NAGTAKA SI NIKKA nang makitang sa hotel na pinagtatrabahuan ng kaibigan sila pumunta. Naisip niyang baka may discount din ito doon dahil nagtatrabaho rin ito bilang pool cleaner. Ngunit tila kilala ng ilang staff na pinasukang restaurant ito at magalang silang binati ng mga ito. Bigla ay nahiya siya. Simple lang kasi ang sinuot para hindi alanganin kay Travis pero hindi naman inaasahang masyadong magpapa-impress ito sa kaniya. Nang makapunta sila sa ni-reserve nitong mesa ay agad siya nitong pinaghila ng upuan. Ngumiti siya rito at nagpasalamat. "Sure ka, dito tayo?" Maang rito. Ayaw niya itong pahiyain pero mas ayaw naman niyang mamulubi ito dahil sa kaniya. Batid ni Travis na nag-aalala ang babae kung kaya ba niyang bayaran ang kanilang kakainin. Ngumiti siya rito at hinawakan ang ka