Wala na ang babaeng kasama sa hotel room na kinaroroonan ngunit nananatili siyang naka mata sa kawalan. Hindi pa rin kasi nilulubayan ng mukha ni Joy ang kaniyang isipan. Gusto na nga niyang isipin na nababaliw na siya. Katulad ng sabi ng kaibigang si Gian. Hindi niya bagay maging kabit.
Matapos hamigin ang sarili ay napagpasyahan na muna niyang lumayo upang maibaling ang kaniyang atensyon. Pupunta muna siya sa probensya, sa kaniyang tiyahin.
Napunta lamang siya roon kapag may family reunion sila sa mother side kasi taga roon ang mama niya. Nagmamay-ari ng malawak na lupain doon ang angkan ngunit nasa Maynila ang negosyo ng kaniyang papa kaya wala itong nagawa kundi ang iwan sa kapatid nito ang pamamahala ng kanilang mga lupain.
"Long time no see insan," masayang baling ni Lawrence sa kaniya. Ang kaniyang pinsan.
"Nice to see you man," sagot naman ritong nakangiti.
Mabilis nitong binuksan ang kaniyang trunk upang kuhanin ang gamit niya. Katulad pa rin ito ng dati. Masiyahin pa rin ang pinsan. Halos magkasing edad lamang sila nito kaya malapit ang loob nila. Lagi rin ito sa Manila at sa condo niya ito tumutuloy.
"Tagal mo na kasing hindi nagagawi sa Maynila," aniya rito.
"Alam mo namang haciendero ang insan mo," anito na nakatawa.
Guwapo rin naman ang pinsan. Sunog nga lang ang balat dahil sa pagsasaka. Tila mas gusto nito ang pagsasaka kesa magtrabaho sa Maynila.
Mabilis silang pumasok sa malawag na bahay na namana pa sa kanilang lolo't lola. Napangiti siya ng makarating sa silid niya kapag nagagawi roon.
"Oh bakit nakangiti ka naman naman diyan insan?" Tanong ni Lawrence sa kaniya ng makita ang ngiti sa labi niya.
"Wala may naalala lang ako," aniya.
"Naku!Mukhang may tinakbuhan ka na namang babae insan ha," anito saka nakitawa sa kaniya.
Nang makita ang lumang gitara na lagi nilang tinutugtog kapag napunta siya doon.
"Naalala ko lang itong gitara. Babae agad ang naisip mo. Baka ikaw naman insan ang may babae. Ano? Kelan ang kasal?" Pag-iiba ng usapan.
Nakitang natigilan ang pinsan ng ibaling rito ang usapan. Naintriga siya sa pananahimik nito. Mukhang natumbok niya ito.
"Tama ba ako?" Ang tanong rito.
"Ikaw insan. Napunta ka ba rito upang usyosuhin ang lovelife ko," iwas nito.
"Siguro," aniya na pang-aasar pa.
Pero sa totoo lang ay naninibago siya sa pananahimik nito. Lumapit siya rito at inakbayan.
"Kaya mo iyan insan. Nandito lamang ako," aniya sabay dantay sa balikat nito ang kamay.
Pilit na ngumiti ito sa kaniya.
"Thanks insan pero I'm good as fine. Magpahinga ka muna at malayo-layo rin ang biyahe mo. Baba ka na pagnagutom ka," anito saka siya iniwan.
Inayos ang mga dalang damit. Balak niyang manatili roon ng isang linggo kaya marami raming damit rin ang dala dahil wala naman siyang iniiwan na damit roon. Matapos ilagay sa built in closet ang mga damit ay nahiga siya sa kaniyang kama at pinikit ang mga mata.
Napatayo rin siya agad ng muling sumingit sa balintataw ang mukha ni Joy. Nainis na tumayo at kinuha ang gitara niya. Buhay pa iyon kahit sampung taon na ang nakakaraan.
Habang hawak iyon ay hindi niya mapigilang laruin iyon. Habang kinakalikot ay nagawa niyang umupo sa bintana nila na parang noong nabubuhay pa ang lolo niya. Ito kasi ang nagturo sa kaniyang mag-gitara. Habang tumutugtog ay hindi niya maiwasang tumanaw sa daan at nabigla siya ng makita ang pinsan kausap ang isang babae.
"Joy!" Bulalas sa kabiglaan.
Pumikit siya. Akala ay namamalikmata. Hindi maaaring naroroon si Joy. Umalis nga siya ng Maynila upang iwasan ito tapos heto at makikita mismo sa ibaba ng kanilang bahay.
Pagdilat ng mata ay wala na ang babae ngunit naroroon pa rin at nakatayo ang pinsan. Naisip na baka nadadala lang siya ng kaiisip kay Joy. Kaya muli siyang nahiga sa kama padipa.
"This is ridiculous Terrence. Maraming babae diyan," isinisiksik sa isipan hanggang sa antukin na siya.
"Joy!" Usal pang muli.
Inis na nahiga sa kama dahil kahit ano yatang gawin ay hindi mawala sa isip si Joy.
Mapanghalina ang kabanguhan ng babaeng kasiping. Amoy baby ito, tila ba nanghahalina sa kaniya ang amoy. Kaya hindi mapigilang pagapangin ang mga palad niya sa makinis na katawan ng babae.
Isa pa sa nagbibigay aa kaniya ng sensasyong kakaiba ay ang pagiging aggresibo ng babae kahit halata naman rito na wala pang karanasan. Sa paglilikot ng mga palad ay nakarating ang palad sa mamasa-masang hiyas nito dahilan upang mapaigtad nito.
Sa sandaling iyon ay mukhang natuto na itong tugunin ang kaniyang halik. Madaling matuto ang babaeng kaulayaw kaya hindi na niya napigilan pa ang sarili. Mabilis na pumaibabaw rito. May munting pagtutol rito pero nanaig ang kagustuhan na maranasan ang ligayang hatid niya.
Halos abot kamay ang langit sa sandaling iyon. Siya ang una sa babaeng kaulayaw. Batid niya ang sakit na nararamdaman nito sa unang karanasan kaya pinaghusay na lamang ang ginagawa hanggang sa unti-unti ay sumasabay na ito sa bawat pag ulos niya.
"Insan!" Malakas na katok ang gumising sa kamalayan ni Terrence.
Napabalikwas siya at siyang pasok ng kaniyang pinsan.
"Oh insan!" Gulat na turan nito ng makitang pinagpapawisan siya. At nang makita ang kaumbukan ng ibabang bahagi at ngumisi ang pinsan.
Humagalpak ito pagkalaunan. Hapon na hapon ay nabuhay ang kaniyang p*********i dahil lamang sa isang panahinip.
"Insan, magsabi ka nga sa akin. Binasted ka ba ng babaeng gusto mo!" Ang seryosong turan ng pinsang si Lawrence.
"Gago! Hindi no, wala pang nakakabasted sa akin," aniya saka hinablot ang tuwalyang nilagay sa isang silya upang pumasok sa banyo at makapaligo. Iba ang init ng katawang binuhay bg babae sa kaniyang panaginip.
"Mukhang tinatablan ka insan!" Sigaw pa nito kahit nasa loob na siya ng banyo.
"Ewan ko sa'yo. Tulungan mo na lang kaya si Tita sa kusina," sagot naman rito.
Tama ang kaniyang pinsan. Maliban kasi sa palaging si Joy ang nasa isip ay hindi mawaglit ang babaeng niregalo sa kaniya ng kapatid at kaibigan noon. Hindi niya alam kung konsensiya lang ba ang nagtutulak sa kaniya dahil nasira niya ang buhay ng babaeng iyon dahil sa katuwaan ng mga kaibigan.
Hindi niya tuloy mapigilang muling magkaroon ng interest upang hanapin ang babaeng iyon. Gusto niyang mabigyan linaw ang lahat, mukhang hindi siya pinapatahimik nito.
Matapos makapaligo ay agad niyang tinungo ang komedor. Naroroon na ang tita at tiyuhin niya at si Lawrence na hanggang ngayon ay nakangisi sa kaniya. Tumabi siya sa kaniyang pinsan upang makakain na sila.
"Kumusta naman ang biyahe mo, hijo," tanong ng kaniyang tiyuhin.
"Okay naman po tito," tipid na tugon rito.
"Buti naman at nagawi ka rito. Ang mama mo kasi ay mag-iisang taon ng hindi napaparito. Aba, sabihan mo naman na dumalaw," anito sa nag-iisang kapatid.
"Huwag kang mag-alala tito. Sabi niya sa pasko ay pupunta sila rito," aniya naman sa bilin ng ina.
Abala na rin kasi ito sa itinayong catering services na siyang punong abala sa pagluluto kung minsan. Her passion in cooking made her decide na magtayo na lamang ng catering dahilan para sumobra naman ang pagkaabala dahil sa dami ng kliyente nila na halos araw-araw.
"Akala ko kasi ay nakalimutan na ang daan pabalik rito," biro ng tiyuhin saka tumawa.
"Ikaw talaga mahal. Makakalimutan ba naman ni ate ang pabalik rito," ani ng kaniyang tiyahin. "Kumain ka na hijo. Di ba paborito mo ang paksiw. Masarap ito dahil fresh ang mga gulay. Kapipitas lang ni Grace ang mga ito ng idelever dito," wika ng tiyahin.
"Grace," ulit niya