"KAYA PA BA?" Untag ni Gerald sa kaniya.
Ngumiti siya rito. He can give a point to his HR department for choosing those kind of people. Maswerte siya dahil sa kabila ng hirap ng maghapong pagtayo ng mga ito, idagdag pa ang hindi nila kontrolado ang mood ng bawat taong nakakasalamuha ay masaya pa rin ang mga ito.
"Nakakapagod pala nito?" Komento rito.
"Sinabi mo pa..pero wala eh. Ito ang trabaho natin, kung hindi naman natin gagawin ito ay wala tayong ipambubuhay sa pamilya natin." Sabad ni Almira.
"Oh hayan, kaya tawag sa'yo Almira pakialamera. Kasi sabad ka ng sabad. Ikaw ba ang inatanong?" Gagad ni Gerald sa kasamahang babae.
"Hmmmp! Ewan ko sa'yo.." anito at lumayo at saktong muling may dumaan at inalok nito ng flyers.
Nang pumatak ang alas una ay salitan silang nag-breaktime dahil kailangang may dalawang matira. Nauna ang dalawang babae kaya inaiwan silang dalawang lalaki.
"May asawa ka na ba?" Maya-maya ay tanong ni Gerald sa kaniya.
Ngumiti siya. "Wala pa.." tipid na sagot rito.
"Parehas pala tayo. Eh girlfriends.." anito.
Mas lalong napatawa si Travis. "Girlfriends talaga." Aniya rito.
"Aba, oo. Sa guwapo mong iyan.." dagdag pa nito.
Doon ay napatigil siya sa pagtawa saka naging seryoso. "Wala rin." Sagot rito.
"Weeeehhhh.." gagad nito. "Seryoso ba iyan?" Maang nitong tanong.
"Ewan ko ba? Siguro, hindi ko pa lang siya nakikita." Aniya saka mabilis na namigay ng flyers sa kumpol ng kababaehang pumasok. May ilang nagpapa-cute lang, may ilang tila interesado naman.
Pagbaling kay Gerald ay kumindat ito nang makitang tila may kliyente na naman ito. Pinapa-fill-up ng ilang forms sa babae. Kahit papaano ay sa aspetong iyon bg negosyo ay maayos naman. Mahirap pero parang hindi naman masyado nakakapagod dahil sa dami ng taong nakakasalamuha mo.
"Mukhang nakakadalawa ka na ah.." bungad ng makabalik sa stall nila.
Umakbay ito sa kaniya. "Pare, ganito lang kasi iyan. Sa ganitong trabaho, maganda dahil may fix sahod tayo pero kung may makuha kang kliyente aba, bonus mo na iyon. Eh paano kung marami, di mas maganda ang kita. Kung ako lang biniyayaan ng ganiyang mukha. Naku, kahit iyong matrona kaninang sinabing maraming bahay. Mapapabili ko.." anito.
Napakunot noo siya sa kasama hindi dahil nayayabangan dito kundi dahil sa istilo nito. "Sa ganitong trabaho, hindi lang dapat charm o hitsura lang. Dapat magaling ka ring mambola.." anito sabay tawa. Napapailing na lamang siya. Well, thats how his business work. Kailangang ma-PR ka para makabingwit ng kliyente.
Nang matapos sa duty ay dumiretso siya sa condo niya. Halos nananakit ang kaniyang binte gawa ng maghapong nakatayo. Pagpasok ay binagsak ang katawan sa sofa. "Ouchhhh.." di mapigilang daing. Noon lang niya naranasang tumayo ng ilang oras na deretso.
Iinat-inag nang mag-ring ang kaniyang cellphone. "Hello.." aniya na pagod na pagod.
"Oh bakit ganiyan ang boses mo?" Gagad ni Tristan sa kabilang linya.
"Anong kailangan mo?" Tamad na tanong rito.
"Are you okay?" Maang na tanong nito. "You seems so tired.."
"I am.." aniya rito.
"Bakit? I mean, anong ginawa mo. Di ba linggo ngayon." Anito at nang maalala ang pakay sa kaniya ay muli itong nagsalita. "Hey by the way. You mention once that you someone...hmmmm..detective.." anito na hindi maderetso.
Napakunot noo siya. Bakit kakailanganin naman nito ang detective. May nagawa rin ba ito katulad niya para mangailangan ng detective. "Bakit? May ginawa ka bang hindi mabuti!" Malakas na tinig rito.
"Hey man, akala ko ba pagod ka. Nagtatanong lang ako kong may kilala kang detective." Bara ni Tristan. Napasapo siya ng ulo sabay bangon. Bakit ba niya naisip na may ginawa rin itong hindi mabuti.
"Bakit?" Mahinang tanong.
"Well, gusto kong ipa-background check ang bookkeeper ko. I got this feeling na siya ang gumagawa ng anomalya sa kompanya ko." Dinig na turan nito.
Napailing na lamang si Travis. Akala niya ay may ipapahanap din itong naagrabyado nito. Iyon pala ay umaagrabyado dito.
"Okay, sasabihan ko." Malumanay na turan.
"Wait! Ano ba talagang ginawa mo ha?" Giit nito na wala pang planong tapusin ang pag-uusap nila.
"Ano pa eh sinimulan ko ang undercover mission ko. I stand seven hour straight in the mall. My legs are aching.." aniya na kinatawa ng kausap.
"Well, atleast you just stand there and give your flyers. Me, I was there mopping the whole office." Anito na natatawa sa pinaggagagawa nila.
"Well, good for you.." aniya rito na kahit papaano ay natawa.
"Let me know if you talk to the detective.." anito saka nagpaalam. Muling nahiga at pinilit na i-relax ang mga paa.
Kinabukasan ay sa opisina naman siya, isa iyon sa mga may hawak ng sales. Naisipan niyang magbihis janitor naman buti at wala pang nakakakilala sa kaniya. Ang lagi kasi nakikita ng mga ito ay si Mr. Fernandez. Ang kaniyang chief operating officer. As a chief executive officer o CEO ay naroroon lang siya kapag may meeting sila ng COO niya. He has his own office dahil hindi lang naman iyon ang negosyong pinapatakbo niya.
"Oh ikaw ba ang bagong janitor?" Tanong ng may katandaang lalaki.
Ngumiti siya. "Opo," magalang na turan dito.
"Aba? Dapat sa TV ka nag-apply ng trabaho. Mas bagay ka doon.." anito na nakatawa.
"Naku! Hindi po ako marunong sumayaw." Tawang sagot rito.
"Aba! Hindi ka naman sasayaw. Mag-action o kaya drama ka." Kalog na turan ng matanda.
"Hindi rin po ako marunong magdrama o kaya action." Gagad rito.
"Ay ganoon ba? Oh di talagang dito ka na nga talaga. Halina at marami tayong lilinisin." Yakag nito sa kaniya habang tulak-tulak ang balde na de gulong kung saan naroroon ang mop.
"Hello po manong.." ngiti ng ilang babaeng nagtatrabaho doon. "Ang guwapo naman po ng kasama niyo?" Turan pa ng mga ito.
"Ah..siya ba? Ano nga bang pangalan mo hijo?" Napakamot ng ulong tanong nito.
"Travis po.." aniya.
"Travis daw, naku! Mukhang tipo ka noon ah.." anito nang makalayo ang babae. Napangiti na lamang siya.
Mabilis na natutunan ang tinuro ng matanda. Ilang sandali ay iniwan na siya nito dahil may tatapusin sa kabilang room. Nasa cashier area siya. May ilang napapatingin sa kaniyang staff pero nagkikibit na lang kapag nakikitang janitor lang siya. Hindi niya alam kung manliliit sa sarili o matatawa na lamang.
Maya-maya ay pumasok ang isang ginang. Dumeretso ito sa may cashier booth.
"Ah ma'am, gusto ko po sanang humingi ng kopya ng lahat ng nahulog ng anak ko sa kinuha naming unit. Balak na kasi niyang bayaran lahat pag-uwi niya para daw alam niya." Turan nito. Nakikinig lang siya.
"Okay ma'am, doon na lang po kayo sa mesa doon para ma-print out po nila ang hinihingi niyo." Turan naman ng kausap nito.
"Ah sige, salamat." Anito at nagtungo na sa tinuro ng babae. Ilang sandali ay pinasadahan nito ng tingin ang hawak na papel. Napangiti pa ng makita iyon at nang paalis na ito ay saktong nakita siya nito. Napakunot noo ito saka lumapit sa kaniya.
"Ang sipag mo pala hijo.." anito. Nangungunot ang noo dahil hindi ito kilala. Tumawa ang ginang. "Naku, nakalimutan mo na ako. Ako iyong sa mall kahapon." Anito saka naalala ang ale na nag-fill up ng kanilang promo.
Napangiti siya rito. "Kayo po pala, pasensiya na po. Di kasi ako matandain sa mukha. Musta po.." bati rito.
"Okay lang, ikaw? Akala ko ba naminigay ka lang ng flyers eh bakit nandito ka." Saad.
"Ah...eh...part time po..." kaila rito.
"Sipag mo talaga, kaya gusto kita para sa anak ko." Wika nito.
Muli siyang napatawa rito. Mukhang determinado ang aleng ipartner siya sa anak nito. "Naku, baka hindi ako bagay sa anak niyo po.." wika rito.
"Naku! Maganda rin ang anak ko hijo. Babagay sa kaguwapuhan mo. Ewan ko ba doon sa batang iyon. Wala atang balak mag-asawa o magka-boyfriend man lang." Wika pa nito.
"Oh hindi ka pa ba tapos rito? Marami pa tayong gagawin.." turan ng matanda ng balikan siya.
"Ay...pasensiya na. Naabala na pala kita. Oh sige hijo, mauna na ako. Ingat ka.." nagmamadaling paalam nito. Mabilis na lamang siyang nag-mop para di mapagalitan nito.
SO FAR, ay wala naman siyang nakikitang hindi maganda sa negosyo niya. Ang mga empleyado ay mukhang maayos naman. Kagagaling niya lang sa meeting nila ni Mr. Fernandez ang kaniyang COO, papalabas na siya ng building ng matapat sa isang kantina. Tila bagong bukas at malakas ang tugtug buhat roon.
Malapit doon ang kinaparadahan ng kaniyang sasakyan. Lalampas na sana siya doon ngunit narinig niya ang pagsitsit sa kaniya.
"Pssssssstttt...."
Lumingon-lingon siya. Galing pala iyon sa loob bg karendirya. Mabilis na umibis doon ang isang may edad na babae. Napakunot noo siya. Naalala na niya ito. Ito ang ale sa mall at sa opisina nila noong nakaraang araw.
"Hijo, nagmamadali ka ba? Halika muna. Libre para sa'yo. Opening ng karendirya ko. Baka gusto mo.." anito na nakangiti. Nang mapansin nito ang hitsura niya ay lumapit ito sa kaniya. "Wow! Ang guwapo natin ngayon ah, kung wala lang itong jacket mo na ito. Sasabihin kong galing ka sa binyag." Wika nito na nakatawa.
Hindi tuloy alam ni Travis kung papaano magre-react. "Ano, kakain ka ba?" Maya ay untag nito.
Wala siyang nagawa kundi ang pag-bigyan ang matanda tutal ay gutom naman na siya.
Nang paupuin siya nito sa mes ay agad siyang nilatagan ng pagkain. Mukhang masarap naman ang mga iyon. "Huwag kang mag-alala. Masarap akong magluto." Garantiya pa nito.
"Sige nga. Matikman po.." aniya saka sumubo. Masarap nga itong magluto. Naging magana siyang kumain nang magsalita ang ale.
"Oh di ba masarap. Kaya sabihin mo sa lahat ng kasamahan mo diyan sa opisina na dito na kumain. Mura pa.." anito na tila nang-iingganyo. Kahit papaano ay natutuwa siya sa kakulitan ng ale.
"Hay naku, binilisan ko na ang pag-aayos nito. Gusto ko kasing makauwi na ang anak ko." Wika na tila nawala ang kakulitan nito.
"Bakit po. Nasaan po ba siya?" Ang tanong rito.
"Nasa Singapore, alam mo na sa hirap ng buhay. Kailangan niya pang mamasukan doon para lamang makaahon-ahon sa hirap." Anito na tila nalungkot.
"Ganoon po talaga eh.." aniya naman.
"Pero wala ka naman sigurong girlfriend noh?" Maya-maya ay baling nito sa kaniya. Naiiling na lamang siya. Tiyak kasing sasabihin na naman nitong bagay sila ng anak nito.
"Wala po." Turan.
Napapalakpak pa ito. "Sabi ko na nga eh. Okay, hijo kain ka lang ng kain." Saad saka mabilis na inistema ang ilang naroroon.
Maging tuloy siya ay na-curious sa hitsura ng anak nito. Bagay nga ba sila?
—