"HELLO? Any news?" Agad na turan ni Travis ng makitang ang kaniyang imbestigador ang natawag. Kinabahan pa siya dahil ngayon lang ito natawag sa kaniya.
"Sir.." anito.
"Yes? Ano meron ba?" Gagad rito.
"Sir, mukhang wala namang ganoong babae rito. Sinuyod ko na ang kalakhang bayan. Anim na buwan na ako rito pero hindi ko mahanap." Wika nito na nabanaag ang prustrasyon aa tinig nito.
Mas lalo siyang nabahala dahil mukhang maging ito ay nawawalan ng pag-asa. Hindi siya maaaring sumuko. Kailangan niyang mahanap ang babae kundi habang buhay siyang babagabagin ng kaniyang pagkakamali.
"I will wired you fifty thousand. You can have it in any western union close to you right now. Just find her. Just another six month." Aniya rito.
Narinig niyang bumuntong hininga ito. "Sir, ang pamilya ko hinihintay ako. Mukhang mahirap hanapin ang babaeng ni pangalan ay hindi natin alam." Anito.
"I'll give you hundred thousand. Just find her. Do it!" Aniya na umiinit na ang ulo. Muling bumuntong hininga ang lalaki.
"Okay sir, pero kapag anim na buwan at wala pa ay—." Napatigil ito ng sumabad siya.
"Do your best. I believe in your ability. Alalahanin mo, isang milyon. Magagamit mo para sa pag-aaral ng mga anak mo." Aniya rito. Alam niyang may tatlo itong anak kaya batid na magiging determinado ito na mahanap ang babae para makuha ang milyon.
Muling bumuntong hininga ang lalaki. "Okay sir.." anito saka nagpaalam.
Napabagsak siya ng upo. Hanggang sa muling tumunog ang cellphone.
"Hey man! Where are you?" Tinig ni Zion.
"Sa opisina? Wait? Bakit ganiyan ang boses mo?" Tanong rito.
"Nandito sa opisina ko si Zach. Naglalasing, pati ako gustong malasing." Anito na groggy na.
"What! Ano namang problema?" Tanong rito.
"Ano pa eh di iyong invisible jowa. Este iyong girlfriend. Ito namang kasing bestfriend mo. Pumasok-pasok sa relasyon pero parang siya lang ang committed. Mukhang nag-away at malabong magkabalikan na." Ani ni Zion sa tawag nito.
"Ikaw talaga ang chismoso mo.." lasing na tinig ni Zach sa kabilang linya. Sabay agaw sa cellphone ng kausap. "Hello bestfriend. Mukhang nagdilang demonyo ka.." tuya nito.
Badtrip siya pero wala siyang balak patulan ito. "Nandiyan pa ba kayo sa opisina ni Zion?" Tanong rito.
"Oo, ayaw kasing uminom ito eh. Ginugulangan ako.." ani ni Zach.
"Okay, I'll be there in a bit." Aniya rito saka mabilis na kinuha ang jacket at nagmamadaling nilisan ang opisina.
Nang makarating ay naroroon na si Tristan. "Mukhang late na ako ah.." bungad sa mga ito. Kitang halos malaglag na sa sahig si Zach sa kalasingan.
"Limang taon dude, she just dropped everything just because she not yet ready to give up his career. I told her to pay everything even give her half of my asset." Iyak nito.
Gusto niyang matawa dahil ganoon na ganoon siya noon pero habang naaalala ang babaeng pinapahanap ay naiisip na huwag itong iwan at suportahan ang kaibigan para hindi ito matulad sa kaniya na hanggang ngayon ay inuusig ng konsensiya.
Nang makitang tila tulog na ito ay kinausap sina Tristan at Zion. "Dude, whatever may happen. Don't lose eye or track on him." Aniya sa mga ito.
Napakunot noo siya. "Alam ko ang takbo ng isip niya, katulad ko I was there at ayaw kong makagawa siya ng bagay na pagsisisihan niya." Turan ng seryoso. Mas lalong naging mapangduda ang dalawa pero ayaw niyang mangyari sa kaibigan ang nangyari sa kaniya. Kahit ganoon sila, tila aso't pusa minsa ay mahal niya ang mga ito.
Oras-oras yata ay tinatawagan ito. Medyo nakukulitan na siya kaniya, mas mainam na iyon para ma-divert ang atensiyon nito at sa nakikita ay mukhang epektibo.
"Hey! Stop calling me! I'm fine!" Inis nito nang tumawag sa kaniya.
"Okay! Okay! You're fine. Wait...where are you?" Pangungulit na tanong.
"I told you, I'm fine!" Inis nito.
"Wait! Zacharias..." pagbubuo nito ng pangalan ng lalaki.
"What!" Galit nito.
"I saw your ex..." aniya habang nakatitig sa pares na papasok sa restaurant sa isang five star hotel na kinaroroonan with his Japanese client.
Napatigil ang kaibigan sa kabilang linya. "She's with his loveteam. She look like so happy.." aniya pa.
"So, you call me to tell me that she's happy with other. Niceee.." sarkastiko nito.
"I called you to tell you that she moved on and she is happy. So, I think its about for you to move on too." Aniya rito.
Napatawa ito ng nakakaloko. "Coming from you.."
"Yes! I've been there. And you know what! I lost my mind. I did mistake at ayaw kong mangyari sa'yo iyon." Gagad rito. Buti na lamang at wala pa ang ka-meeting dahil nag-excuse ito kanina dahil may international calls ito.
"Okay fine...no worries dude. I won't do things..." maya-maya ay turan ni Zach sa kabilang linya.
"Thats good dude.." aniya naman rito at nagpaalam na dahil pabalik na si Mr. Takamoto.
Matuling lumipas ang anim na buwan at isang taon na mula nang kunin ang detective na si Mr. Guzman ngunit wala pa ring positive info about the girl. Maging siya ay nawawalan na ng pag-asa.
Bumalik na si Mr. Guzman sa Maynila dahil kinailangan rin nitong makasama ang mga anak. Lalo pa at graduation ng panganay nito sa high school.
"Good to hear you Mr. Guzman." Pakikipagkamay rito.
"Ganoon din ako Mr. Elizarte. Pasensiya na talaga pero mukhang malabo natin makita ang babae. Baka bakasyunista lang doon at hindi taga roon." Saad nito.
Napasapo siya sa noo. Tumingin siya sa lalaking kausap. Ito lang ang maaari niyang mahingan ng tulong. Walang alam ang mga kaibigan at tanging ang ina ang nakakalam noon.
"Sasagutin ko ang kolihiyo ng anak ko. Ipagpatuloy mo lang ang paghahanap mo." Matiim na titig rito.
Nakita niyang nagsalubong ang kilay nito. Tila nais magtanong pero hindi nabuka ang bibig. "Maasahan ko ba?" Untag rito.
Napalunok ito. "Mr. Elizarte, kung mamarapatin niyo. Naghahanap ako sa babaeng hindi natin alam ang mukha, hindi rin alam ang pangalan. Ano po bang kailangan niyo sa babae?" Tanong nito.
Siya naman ang napalunok sa tinanong nito. Muling sinapo ang mukha. He's start to get frustrated. "May utang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung papaano. I was so guilty dahil nang iwan ko siya tila ba walang-wala siya. Natatakot akong baka—." Putol niya at tila ayaw tapusin ang sinasabi.
Iba na kasi ang tumatakbo sa isipan. Paano kung nagpakamatay ang babae dahil hindi matanggap ang nangyari rito. Batid niya ang isang bagay kahit lango siya sa alak at bawal na gamot ay batid niyang berhin ang babae nang angkinin ito.
"Baka kasi napaano siya. Ayaw kong may pinagsisisihan sa buhay." Kaila rito.
"Ganoon po ba?" Anito. Siguro at nais lamang nitong malaman kung bakit ganoon siya kadeterminadong mahanap ito at handa pa siyang gumastos at magbayad ng milyon mahanap lang ito.
"Oo Mr. Guzman, hanggang ngayon hindi ako matahimik. As you can see, I have millions, I had beautiful ex-girlfriend but I can't moved on and be happy dahil alam kong sa nakaraan ay may babae akong naagrabyado." Wika pa rito.
Sa panibagong offer dito ay hindi ito nakatanggi. Papag-aralin niya ang anak nito at gagastusan ang paghahanap nito saka naroroon pa rin ang isang milyon. Muling nabuhayan ang lalaki at sa nakitang pag-asa sa mukha nito ay nabuhayan rin siya.
Habang nakatingin sa likod ng papaalis na lalaki ay ang dalangin na sana ay matagpuan na ito.
"HELLO INAY, TITA.." masayang turan ni Nikka habang ka-video chat ang ina at tiyahin.
"Oh anak, kumusta ka naman diyan." Tanong ng ina.
"Kahit papaano inay ay okay naman. Maayos naman ang amo ko. Nagsabi na akong ito na ang huli kong taon at sinabi kong uuwi na ako ng Pilipinas." Nakangiting turan sa ina. "Eh si Nicole po kumusta?" Tanong rito.
"Hay naku! Ang kulit-kulit ng anak mo. Ang tigas ng ulo.." anito.
"Hay naku ate, ikaw din naman kasi ang nag-spoiled sa kaniya." Bara naman ng tiyahin sa kapatid nito.
"Oo na, kasalanan ko na. Kaya ikaw, umuwi ka na at maalagahan mo itong batang ito. Oh heto na pala.." anito. Nang makita ang anak sa screen ay nakitang ang dungis nito at galing sa labas.
"Tignan mo. Kapapaligo ko lang, isang oras lang at ganyan na naman ang hitsura." Turan ng ina.
"Hayaan mo po inay, malapit na po. Eh iyong hinuhulugan nating bahay sa Maynila. Natignan mo na ba?" Tanong sa ina.
"Oo anak, maganda naman at malaki. Di ba nga at pinapabalik ko na roon para ayusin. Sa susunod na araw pa ako luluwas. Eh paano itong anak ko ha.." wika pa ng ina.
"Iwan niyo na muna kay tita Digna. Siya na po muna bahala. Okay lang po ba tita?" Tanong rito.
"Ay, okay na okay. Mabuti at masosolo ko rin ang batang ito." Aniya ingus sa ina. Napangiti na lamang si Nikka. Kahit papaano ay naiibsan ang pag-aalala. Wala man siya sa piling ng anak ay busog naman ito sa pag-aaruga ng dalawang lola nito.
"Oh siya anak, basta mag-iingat ka diyan at alagahan mo ang sarili mo." Paalala ng ina.
"Salamat inay, kayo rin po diyan. Salamat sa pag-aalaga ninyo sa anak ko." Aniya saka tumingin sa inosentenh mukha ng anak.
Naalala pa niya. Hindi niya matanggap ito nang makumpirma noong buntis siya rito. Pinagsusuntok ang tiyan at nais mawala pero masuwerte siya dahil naroroon ang ina at tiyahin. Hindi siya iniwan kahit depress na depress siya noon kung papaano palalakihin ang anak at bubuhayin ito.
Kaya nga kahit mahirap sa kaniya ay nagawa niyang mag-abroad para lang maibigay ang pangangailangan nito at matupad ang pangako sa ina. Sa apat na taon niya sa Singapore ay nakakuha na siya ng bahay sa Maynila. Gusto niya ring patignan sa ina kung may magandang lokasyon para sa isang karinderya. Magaling magluto ito, baka kasi maaaring doon sila magsimula para naman may pagkakitaan silang dalawa.
Gusto na rin niyang umuwi at makasama ang anak bago pa siya nito hindi makilala ng lubusan.
—