Matapos ipadala ang pera ay nagtext siya kay Terrence. Nahihiya man siya ay kailangan niyang magpasalamat rito. Hindi niya alam kung papaano ito pasasalamatan lalo na at ang perang bigay nito ang siyang magdurugtong sa buhay ng ina. Hindi na niya hinintay na magreply ito.
Mabilis siyang umuwi bago pa makauwi ang kaniyang asawa. Nakahinga siya ng maluwag ng pagbuksan siya ng kasambahay na si aleng Marina.
"Buti naman at nakauwi ka na. Bilisan mo at katatawag lang ng asawa mo. Papauwi na yata," bigay alam nito sa kaniya.
Mabilis ang mga naging galaw. Patapos na siyang magbihis ng sunod-sunod na busina ang narinig niya. Saktong naroroon na ang asawa. Mabilis na tinungo ang kusina at kuwari ay tinutulungan roon si aleng Marina. Nang makita ang asawa ay agad siyang lumapit rito at humalik sa pisngi.
"Hi love! How's your day? Magbihis ka na at maghahanda na kami ng dinner," patay malisyang sambit rito.
Nakatingin lamang ito sa kaniya na tila ba tinatantya kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Napapalunok na siya dahil mukhang mahuhuli siya nito buti na lamang at umalis na ito sa harap at pumasok sa silid nila. Bahagya siyang nakahinga ngunit ilang minuto pa lang mula nang pumasok ito sa kuwarto nila ay narinig niya ang dumadagundong na boses nito habang tawag nito ang pangalan niya.
Nagtinginan sila ni aleng Marina at bakas sa mata ni aleng Marina ang simpatya sa maaaring kahihinatnan ang pagtawag na iyon ng asawa. Alumpihit siyang pumasok sa silid nila at doon ay nakitang hawak ng asawa ang pinagbihisan niya. Doon ay natampal ang noo dahil sa kamamadali ay hindi niya nailigpit.
"Saan ka nagpunta?" Ang mariing tanong ng asawa.
Nahintakutan siya kaya hindi siya nakasagot agad.
"Sagot!" Singhal ni felix sa kaniya. "Saan ka nagpunta!" Sikmat ni Felix sabay hawak siya sa leeg.
Sa kabiglaan ay hindi na siya nakapalag. Padiin ang daliri niya sa leegan niya kaya halos hindi na siya nakahinga.
"Siguro nakipagkita ka sa lalaki mo noh!" Anito sa kaniya.
"Felix, nasasaktan ako. Hi-hindi ako makahinga," aniya na namimilipit.
"Masasaktan ka talaga kung hindi ka magsasabi sa akin kung saan ka galing!" Sigaw na nito.
"Nag—naghanap ako ng trabaho! Oo naghanap ako ng trabaho," pagkakaila rito.
Doon ay lumuwang ang pagkakahawak nito sa leeg niya. Lumuluha na siya noon.
"Kailangan kong magtrabaho para hindi na ako humingi sa'yo," aniya.
"Bakit, ginugutom ba kita?" Ang sabad nito.
"Hindi..hindi..hindi sa ganoon Felix pero gusto kong tulungan ang pamilya ko—."
"Punyeta! Joy, ako na ang pamilya mo. Ako lang!" Sigaw nito.
"No Felix, kung ganyan ang paniniwala mo pwes! Magkaiba tayo. Oo, ambisyosa ako at makasarili pero mahal ko ang pamilya ko." Sigaw pabalik sa asawa. Nakitang tumalim ang titig nito sa kaniya at akmang hahawakan siya nito.
"Sige, saktan mo ako Felix. Diyan ka naman magaling eh. Kaya siguro hindi tayo binibiyayaan ng Diyos ng anak dahil tayong dalawa nga lang hindi pa natin kayang mahalin ng buo ang isa't isa. Alam mo kung bakit, dahil kung mahal mo ako. Hindi mo ako sinasaktan at tinatanggap mo kung anong klaseng pamilya meron ako." Puno ng hinanakit na saad sa natitigalang asawa.
NAKITANG natigilan ang asawa saka ito tumingin sa kaniya. Dalawang taon na silang nagsasama nito ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak. Marahil nga ay tama siya. Paano sila bibiyayaan ng anak kung hindi nga nila maayos-ayos ang kanilang pagsasama. Nililigtas lamang sila ng Panginoon sa pagiging irresponsableng magulang kung sakali.
Matapos siyang titigan nito ng masama ay iniwan na siya nito. Wala siyang nagawa kundi ang magkulong na lamang sa kuwarto nilang mag-asawa saka impit na umiyak. Nasa ganoon siya ng may nagtext sa kaniyang cellphone. Agad na dinukot iyon sa bulsa at nakitang galing kay Grace. Sinabi nitong nakuha na nito ang pera at bukas na ang nakatakdang operasyon ng inang nila.
Sa nalaman ay kahit papaano ay naibsan ang kaniyang kalungkutan. Hindi na rin niya nagawang lumabas pa upang kumain ng gabihan, nawalan na siya ng gana kaya minabuting magkulong na lamang. Kapag ganoon din naman ay alam na ni aleng Marina na hindi siya kakain.
Dahil sa sama ng loob ay hindi niya namalayang nakaidlipn na siya. Marahil sa sobrang stress sa mga nangyayari sa kanila. Naalimpungatan lamang siya ng maramdaman niya ang bahagyang paglundo ng kama sa bandang ulunan niya. Didilat na sana siya ng makitang nakaupo roon ang asawa habang nakatalikod ito sa kaniya. Nakayuko at sapo ng dalawang palad ang mukha nito.
Bigla ay naawa siya sa asawa. Kikibuin na sana ito ng umayos ito ng upo at itinaas ang kamay nito pahaplos sa kaniyang pisngi. Batid niyang mahal siya ng asawa sa uri ng paghaplos nito sa kaniya. Hindi na niya nagawang idilat ang mga mata ng makita ang pagsungaw ng luha sa mata ng asawa.
Hindi niya malaman kung bakit ganoon ang asawa.
"I'm so sorry Joy. Sorry," anito na umiiyak. "I love you so much. Forgive me. Please don't leave me," anang pa nito.
Naguguluhan siya sa inaasal na ganoon ng asawa. Gayon pa man ay sapat na sa kaniyang malamang mahal pa rin siy nito.
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin dalawin ng antok si Terrence. Hawak ang kopita ay nasa balkonahe siya kanugnog ng kaniyang silid. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang atraksyong nararamdaman kay Joy.
"Ahhhhhh!" Sigaw niya sabay bato sa kopitang hawak. Naiinis na siya sa sarili niya. Alam niyang mali pero bakit si Joy pa rin ang hinahanap-hanap niya.
Naisip niya na rin, maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya bakit siya makokontento sa kayang ibigay lamang ni Joy. Kaya ba niyang makitang may iba itong kahalikan o kaniig.
"s**t!" Malutong na mura niya sa huling naisip. Maaaring sa pagkakataong iyon kasi ay maaring magkaniig sina Joy at Felix dahil natural lang iyon para sa mag-asawa.
Dahil sa inis sa sarili ay halos masuntok na ang sarili mismo.
"Hindi! Hindi maaari ito," aniya saka pumasok sa silid at nagbihis. Kailangan niya ng babaeng papawi sa kaniyang kalungkutan. Kailangan niyang makakilala ng babae upang maibaling ang damdamin niya para kay Joy.
Sa isang sikat na bar sa Makati siya humantong. Marami na ang naroroon gawa ng malalim na ang gabi ng biglang may humila sa kaniyang babae.
"Hi lover boy," anito sabay yakap sa kaniya.
"Sorry Miss," tutol pa niya.
"Opppsss sorry, may kasama ka ba?" Tila nang-aakit nitong saad.
"Wala naman," aniya naman agad. Nasipat niya kasi ang kabuuan nito. Seksi at maganda. Ito ang babaeng hinahanap niya.
"Iyon naman pala eh, wala rin akong kasama. Baka gusto mo lang ng kasalo. Kahit saan, sasaluhan pa kita," senswal na wika nito sabay lapit sa punong tainga niya. Dahil doon ay tila mabilis na tumaas ang libido niya saka hinawakan sa beywang ang babae.
Napangiti ito ng matamis saka pumulupot na rin ang mga kamay sa kaniyang leeg. Halos magkadikit na ang katawan nila habang nasa loob ng bar na iyon. Gaya ng pakay niya ay sa kama sila humantong ng babae. Magaling sa kama ito at tila napunan ang kahungkagan pero habang kaniig ito ay ang maamong mukha ni Joy ang nakikita.
Puro ungol ng babae ang naririnig habang paulit-ulit sa balintataw ang masayang mukha ni Joy.
"Ohhh! Ohhh! Joy," di mapigilang sambit.
"What!" Gulat na bigkas ng babaeng kaniig ng marinig ang sinambit niya. Naitulak pa siya nito.
"My God! You're f*ck*ng me but you're thinking of other girl. Geeeeezzz!" Anito saka walang anu-anong umalis na. Naiwan siyang nasa kama pa rin at sapo ang mukha.
Maging siya ay hindi na napigilang murahin ang sarili niya at hindi mawala sa isipan si Joy.