"I DON'T know what it is but she drives me crazy. I don't know what she does but she drives me wild. And only she can let me be the man I wanna be or she can leave me helpless as a child..." Kasabay ng paghinto ng mga daliri ni Alexis mula sa pagkalabit sa kanyang gitara ay ang paghinto rin ng kanyang pagkanta dahil sa pagpasok ng hindi inaasahang babae sa napakalawak na gymnasium. Pero parang walang nakapansin ng ginawa niya sa mga naroroon. Sa halip ay nahawi ang mga tao at lahat ng mga mata ay nakatuon sa prinsesang dumating... ang kanyang prinsesa. Diana. Ang buong akala ni Alexis ay hindi na pupunta sa Valentine's party nila ang dalaga. Dalawang araw din siya nitong hindi kinibo. Nang nagdaang gabi lang sila nagkasundo. At nang makapag-usap na sila, sinabi ni Diana na h