"You and I are like the buildings that we design, Alex. Pinaghirapan nating buoin. Pero nang makita natin ang kinalabasan, hindi tayo kuntento. Hindi pa pala sapat 'yong nagawa natin. Marami palang butas. We've tried to fix the holes. Pero sa kapipilit nating ayusin, lumaki at dumami ang mga butas. Kaya sa huli, we have no choice but to let go of the entire plan, of the entire design. Because it just won't work... like us." Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay sumagi sa isip ni Alexis ang mga sinabing iyon sa kanya ng una at huling naging girlfriend niya na si Lea mahigit anim na buwan na ang nakararaan, bago siya umalis papuntang Italy para palihim na sundan si Diana. Marahas na napabuga siya ng hangin habang naghihintay sa pagdating ni Diana sa townhouse nito. Umayos man