"Pero Terrence," tutol pa ni Joy sa sinabing iyon ng lalaki ngunit agad na sinalag ni Terrence.
"Pagbigyan mo lamang ako. Sisiguraduhin kong papawiin ko ang lahat ng hinanakit mo kay Felix. Mamahalin kita higit pa sa kaya niyang ibigay," anito.
Napangiti na lamang ng mapakla si Joy. Saka nagpaalam sa lalaki. Sa totoo ay mula ng makilala si Terrence ay nagulo na ang kalooban niya.
'Sayang, sana mas nauna kitang nakilala,' anas niya sa sarili.
Matapos ibaba ang tawag kay Terrence ay may text na pumasok sa kaniya. Agad iyong binasa ng makitang galing sa kapatid na si Grace.
Ate si inang muli naming sinugod sa ospital. Namimilipit kasi sa sakit sa tiyan kanina kaya sinugod na namin ni itang.
Ang text ng kapatid. Kaya awtomatiko siyang napatingin sa asawang si Felix na namahimbing na tatutulog saka nilingon ang kinaroroonan ng wallet nito. Maingat siyang tumayo saka sinilip ang wallet nito. Nakitang may limang libo roon kaya agad na kinuha ang dalawang libo. Sana lamang ay hindi nito maalala kung magkano ang pera nito. Kailangan niya iyon para kahit papaano ay maiabot sa kapatid.
Kinabukasan, ay tahimik si Joy habang pinagsisilbihan ang asawa. Panay ang lingon sa asawang nakagayak na para pumasok sa trabaho.
"Is there anything wrong?" puna nito sa kaniya.
"Wa—wala hon," aniya saka umupo na sa tapat nito.
Ngunit ni hindi niya magawang itaas ang tinidor upang isubo ang pagkain niya. Hindi niya alam kung papaano manghihingi ng pera para sa inang nasa ospital na naman.
"Sabihin mo na kesa panay ang tingin mo sa akin," anito.
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa bago nagsimulang magsalita.
"Hon, malala na ang sakit ni inang—" hindi pa man siya tapos ay tumayo na ito na tila walang balak siyang pakinggan.
Wala siyang nagawa ng iwan na lamang siya nito at hindi man lang nito narinig ang buong sasabihin. Ibig sabihin lang nito na wala siyang aasahan dito. Hindi niya naiwasang yumuko kasabay ng pagpatak ng kaniyang mga luha.
"I have a flight to Hong Kong tomorrow. Prepare my things," anito saka tuluyang umalis.
Matapos itong umalis ay pumasok roon ang isang kasambahay nilang si aling Marina. Bakas sa mukha ang pagkahabag sa kaniya. Doon ay hindi na niya napigilang mapahagulgol. Agad siya naman nitong niyakap bilang pakikisimpatya sa kaniya.
"Wala ka bang balak iwan siya?" Tinig nito.
Ramdam niya ang pait noon sa tinig ng ale, alam nito kung papaano siya tratuhin ng kaniyang asawa. Umiling siya.
"Kung iyan ang desisyon mo ay iintindihin kita pero huwag mong hayaang igapos ka ng asawa mo. Bata ka pa at maganda, alam mo kung tutuusin ay makakakita ka ng pera mo. Bakit hindi ka magtrabaho para kapag nangailangan ang pamilya mo ay hindi ka na hihingi sa kaniya," ani ng kasambahay.
Tama ito, kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya at si Grace ang nasa linya. Iyak nito ang bumungad sa kaniya kaya kinabahan siya.
"Anong nangyari?" Agad na tanong rito.
"Ate, malala na raw si inang. Kailangan na raw ng agarang operasyon upang tanggalin ang isang kidney nito." Iyak ni Grace sa kabilang linya.
Natigilan si Joy. Alam niyang wala siyang mahihita sa asawa at ang mungkahi naman ng kasambahay ay hindi siya agad magkakapera. Agad na pumasok sa isipan si Terrence kaya wala siyang choice kundi ang kontakin ito.
Napangiti si Terrence ng makitang tumatawag si Joy. Agad niya itong sinagot.
"Hi," garalgal nitong boses. Agad siyang kinabahan ng marinig ang basag nitong tinig na tila kagagaling lamang sa pag-iyak.
"Anong nangyari. Bakit ka umiiyak?" Agad na tanong.
"Pwede ba tayong magkita." Ani ni Joy.
"Sure, saan mo gusto." Agad namang tanong.
"Private place para walang makakita. Ayaw kong maulit iyong pagkikita natin na may nakakilala sa akin," aniya rito.
"Sa Sofitel hotel at 3pm," ani ni Terrence.
Walang nagawa si Joy kundi ang um-oo sa sinabing lugar ni Terrence. Kailangan niya ang tulong nito. Alam niyang mali pero siguro ay ito na ang dapat niyang gawin para sa pamilya. Hindi niya tuloy maiwasang maghinanakit sa asawa.
Tila kay bagal ng oras pra kay Terrence ang sandaling iyon. Nasasabik na siyang makita si Joy. Tila bumalik siya sa pagka-teenager at tila kinakabahan pa sa gagawing pagkikita nila.
"You seems so tense," puna ni Gian sa kaniya na hindi namalayang nakapasok na pala sa opisina niya.
"Ah wala," aniya.
Ayaw niyang pigilan siya nito kaya hindi na niya binanggit ang lakad niya. At nang bente minutos na lamang bago mag-alas tres ay tumayo na siya.
"Hey, saan ka pupunata man," awat ni Gian sa kaniya. Habang abala sa paghahanap ng ilang files na kailangan ng ama.
"Aalis lamang ako. Wala naman akong meeting today right?" Aniya saka umalis na.
Nakangiti siya habang binabagtas ang daan patungo sa hotel na napag-usapan nila. Pagkarating ay nabungaran sa lobby si Joy na may suot pang eye glasses. Alam niyang tinatago lang nito ang mapupula nitong mata. Sininyasan niya ito matapos makuha ang reservation sa information desk.
Agad naman nitong nakuha at sumunod sa kaniya sa elevator. Wala silang imikan dahil may mga tao roon at nang makapasok na sila sa silid ay doon ay agad niyang hinawakan si Joy.
"Anong ginawa sa'yo ng asawa mo!" Matigas na turan.
Nagulat si Joy sa biglang paghawak ni Terence sa kaniya. Nagtama ang mga mata nila at bakas doon ang galit.
"Wa—wala."
"Come on, magbubulahan pa ba tayo," ani ni Terrence.
"Wala talaga, wala siyang pakialam sa akin. Sa pamilya ko. Hirap na hirap na ako." Bulalas sa sama ng loob at pangamba. Gulong-gulo na siya.
"Tumawag sa akin ang kapatid kong si Grace. Muling sinugod ang inang sa ospital."
Iyak nitong turan habang inaalo niya ito. Kahit papaano ay naginhawaan siya dahil hindi ito sinaktan ng asawa. Handa naman niyang tulungan ito kung pera ang kailangan nito.
"Sinubukan kong humingi ng tulong sa asawa ko. Kailangan ng agarang operasyon ang inang ko pero hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay iniwan na ako. Ang sakit, ang sakit-sakit!" hagulgol na turan.
Humigpit ang hawak ni Terrence sa babae at sa isip ay gusto na niya itong angkinin. Iyong walang sinumang makakapagpasakit pa rito.
"Iwan mo siya. Sa akin, handa akong tulungan at tanggapin ang pamilya mo." Determinadong wika.
Tumitig si Joy sa mukha ni Terrence. Guwapo ito at halatang mabait. Ngunit hindi niya alam kung bakit kahit ganoon ang ginagawa ng asawa ay mahal pa rin niya ito.
Nang walang marinig na tugon si Terrence ay alam niyang mahal pa rin ni Joy ang asawa sa kabila ng kawalang hiyaan nito. Masakit iyon para sa kaniya pero wala siyang magagawa. Mahirap namang ipilit ang sarili rito at irerespeto niya ang desisyon nito.
"Okay," aniya saka binunot sa loob ng toot jacket ang checkbook. Saka sinulatan iyon.
"Here, kung kulang iyan ay sabihin mo lamang sa akin," anito saka siya iniwan nito.
Alam ni Joy na nasaktan ito sa hindi niya pagsagot ngunit nanaig ang pangangailangan niya kaya nagawa pang tignan ang halagang nakasulat sa check na binigay nito.
"One hundred thousand," aniya na nanginginig pa ang mga kamay.
Masuwerte ang babaeng magiging asawa nito. Buhay reyna na at mamahalin pa ito ng lalaki hanggang isang ideya ang pumasok sa isipan.