LUNES iyon at gaya ng kaniyang eksperimento ay muli siyang pumasok sa loob ng opisina. Kapag nakakasalubong niya si Mr. Fernandez ay tikom ang bibig nito. Napapangiti sa kaniya. Nang breaktime ay agad na nagpaalam kay Mang Juan. Kakain lang siya sa karendirya sa tapat ng building nila. Nakakalokong ngiti ang pinakawalan ng matanda. "Naku! Kapag tinamaan naman oo, huwag mong sabihing tipo mo iyong anak ng aleng nagtitinda." Anito na tila ba basang-basa siya nito. "Sabagay, ke gandang bata. Kaya huwag papatay-patay." Pagpapalakas nito ng loob sa kaniya. Dalawang gabi rin siyang nag-isip kung papaano mapapalapit kay Nikka. Hindi alam kung papaano sasabihin dito na siya ang lalaking gumawa ng hindi maganda sa kaniya. Ngunit maisip pa lamang na magagalit ito ng tudo sa kaniya ay umuurong na