawala ka na rin sa akin gaya ng Tatay mo," iyak pa ng ina ng makababa sila sa entablado. "Hoy friend, buti at naka-attend ka," ani ni Jaja na umiiyak at yumakap pa sa kaniya. Ngumiti siya rito. "Grabe, girl. Dalawang linggo ka ring tulala. Ano ba kasing nangyari?" alala nitong tanong. Ngumiti siya saka umiling. Ayaw niyang may ibang taong makaalam ang pangit na nangyari sa kaniya. Ibabaon niya iyon sa limot at itutuon ang atensyon sa pagkamit ng kaniyang pangarap. Pagkatapos ng graduation niya ay wala siyang inaksayang araw. Nag-apply agad siya ng trabaho sa bayan at sa sentro ng probensiya. Mahirap dahil sa dami ng nagsisipagtapos taon-taon. Lalo pa at wala naman silang malalakas na backer. Wala siyang nagawa kundi ang patusin ang pagiging cashier sa isang sikat na supermarket sa isang mall sa sentro. Wala siyang magagawa kundi tanggapin na lamang na mahirap talagang makipagkompetensiya sa mga taong may four year degree course kaysa sa kanilang two years lang. Mas mainam na iyon kaysa naman matingga sa bahay nila at nakikitang hirap na hirap ang ina sa palengke na nagtitinda ng tanim din nitong gulay na minsan ay binabarat pa ng mga mamimili. Maayos naman na siya sa trabaho. Kahit papaano ay isang sakay lang naman siya ng dyip pero matapos ng dalawang buwan doon ay tila napapansin niya ang pagbabago sa katawan niya. Wala naman siyang kakaibang naramdaman maliban sa delayed na ang period at panlalaki ng dibdib pero inisip na baka dahil sa pagod sa trabaho at stress ay delayed ang mens at normal naman sa kaniya na medyo lumaki at mag-numb ang dibdib kapag malapit na datnan. Ngunit pangatlong buwan na at napapansin na rin ng isang katrabaho na naging kaibigan niya rin ang pagiging matakaw niya. "Hoy Nikka! Kaya ka tumataba dahil ang takaw mo. Tama na kaya iyan!" anito sabay agaw sa extra rice niya. "Ano ba Patty, gutom pa ako eh," aniya sabay agaw pabalik ang kinuha nito. "Tignan mo kaya. Halos gusto nang bumitiw ang butones ng uniporme mo," nguso nito at napatingin siya. Maging siya ay nabahala. Tama nga ito. Mukhang tumaba na siya kaya kahit gutom ay hindi na kinain ang extra rice niya. Hanggang sa pag-uwi ay nasa isip ang pagka-concious sa katawan. Agad na pumasok sa silid nilang mag-ina. Nakitang nakahiga na sa katre nila ang ina. Mukhang tulog dahil sa pagod nito sa palengke. Agad na hinubad ang uniporme at humarap sa salamin nila. May kalakihan iyon at nakita nang bumilog siya. Napapa-breath in siya para mag flat ang tiyan pero hindi kinakaya kaya napapabuga rin. Kita nang lumaki siya. Nasa ganoon siya sa harap ng salamin ng makitang nakaupo na sa katre ang ina at matamang pinapanood siya. "Gising na po pala kayo, Inay. Kumusta po?" tanong rito pero hindi umiimik ang ina. Nakatitig sa kaniya habang papalapit. Nabaghan siya sa ginawa nito. "Bakit po, Inay?" maang na tanong. "Anak, magsabi ka nga ng totoo. Buntis ka ba?" maya-maya ay tanong nito. "Pooooooo!" gulat ba turan. "Sabi ko, buntis ka ba?" medyo pagalit nang turan ng ina. "Hi—hindi po, Inay," aniya rito. Tila hindi ito naniniwala. "Anak, kna mo ako. Pinagdaanan ko rin ang mga iyan. Papunta ka pa lang pabalik na ako. Kaya, uulitin ko. Buntis ka ba?" anito na tila iiyak na. Naguguluhan na rin siya. Kaya hindi siya nakasagot rito. "Akala mo ba hindi ko nahahalata na tatlong buwan ka nang hindi dinadatnan?!" tila usig nitong dagdag dahilan para matahimik siya dahil tama iyon. "Magsabi ka sa akin. Nang gabi ng graduation ball ninyo? May nangyari ba?" anito na tila nanginginig na. "Inay?" takot na tinig niya. "Ano, Nikka! May nangyari ba na hindi mo sinasab," dumadagundong na tinig ng ina. "Ate, anong nangyayari?" Katok ng tiyahin sa labas. "Magsabi kang bata ka! Kailan ka pa natutong magsinungaling sa amin?" galit na turan ng ina na nion niya lang nakita. Humagulgol siya. Hindi na rin nakatiis ang tiyahin sa labas ay pumasok na sa silid. "Ate, maghunos dili ka," awat nito sa ina. "Ang pamangkin mo kasi eh. Halos mabaliw tayo kung ano ang nangyayari sa kaniya tapos ito malalaman kong buntis pala," gigil ng ina na saad sa tiyahin. Napatingin sa kaniya ang tiyahin habang sapo ang kaniyang mukha. "Totoo ba Nikka?" may pait sa tinig nito. Batid niyang tulad ng ina ay disappointed din ito dahil halis tinuring na siyang anak nito. "Tita, gina—ginahas—sa po—a—kooooo.," hagulgol niya. Napatigil ang ina at tiyahin sa narinig buhat sa kaniya. "Sino?! Bakit hindi ka nagsabi?! Para mapakulong ang demonyong iyon!" galit na galit na turan ng ina. "Ate kumalma ka lamang. Nangyari na ang lahat," awat ng tiyahin sa ina. "Anak, bakit hindi mo sinabi sa amin para nagpunta tayo sa pulis?" malumanay nitong turan habang panay ang hagulgol niya. "Natatakot ako, Tita. Nahihiya. Hiyang-hiya po ako sa lahat ng tao na malalaman nilang nagahasa ko. Ayoko! Ayoko!" aniya na tila takot na takot. Niyakap siya ng tiyahin. "Okay, tahan na. Tahan na hindi makakabuti sa'yo iyan," wika nito. Kahit papaano ay napayapa siya. "Ano pa nga ba? Nandidiyan na iyan. Ikaw na lang ang natitirang alaala ng ama mo eh itatakwil pa ba kita?" ani ng ina na noon ay medyo nawala na ang init ng ulo nito. "Inay," aniyang iyak. "Ano pa nga ba kundi palalakihin natin siya. Sabi nga nila. Biyaya din iyan. Kahit hindi mo alam ang ama. Hindi mo ba talaga nakilala o nakita man lang anak?" hirit pa nito. Umiling siya kaya hindi na ito nagtanong pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD