"I'M TRULY sorry, Ma'am and Sir. Nagkaroon po kami ng maliit na tampuhan ng prinsesa ninyo kaya nakawala po siya sa renda ko. Hindi ko po sinasadya. I promise this won't happen again." Agad na sinabi ni Alexis sa mga magulang ni Diana na sumalubong sa kanya sa pinto ng mansyon ng mga ito nang gabing iyon. Buong araw na hindi mapakali si Alexis dahil kay Diana mula nang ipaalam sa kanya ni Manang Renata na nanggaling sa kanilang bahay ang dalaga at nagmamadali ring umalis matapos siyang makita sa kanyang kwarto. Marahas na napabuga siya ng hangin. Simula nang maging malapit siya sa dalaga, hindi na siya kailanman tumingin sa ibang babae. Sapat na sa kanya ang presence ng itinuturing niyang bestfriend. Kung tutuusin, higit pa nga sa sapat si Diana. Nagkataon lang na matapos