NANG UMUSAD ANG sasakyan niya ay hindi napigilang tahakin ang daang papuntang Norte. Tila nakikiayon naman sa kaniyang damdamin ang daloy ng trapiko dahil hindi ito ganoon ka hirap ang usad. Nang makarating sa NLEX ay halos paliparin ang sasakyan. Hindi na siya naluluha noon pero iba ang bigat ng damdamin niya. Pasado alas dose na ng madaling araw nang marating ang pakay. Hindi alam kung papaano nakarating doon ng mahigit kumulang na apat na oras pero nagawa niya. Sa parehong resort, sa parehong lugar kung saan nagsimula ang lahat sa kanila ni Nikka. Pagbaba ng sasakyan ay agad siyang sinaludaran ng lalaking attendant ng hotel. "Give me one room.." seryosong turan dito. Nakita siya ang pagyuko ng lalaki saka giniya siya. Napunta sila sa babaeng receptionist. Doon ay malaya ng mga itong