NAPAPAILING SI Travis sa ideya ng mga kaibigan. Undercover boss, hindi pa naman siya ganoon kadesperado sa negosyo niya pero gaya nga ng usapan nila. They have to know well kung anong uri ng empleyado meron sila.
Dahil sa opisina ay kilala siya ng ilang big boss ay sa field siya magsisimula. Napangiti siya habang suot ang pinakaluma niyang black slacks at white long sleeve shirt. Napapangiti siya sa nais gawin. Mabilis na sinuot ang black leather shoes niya. Natatandaan niya sa Hong Kong niya pa iyon nabili pero was seven years ago. Anniversary nila ni Aprille noon. Naiiling na naalala ang ex dahil kaakibat noon ang babae sa dagat.
Bumuntong hininga siya saka tumingin sa salamin. Dahil sa pangyayaring iyon ay tila nakalimutan na niyang magsaya. Oo, nakangiti at nakatawa kapag kasama ang mga kaibigan pero deep inside him ay ang pagkausig bg konsensiya niya at di lubusang magawang magsaya.
Paalis na siya nang may mag-doorbell. Nagulat siya ng makita ang ina.
"Mom.." aniya rito. Napakunot noo rin ito.
"Mukhang may lakad ka anak, may date ka ba?" Excited na tanong nito. Pero nang makita ang hitsura ay muling nagtanong. "Linggo ngayon? Don't tell me magtatrabaho ka pa rin?" Gagad nito.
"Hindi mom, pupunta lang ako sa SM. Oo, doon lang.." kaila rito. Pero totoo namang sa SM siya pupunta upang mamigay ng flyers ng kanilang mga subdivision at condo units.
May pagdududa sa mata ng ina pero hinayaan na lamang. Agad na pinapasok ito sa kaniyang condo. "Anonv gusto mo mom, coffee or juice.." alok rito. Pero pagbaling ng ina sa kaniya ay iba ang sinagot.
"Its been five years anak, have you found her?" Tanong nito.
Maging siya ay na-freeze sa kinatatayuan. Nang makahuma ay umupo sa tapat ng ina. "I did every resources that I had mom. Until now my detective was their looking. In five years, we get frustrated. I have all the money that I made him keep looking but he had family too to be with. Kaya minsan iniisip kong itigil na pero I am still here mom." Aniya na talagang hinahati siya ng kaniyang konsensiya.
Naramdaman iyon ng ina at nilapitan siya. "I know. I understand anak. I just want you to know that aside of looking for her, you have a life too. You're thirty-four, its about time for you to have family. Ang daddy mo, tinatanong na ako kung may plano raw bang mag-asawa ang panganay namin. Terese was so busy on her life too and keep saying na hangga't hindi ka nag-aasawa ay hindi raw muna siya mag-aasawa." Wika ng ina.
"Mom, I tried pero.." putol niya.
"Pero may puwang diyan sa puso mo, hindi mo magawang mag-saya hangga't hindi mo siya nahahanap?" Pagtutuloy nito. Sinapo niya ang ulo dahil tama ang ina. Hinawakan siya nito sa balikat. "Anak, ayaw kong balutin ko ang sarili mo sa nakaraan. Paano kung naka-move on na ang babaeng iyon. May pamilya na..at ikaw...heto.." turan ng ina.
"Hindi ko alam mom, I have this feeling in my heart na nagsasabing kailangan ko siyang mahanap. Siya lang kasi ang susi para tuluyan akong makalaya. Ang bigat sa dibdib mom, may mga gabi pa rin hindi ako makatulog dahil naririnig ko ang tinig niya. Ang sigaw niya...ang....ang...." hagulgol niya.
"Thats enough!" Alo ng ina ng makitang tila trauma sa kaniya ang nangyari. "Ayusin mo na ang mukha mo, para ka tuloy bata oh.." anito sabay ngiti.
Mabilis namang kinompose ang sarili ay muling inayos ang suot. "Oh siya anak, basta masasabi ko lang. Bigyan mo ng taning ang paghahanap mo. Five years is enough. Give a year more at pagkatapos noon at wala pa rin ay tumigil ka na at magpatuloy. Kung hindi mo kayang limutin ang nangyari. Sabihan mo lamang ako, dahil ang tita Estrella mo sa US ay may kilalang forensic hypnosis. Kaya raw nitong gisingin ang subconscious mind and also can delete some of your traumatic experience." Saad ng ina.
Napatingin siya sa ina. Para tuloy gusto niyang puntahan ang sinasabing forensic hypnosis alam niyang sa mga FBI cases sa US ay accepted sa mga ito ang gawa bg isang forensic hypnosis at ilang beses na nilang napatuyan ang kakayahan ng mga ito.
"Okay mom, give me a year more. Kapag wala talaga ay tama na." Saad dito. Ngumiti ang ina saka siya inakay.
"Oh siya, pumunta ka na sa pupuntahan mo. Mukhang may date ka eh." Tudyo nito.
"No mom, I will just do some undercover work." Ngiting balik rito.
Ngumiti ng matamis ang ina. "I miss that smile son. By the way, matagal-tagal ko na hindi nakikita sina Tristan, Zach at Zion. How are they?"
"They're good mom. Zion was troubling in his business kaya medyo busy thats why Zach suggest to do this undercover thing.." ngiti sa ina.
"Well, not a bad idea. You have to learn and know the business you run mostly, know the people you employ." Wika ng ina na kita agad ang punto niya sa gagawin.
"Thats true.." aniya rito saka umakbay papalabas ng condo niya.
PAGDATING sa SM ay agad na nakita ang stall na naroroon kung saan may malaking larawan ng kanilang real state projects such us condo units and exclusive to normal subdivision along and outside the metro Manila.
Nakitang may dalawang babae at isang lalaking naka-istasyon doon. Agad na lumapit sa mga ito. "Hi.." agad na bati.
Nakitang natigilan ang dalawang babae at tila na-starstruck sa kaniya.
"Oh hi...ikaw ba ang pinadala ng opisina?" Turan ng lalaki dahil hindi nakasagot ang kasamang nga babae.
"Oo.." aniya.
"Hi..." sabayang turan ng dalawang babae ng makabawi.
"Gerald pala pare.." pakikipagkamay ng lalaki sa kabilang kamay ang flyers na pinamimigay nito.
"Travis.." aniya rito.
"Nice name. Bago ka ba sa kompaniya?" Tanong pa ng lalaki sa kaniya.
"Oo.." tipid na turan.
"Ah...hmmm ako nga pala si Almira at ito naman ang kaibigan kong si Sabina." Ubod ngiting turan ni Almira habang si Sabina naman ay abot tainga ang ngiti.
Nakipagkamay ang dalawang babae sa kanila.
"Oyyyy...nakakita lang kayo ng guwapo nakalimutan niyong may asawa't anak na kayo." Gagad ni Gerald sa mga ito.
"Grabe, ang guwapo mo naman Travis. Parang hindi mo bagay rito, mas bagay mong mag-artista." Kalog na turan ni Sabina. Ngunit nang may makita itong tila mayamang lalaki ay agad itong lumapit sa lalaki.
"Hi sir, good day. Baka gusto niyo po ng condo unit namin o di kaya ang house in lot namin. Kapag nag-avail po kayo ngayon ay mayroon po kaming raffle promo. Baka makuha niyo po, try niyo po.." matamis na ngiti nito sa hinarang na lalaki. Kahit hindi mukhang interesado ay panay pa rin ng kumbinsi nito.
Natatawa si Gerald ng makita siya nito. "Pare, masanay ka na. Sa trabahong ito, pakapalan ng mukha. Kahit susungitan ka ng tao, kahit mukhang hindi interesado kailangan mong nakangiti at kalmado pa rin." Ani ng lalaki.
"True. Kaya awra lang ng awra. At dahil guwapo ka, mas mainam na magagandang dalaga o may asawa o matanda ang target mo. Tiyak mapapabili sila sa kaguwapuhan mo.." kilig na turan ni Almira. "Oh...I see..look and listen. May mukhang mayamang matanda...dali lapitan mo. Bilis.." tulak nito sa kaniya. Sabay bigay ng flyers.
Wala tuloy siyang nagawa kundi ang hintayin ang sinasabi nito. Nang matapat ito sa kaniya ay tumikhim muna siya. "Hi ma'am, ang ganda-ganda niyo naman po today. Mukhang bagay niyo pong tumira sa magara naming condo." Bungad rito. Tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Ma'am may promo po kami. Kapag nag-avail kayo ng any units from our company may chance po kayong manalo ng plane ticket and hotel accomodation to Singapore at sa grand raffle ng sasakyan." Ngiti rito na noon ay nakikinig habang nakatingin sa kaniya.
Naaalibadbaran sa klase ng tingin ng matanda pero kailangan niyang gawin iyon.
"Actually marami na akong bahay.." anito. Saka muling tumingin sa kaniya. "Pero gusto mo ng pera, mapagbibigyan kita. Guwapo ka naman at mukhang malinis. Here.." anito sa tarhetang kinuha sa bag nito.
Nang makaalis ay agad na bumalik sa puwesto at agad na nag-usisa ang tatlo. Binigay ang tarheta sa mga ito. Tawang-tawa si Gerald. "Pare, sa gandang lalaki mo. Huwag ka nang magtaka. Maraming matatanda ang mag-ooffer sa'yo." Anito.
Napapailing na lamang talaga siya. Hanggang sa nagdaan pa ang ilang oras. Nangangalay na ang paa sa katatayo. Pero ang tatlong kasama ay sige pa rin sa pangungumbinsi sa mga taong napasok sa mall. Doon napagtantong mahirap din pala dahil nakikitang napapangiwi pa si Sabina kapag tila nakikipag-usap ito sa multo dahil hindi man lang magawang tignan ng taong kausap o minsan ay kinukuha lang ang flyers pero makikita mo nalang nikukot iyon o tinapon.
"Pagod na ba?" Untag ni Gerald na noon ay pabalik habang sa likod ang isang ginang. Mukhang nakakuha ito ng kliyente. Siya naman ang nagtungo sa labasan hanggang sa makita ang isang ale.
"Manang, mag-avail na po kayo sa aming house in lot." Aniya rito.
Ngumiti ang ale. Kung kanina ay matandang mayaman ang kausap ito naman ay halatang ordinaryong mamamayan lang. kinuha ang hawak niya. "Ahhh...nakakuha na ang anak ko rito hijo. May nakuha kaming unit sa subdibisyon diyan." Wika nito.
Napangiti siya. "Ganoon po ba? Baka gusto mo pong mag-fill-up sa promo namin since baka-avail na kayo. May receipt po ba kayo sa last p*****t niyo?" Tanong rito.
"Ay, oo meron. Saglit at hahanapin ako.." anito saka hinanap nga sa may kalakihan nitong bag.
"Manang Delia.." tinig ni Almira sa likod niya.
Nanlaki ang mata ng matanda ng makilala ang babaeng kasamahan. "Oh Almira, nandito ka pala. Akala ko ay sa palengke ka lang nakadisteno?" Tanong nito.
Tumawa ang kasamahan. "Naku, pang aircon kasi ang beauty ko manang." Tawa nitong sagot. Tumawa rin ang matanda sabay lahad ang resibo nito.
"Kasamahan mo ba itong batang ito. Aba, ke guwapo ah." Ani ng matanda.
Natawa si Almira ng makita ang reaksyon niya. Baka kasi katulad ng matanda kanina ay mag-ooffer din ito. "Opo manang," anito.
"Oo nga eh, bagay sa anak kong si Nikka." Anito na ngumiti.
"Ay, kailan po ba uuwi ang anak niyo. Mukhang na-excite akong makilala." Turan pa ng babae.
Napapailing na lang si Travis. Kahit papaano naman ay napangiti na rin. Akala niya kasi ay ito ang mag-ooffer sa kaniya iyon pala ay sa anak siya nito ipapartner.
—