MABILIS NA TUMALON si Nikka sa swimming. Nang maramdaman ang lamig ng tubig ay nahimasmasan siya. Tila nawala ang kalasingan at mabilis na nilangoy ang kinaroroonan ng lalaki. Magaling silang lumangoy kaya mabilis itong natunton. At ganoon na lamang ang gulat ng lalaki nang hawakan niya ito. Gulat na gulat talaga si Travis nang may kamay na humila sa kaniya. Hindi niya alintana ang lamig. Nang marinig ang pagsunod na pagkabulasaw ng tubig kanina ay inakalang wala lang iyon. Mukhang may nakarinig sa kaniya at inakalang magpapakamatay siya. Nang maiangat siya ng humihila sa kaniya ay agad siyang napasinghap. "Ano sa tingin mo ang hinagawa mo!" Tinig ng babae. Napakunot siya. Madilim ang kinaroroonan ag nakasabog sa mukha nito ang buhok gawa ng pagkakabasa pero tila kilala ang timbre ng b