Chapter 2: A Hunt for Her

1546 Words
Sa isipan ay pilit na binabalikan ang nangyari sa kanila ng babae sa resort at pilit inaalala kung mailalarawan ba niya ang mukha nito. Ngunit kahit anong gawin ay alam niya maalala ng mukha dahil mukha ni Aprille ang nakikita rito kagabi. Ngunit batid niyang maiksi ang buhok nito at slim. Bukod doon ay wala na. Nagawa rin niyang bumalik muli sa La Union at pilit na nagtatanong tungkol sa babae ngunit lahat ng napagtatanungan walang nakakakilala rito at kung meron man ay iba. Alam niyang iba dahil bukod sa katawan at buhok nito ay alam niyang may isa pa siyang palatandaan dito. May nunal ito sa may leeg niya at hindi iyon basta nunal dahil hugis puso iyon. Isang linggo na siya sa beach resort na iyon sa San Juan at gabi-gabi siyang naglilibot sa bawat bar at club doon. Nagbabakasakaling makita roon ang babae pero wala siyang napala. Napuno ng misscalls at message ang cellphone niya buhat sa mga kaibigan pero hindi sinasagot ang mga iyon. Nang muling makabalik sa Maynila ay nag-message siya sa mga ito at sinabing nasa Maynila na siya. Gaya noong una ay agad siyang sinugod ng mga ito. Mabilis na bumalandra ang mukha ng kaibigang si Tristan. Sumunod naman si Zion at huli si Zach na hila-hila pa ang girlfriend nito. "What is this, Zach?! I told you, hindi ako pwedeng makita ng tao na kasama ka dahil may movie ako," gilalas ng babae. Nailing silang tatlo at hinayaan na lamang ang dalawa ng hilain ito ng lalaki sa labas. "For once, just this one! Career mo pa rin ang iniisip mo? We've been together for three years," dinig na turan ng kaibigan. Nang bumaling ang tingin nila Zion at Tristan sa kaniya ay may pagtatanong pa rin sa mga titig ng nga ito. "Hey, what that look for?" sabad sa mga ito. "I'm well now. Here," aniya at nilabas sa ilalim ng lamesa ang paper bag. Tig-isa silang tatlo. "What is this?" usisa ni Zion at nang tignan ay nilabas nito ang strawberry jam at ilang peanut brittle. Napakunot-noo na tumingin sa kaniya. "Ano ito, pansuhol?" anito. "Gago, pasalubong ko," aniya rito saka tumawa. "So, galing ka ng Baguio?Anong ginawa mo roon ng isang week? Nagmuni-muni ganoon?" gagad nito. Muli siyang tumawa. "Well, galing ako sa La Union. Hindi ko alam na papuntang Baguio ang nasakyan kong bus," aniya na kinatawa ng mga kaibigan. "Nag-commute ka?" tanong ni Tristan na hindi makapaniwala. "No wonder," anito na tila may pang-aasar. Maya-maya ay pumasok na si Zach at wala na ang kasintahan nito. "At saan ka na naman galing?" angil nito na mainit agad ang ulo. "Hey! Kung nag-away kayo ng gf mo, huwag ako ang pagbalingan mo. Oh, heto sa'yo!" ani ni Travis sabay bigay kay Zach ang paper bag. "Ano naman ito?!" inis na turan nito. "Strawberry jam para naman maging matamis ang ngiti mo, Dude. Malapit ng sabitan ang nguso mo sa inis. Kasi ang mga ganiyang babae na puro career ang alam. Handa mo na ang sarili mo dahil iiwan ka lang don," mahabang turan dito. Napangisi pa siya ng muling maalala si Aprille. "Huwag mo akong itutulad sa'yo!" ani ni Zach na nagkainitan na sila. Mabilis na pumagitna si Zion. "Walang away! Relax lang. Kay Travis ay iba naman kay Zach. Kaya huwag na mag-away," awat nito saka pumagitna sa pagitan nila. "Ano ba kasing ginawa mo sa La Union. Tekanga lang, magsabi ka nga? May naiwan ka ba doong chikababe doon?" sabad ni Tristan. Napatigil si Travis sa sinabing iyon ng kaibigan. "Wala," simpleng tugon. Mukhang hindi naniniwala ang mga ito ngunit hindi na umimik pa. Wala pa siyang balak sabihin sa mga ito ang mga nangyari at baka ililihim na lang para sa kaniyang sarili. Hanggang sa naging abala na siya sa mga sumunod na araw, linggo at buwan. Kabi-kabilaan kasi ang kompetisyon sa kaniyang negosyo. Nandiyan pa ang higanteng kompanya ni Villar at Ayala corporation. Kaya ayaw niyang pahuli. Isang malaking proyekto na pupunduhan ng mga Japanese businessman sa Pilipinas ang target niya kaya lilipad pa siya sa Japan para lang makipag-bid sa mga ito. He is an architect by profession kaya siya mismo ang nag-layout ng kaniyang proposal sa mga ito. Sinigurado niyang sa kaniyang kompaniya mapupunta ang multi-million project na iyon. Naging mas abala pa siya dahilan para makalimutan sa wakas ang masalimuot na parteng iyon ng buhay niya. After he got the big project from the Japenese businessmen, mas lalo pa siyang naging abala at sa mga business transaction sa mga ito ay nakilala si Naomi. Isang half Japanese, half Pinay naa anak ng isa sa ka-business deal niya. She was pretty and witty pero magkaiba lang siguro sila ng gusto dahil matapos ng ilang buwang pagdi-date nila ay mutual silang naghiwalay. Hanggang sa makilala si Rachelle. Anak ito ng isang congressman. Nakilala ito nang um-attend siya ng gathering ng isang kilalang businessman. Maganda at mabait si Rachelle kaya kahit papaano ay nagtagal sila ngunit hindi pa siya handa sa mas seryosong relasyon. He courted her for four month at walong buwan na sila pero wala pa siyang balak na anuman sa kanila ni Rachelle. He was enjoying his life. "Tell me Travis, may balak ka bang ilagay sa tahimik itong relasyon natin?" gagad ni Rachelle isang gabi matamos mag-walk out sa date nila. "What do you mean?" maang-maangang tanong dito. "You know what I mean. I am twenty-seven now and you're thirty-one. We're to ready to settle down," giit nito. "Settle down? Are you hearing yourself? We don't even celebrated our first year anniversary and now your talking about settling down. What's for the hurry?" maang na turan dito. Nakitang umilap ang mga mata nito. "Nothing, I love you and you love me. So, bakit pa natin patatagalin,hindi ba?" giit nito pero may kutob na siya. May naririnig na kasi siyang baka makulong ang ama nito sa graft and corruption na kinakasangkutan nito. "Well, sorry but I'm not ready yet," saad dito. Nakitang bumangis ang mukha nito. "What?!" "You heard it, right?" aniya rito. Wala pa siya balak magpatali rito. Kung gusto niyang makipaghiwalay ay handa na siya. He learned from his break-up from Aprille at hindi hahayaang makagawa na naman ng isang bagay na pagsisisihan niya. Dahil doon ay muling bumalik sa isipan ang babae sa resort. Muli ay binagabag siya ng kaniyang konsensiya. Hanggang sa kumukontak na siya ng private detective para hanapin ito Dalawang taon na pala ang nakakalipas mula noon. Hindi niya alam kung ano ang nangyari rito. He did his best, noon para hanapin ito. He went also to the nearby police station baka nagpa-blather pero wala naman. Nang may komuntak sa kaniyang imbestigador ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Malalim na ang gabi pero nakipagkita pa rin siya dito. Hindi na niya maipagpapabukas pa. Siguro panahon na talaga para harapin ang babae. Mutual man ang kasunduan ng gabing iyon pero batid na lasing na lasing ang babae at hindi alam ang pinapasok na kasunduan. "Good evening, Mr. Elizarte," anito sa kaniya. "Good evening too, Mr. Guzman. Good to see you. I heard na magaling ka raw," puri rito. Napangiti naman ang kausap. Sa tantiya ay matanda lang ito ng limang taon sa kaniya. "Hindi naman masyado. Ano po ba ang ipapatrabaho niyo?" tanong nito. "May ipapahanap ako sa'yong tao," turan dito. "Isang milyon kapag nahanap mo siya," wika pa rito na kinanlaki ng mata nito. Mukhang na-excite sa laki ng offer niya. "Ano po bang pangalan?" anito. "Hindi ko alam ang pangalan niya," sagot dito. "Ah, larawan niya meron ka?" tanong pa nito. "Wala rin," sagot ulit. Napakamot ito ng batok. "Tao po ba ang ipapahanap niyo?" paninigurado nito. "Alam kong mahirap ito pero huwag kang mag-alala. Lahat ng gagastusin mo ay ibibigay ko hanapin mo lang siya. Kapag nahanap mo siya ay buo kong ibibigay ang milyon," garantiyang wika rito. Napakunot-noo ito na tila ginu-goodtime niya ito. Nilabas ang checj book sa loob ng tote jacket niya. Pinirmahan iyon ng isang milyon. "You can encash the money as soon na mahanap mo ang ipapahanap ko. Saka muling pumirma ng bente mil. "This one, there is a fund already. You can encash," aniya rito. "Magagamit mo sa paghahanap mo sa kaniya,"dagdag pa niya rito. Napapatingin siya sa cheque na may isang milyon. Kahit papaano ay alam na gagawin ang utos kahit na imposible. Maiksi ang buhok, balingkinitan ang katawan, nasa edad bente dos o bente tres na ang babae at may hugis pusong nunal sa leeg. Iyon ang binigay na palatandaan sa babaeng hahanapin nito. Mahirap pero sa nakikitang mukha ng lalaking may hawak ng cheque ay determinado ito. Nilagay ang lugar kung saan sila nagkita ng babae at ilang posibleng naroroon ito. Nang makaalis ang detective ay hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga. Gusto niyang makita ulit ang babae, gusto niyang malaman kung kumusta ito. Hindi alam kung bakit ganoon na lamang kagustuhang muli itong makita. Halos gabi-gabi kasing naaalala ang gabing namagitan sa kanila nang gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD