Panay-panay ang reklamo ni Romary sa damit na binigay ko para suotin niya. Hindi nga rin ako sanay sa damit na susuotin ko pero hindi ako nagrereklamo. Alam ko na baka si Sandra ang may pakana sa damit namin na need suotin sa gabing ito. Hindi pala gabi dahil halos umaga na pala 'yun. Ito ang unang pasada namin bilang take our girls. Take out girls na lang para naman magandang pakinggan. Kailangan rin pala namin na humpak na humpak sa platada ang mukha namin ng make up mamaya. Good luck sa kati. Ganun kasi ang mga babae sa larangan ng kalakalan ng laman na nakikita ko kailangan hindi kami umiba ng hindi paghinalaan o pagdudahan. Halos marindi naman ako kay Romary kaka-rant dahil sa damit at make up parang may choice siya.
Ang isa kasi ito ay hindi mahilig sa kolorete tulad ko kaya nga vibes kaming dalawa ni Romary. Pero kasama iyon sa desguist namin para sa pagiging take out girl kaya dapat namin gawin at sundin.
“ Wheng, litik na damit ito! Tinggil nga lang ata natin hindi pa nito maitatago. Maghubad na lang kaya tayo. Gago ang pumili nito! As gago siya, alam naman na biniyayaan ako ng s**o. Jogaan nga diba tapos itong damit na ito u***g ko lang ata ang may takip. Maghubad na lang dapat!” Matulin na sabi ni Romary na walang hingahan. Husay dn e, pero halatang hata na may inis talaga sa taong naghanda ng susuotin namin para sa unang sabak.
“ Hayaan mo na, para angat na angat tayong dalawa sa lahat. Tsaka para hindi sumaya si Sandra dahil hindi matutupad ang sumpa niya sa atin na lalangawin ang beauty na tin! ” Parang balewala nasabi ko naman sa babae na hindi ko naman tinapunan ng tingin, dahil busy ako sa pag-aayos ng mga mini weapon na pwede naming dalhin sa lakad mamayang madaling araw.
“ He! Dinamay niyo pa ako! Sinasabi ko sayo kapag nalaman ko sino naghanda ng damit na ito ipapa-lunok ko sa kanya ng bongga ito. Diyos ko, umaga na noon tapos ang nguso at pisngi natin need, pa palang putok na putok sa lipstick na pula at balush on na parang atsuete. Ay shuta, magmu-mukha akong payaso noon! Sino ba ang ulaga na naka-imbento ng make up na ‘yun? Hindi makuntento—kung pangit ka pangit ka hanggang doon na lang!” Tuloy na katak ni Roamary. Nakakarindi ma siya pero nauunawaan ko naman siya, tsaka alam ko naman na kakatak lang ito pero mamaya ayos na rin kaya hina-hayaan ko na lang na mag dadaldal muna. Basta ako need ko maayos ang mga gamit na ito incase na may mangyari na hindi maganda ay handa rin kami at may mailalaban.
Maya-maya lang ay na tahimik na ang kasama kong babae. Akala ko ay umalis ito pero ng sipatin ko ang sofa ay naghihilik na pala. Tama ‘yan magpahinga siya para full charge siya mamaya . Nang maayos ko na ang mga gamit namin ay ako rin ay kumuha ng tulog para naman hindi ako tatamlay tamlay mamaya. Nag set ako ng alarm ng 2am para makapag-handa pa kami ni Roamary ng maayos.
Nagising ako sa tinig na parang nguto ng nguto na bata. Nabungaran ko si Romary na bihis na bihis na, kung bihis nga ba ang tawag sa suot nito na damit. Damit na kahit hindi tumuwad at yumuko ay kita na ang lahat-lahat. Nang mabistrahan ko naman ang mukha nito ay ubod naman ng ganda. Marunong naman pala maglagay ng kolorete e, kinis na kinis pa talaga ang kutis nito. Sus naman, tipong sisipol talaga ang kahit sinong lalaki na makakakita sa babae na ito. Hubog na hubog pa ang mala bote ng soft drinks na katawan niya. Bilang biro ay sinipulan ko ang babae na agad naman na in character. Maharot na kumedeng paharap sa akin saka namumungay ang mga mata, kaya naman napa-hagalpak ako ng tawa na malala. Madaling araw na pero ang tawa ko malala ng mag arte pa si Romary. Lupet niya!
“ Sige na Shir…. Pang kain lang!” Parang timang na sabi nito kaya mas napa-hagalpak ako. Grabe talaga ito sa kapilyahan na taglay pero kayang kaya ko sabayan si Romary pero si Sandra puputok ata ang mga ugat ko sa utak ko sa mga banat at hirit niya. Mga pang out of this word ang tirada nun e.
“ Oh siya tama na tawa, magbihis ka na. Sabi nga mas mabuting maaga para naman maraming kitain. Paldo ang bulsa pasasa pa ang bibig sa baba at sa taas. Hahaha!” Muling sabi ni Romary. Lintik ba! Pang pokpok na pokpok ang datingan na kasabihan ng loka.
“ Oo na! Pero ganda mo Em.” Puri ko naman sa babae na talaga namang maganda kahit anong ayos. Halatang hindi galing sa hirap ang isang ito.
“ Asus maliit na bagay. Look oh, maganda ka na rin kakasama at dikit mo sa akin. Dati naman chararat ka Wheng—’’ Na putol ang sasabihin pa sana ng babae na nakaumang ang salamin sa aking ng batuhin ko ng unan. Umubod naman bigla ng yabang na puri lang ah. ah.
“ Ang sakit no'n ah, Rowena !” Sigaw naman na angil ng babae. tingin ko lang talaga mare-report kami nito dahil ang aga-aga pa lang ay ka ingay na kaming dalawa.
Naligo muna ako saka ako nagbihis ng isang pulang dress na sarang sara nga sa likod pero sa harap hanggang pusod ata ang uka. Samantalang ang haba ay gaya ng kay Romary na kita na ang everything.
Napa-pailang man ako dahil sa damit ay wala namang choice. Perfect naman talaga kasi ang damit na ito sa role ng pagiging take out girls namin. Nagpahid lang ako ng kolorete sa aking mukha. Ngunit tila naman na mangha pa ako sa kinalabasan ng ayos ko. Naisip ko na magagamit ko pala ang make up for my future plan.
Parang na kahawig ko pa nga ang bida sa Foreign na palabas na Rubi na binigyan ng pilipino adaptation na ginampanan ni Angelica Panganiban. Lintik may pa trivia pa ako sa iyo. Ganun na ganda ang taglay ko, mapang-akit , kaakit-akit kahit walang gawin ngunit sadyang mapanganib. Nang matapos na ako sa lahat ay lumabas na rin ako. Nakita ko na naroon si Romary na nakaupo sa sofa. Pero santisima talaga kita na ang panty ng bruha at nakangiwing kuwan niya.
“ Let’s go!” Sabi ko sa babae na ngayon ay nakatunghay sa akin pa rin tila ba nakita ng Diyosa.
“ Sabi ko na e—mana katalaga sa ganda ko Wheng !” Biglang sabi ng babae sa akin na ikinaling ko na lang bago sumagot.
“ Loka! Mas matanda ako sayo kaya ikaw ang mana sa ganda ko na makamandag at nakakalason!” Sabi ko naman sa babae, inaasahan ko na kokontra ito pero iba ang naging sagot.
“ Ay tama! Mana ako sa ganda mo. Ang bongga natin talaga!” Tili pa ni Romary na halatang sinasanay na ang sarili maging pamilyar sa maharot na salita ng isang take out girls.
“ Siya tara na! Mag lalakad na lang tayo.! ” Sagot ko naman sa babae na tumango lang. Nasa malapit na sana kami sa lugar kung saan na pick-up ang ilang pamilyar na kotse na kailangan naming maaktuhan para may ebidensya ng biglang magreklamo si Romary.
“ Wheng wait lang— s**t! Naman kasi e, Wheng, kinakain ng pwet ko ang suot kong panty at rampers, Hindi happy sa pwet-kiramdam at pukiramdam.” Natawa ako sa sinabi nito na kinakain daw ng pwet niya ang suot niya. Pero na segway pa ang puki-ramdam at pwet-kiramdam na mas ikatawa ko sa loob ko para hindi maurat ang babae sa akin.
“ Tiis lang malapit na e, titigil din ‘yan kapag napirmi na tayo sa tayo.” Pigil na tawa ko na sagot sa babae. Nagpatuloy kamu sa paglalakad at ng marating namin ang lugar ay nakita namin na marami pa lang mga babae ang narampa doon at nagkalat. Lihim akong napamura sa loob ko. Ang ibig lang sabihin noon ay marami ng nawawala at hindi lang ‘yung mga alam namin kundi mas marami pa.
“ Bago kayo? Hindi kayo pwede dito!” Angas ng isang babae na panay nguya ng bubble gum. Hindi naman ako natinag pero rumatrat pa rin ito ng rumatrat na namannng kung anu-anong salita. Sasapakin ko na sana ang mukha ng babae ng magsalita si Romary.
“ Hoy! Babaeng talakitok, matigil ka nga! Ikaw ang hindi bagay dito dahil doon ka bagay sa dagat, for sure mabenta ka sa mga shokoy. Huwag na huwag mo kaming malait ganitong ubod kati na ng pwet ko! Pwet na mas makinis pa sa mukha mong nabagsakan ata ng durian ng ilang beses!” Naghagalpakan ang ibang mga babae na nandoon kaya naman napahiya ang babae. Matindi talaga bunganga ng isang ito. Si Romary pa ba! Sobrang honest yarn! Napukaw ang paningin ko ng makita ang pamilyar na kotse at plaka. Biglang na buhay ang dugo ko. Kinalabit ko si Romary na biglang naging instant Leader President ng mga Pokpokers Association dito sa lugar na ito. Lakas talaga maka-impluwesya ng isang Romary sa ibang tao. Instant Reyna na agad sa pugad ng mga kalapating mababa ang lipad
“ Ready!” Tipid na sabi ko na siyang nakapagpa-seryoso kay Romary. Change mode na ang babae, ito ang gusto ko talaga sa kanya. Kapag trabaho, trabaho. Mukhang matatapos kami ng mabilis at walang aberya ayon sa nakikita ko na asta ng partner ko.