When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
HABANG NAKIKINIG sa pakiusap ni Travis ay hindi mapigilang umiyak si Nikka. Lalo pa pati anak ay naapektuhan. Mali yata ang desisyong dalhin na ito kasama nila. "Mommy, bakit hindi niyo po kausapin si daddy.." maang na turan nito habang nakikinig kay Travis. Hindi niya alam kung dahil ba ngayon lang siya nakakita ng lalaking lumapit sa kaniya at inakalang ito ang daddy niya na umuwi na galing ibang bansa o talagang naramdaman ng anak ang lukso ng dugo rito. Niyakap ito at muling narinig ang pakiusap ni Travis sa labas na ng silid nila. "Mommy..." ingit ng anak na tila nakikiusap na kausapin na niya ang lalaki. Tumingin siya sa anak at dama sa mata nitong naaawa kay Travis. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang buksan ang pintuhan at nakita nga roon ang lalaki at nakaluhod sapo ang mukha p