Basta't Sinasamba Kita_1
Paalala: Ang kwento pong ito ay hango lang sa aking kathang isip. Walang ibang pinag-halintuladan. Hindi rin po ako laban sa sagradong simbahan. Ang tema lang ng kwento ay doon umiikot. Ngunit iiwasan ko na malamnan na mga banal na salita. At kung hindi po ito ang tema ng kwento na nais niyo, ay maaari pong huwag na lang basahin. Marami naman po na mas maganda na kwento. Magbigay po tayo ng respetuhan sa bawat isa. Inuulit ko po ito ay gawa lang ng malikot ko na imahinasyon at ang iba ay sadyang opinyon at na experience ko. Maraming salamat sa mga tutuloy pa na magbabasa. Tayo na at alamin ang tunay na lihim ng nakaraan.
" Nanay, sandali po! Hintayin niyo ako." Malakas na tawag ng isang batang babae.
" Halika anak, sundan mo si Nanay. Anak manatiling mabuting bata at tao ka ah! Huwag mong itulad ang sarili mo sa kanila. Alalahanin mo hindi tayo pababayaan ng diyos ama. Papatnubayan ka niya palagi, sa lahat ng oras. May dahilan ang lahat anak, kaya patuloy kang mabuhay at lumaban ng patas " Sagot naman ng babae na tinawag na Nanay, ng batang babae na hindi naman na makilala ang mukha dahil nasisinagan ng ubod lakas na liwanag.
Napabalikwas ako. Lagi na lang ganito kada sa sapit ang araw ng kamatayan nila. Ilang taon na ba? Bakit ito at ito pa rin ang paulit-ulit na panaginip ko? Sa tuwing napapanaginipan ko pa naman ang senaryo na ito ay halos, ubusin na nito ang aking buong lakas at katinuan. Paano nga ba nangyari sa akin ang mga bagay na ito? Paano nga ba na nagulatang at nagulo ang payapa at payak na pamumuhay namin ng aking pamilya? Paano ba ako dinala ng bawat sakit sa kakaibang ako? Paano ako magiging masaya at buo muli? Paano ko alisin ang galit at trauma sa utak ko? Paano ko magpapatuloy kung naiwan ako sa panahon ng aking kamusmusan?
Balik tanaw…
Sampung taong gulang pa lang ako, ay bukas na ang aking ina na si Rona at aking ama na si Owen, tungkol sa aming relihiyon na kinabibilangan. Sagrado katoliko kaming pamilya. Laman ng si simbahan ang aking ama at ina mula pa sa lumang kura paroko hanggang sa palitan na ito ni Fr. John. Boluntaryong nagsisilbi ang aking ina at ama bilang mga tagalinis at taga akay sa mga tao sa oras ng misa. Matapos naman ang misa ay kami naman ang muling magsasaayos nito maging ang maglilinis kasama pa ang ibang mga kusang nag-boluntaryo na tumulong. Maraming oras ng aking mga magulang ang inilalaan nila sa simbahan, matapos ang mga gawain sa aming tahanan. Gumagawa ng mga homemade crafts si Nanay at Tatay na siyang pinagkukunan namin ng pang gastos para sa araw-araw. Sapat na naman ang kita nila para sa amin. Kalimitan ay nagdo-donate pa nga ang aking magulang sa simbahan bukod sa serbisyo nilang lingkod.
Hindi man kami tulad ng iba na ubod ng yaman na pamilya, ay masasabi ko naman na sagana kami sa ligaya at busog sa pagmamahal. Oo hindi ito makakain pero isa ito sa dahilan ng paghubog ng mabuting gawi at asal ng isang tao, lalot bata pa. Ang mumunting bahay nga namin ay napupuno lagi ng halakhakan kahit pa nga tatlo lang kami sa medyo may kalakihang bahay. Solong anak lang ako dahil, ayon kay Nanay at Tatay ay mutual na desisyon nila 'yon. Upang mai-bigay nila raw akin lahat ng kakailanganin ko habang lumalaki ako.
Halos araw-araw ay naging laman na rin ako ng simbahan dahil sa kasa-kasama ako ng aking mga magulang. Natuklasan ko na karamihan sa mga tao na pumupunta sa simbahan ay puro dalangin ay kaginhawaan. Ang iba ay maayos naman ang pamumuhay ngunit nais pa rin nila ang mas nakakariwasa na buhay. Ang iba puro hingi ng hingi, kapag naman ipinagkaloob na ay parang hindi na siya naaalala na pasalamatan.
Wala naman raw masama sa ganun ang humiling ng humiling kasi nakikinig naman daw talaga siya , sabi ng iba. Ngunit para sa akin, masama 'yun. Ang sobrang paghahangad ay siyang magdadala sa sobrang kapahamakan, kagahaman at hanggang dalhin na sa madilim na parte ng buhay akay ng kampon ng kasamaan.
Namulat din ako, na bawat simpleng biyaya ay sapat at marapat na ipagpasalamat. Lahat ng biyaya ay dapat higit na unang itawag sa kaya ng pasasalamat . Humanga ako talaga sa mga taong nakabihis ng puting-puti na kasuotan. Sila ay mga taga silbi sa simbahan at taga pakalat ng mabuting salita ng ating panginoon. Sa bawat homely ng kura paroko naroon sa puso ko ang maging sobrang lapit sa panginoon. Nais ko na maging isang tulay upang ipakilala siya sa lahat. At ng maipamalas ang pagiging mabuting ama niya sa ating lahat. dahil sa kanyang mga binigay at ginawa matubos lang ang ating mga kasalanan.
Laging ipinamalas sa akin ng aking Ina, ang lahat ng mabuting gawi niya. At sa murang edad ko ay humanga ako ng tuluyan at tunay sa panginoon na sa puso at isip ko nakaguhit at nananahan.
Sa bawat tao na luluhod para magdasal kanya-kanyang daing, hinaing at hiling. Alam nila na ito'y gising at hindi napapagod makinig. Ang mga dasal milagro ang kailangan ay tunay na kalulugdan niya ayon sa hayag ni Fr. John. May mga tao naman rin, na kuntodo laman ng simbahan, pero pumunta lang ata para pumuna, at pakita kung anong meron at estado ng buhay nila. Kung sino pa ang matanda sila pa ang hindi huwaran para sa mga mas nakakabata. Iba-iba talaga ang mukha ng mga mananampalataya. Mayroon mabuti, masama at merong nasa gitna. Kung anong binigay mo iyon din ang babalik sayo.
" Lord, heal them all, Ang ibig ko pong sabihin ay yung isip, puso, utak at maging lalo ang bibig nila. Huwag mo silang hayaan na gamitin ka na panangga para patuloy na gumawa ng masama Ama. Sana'y matulungan mo na linis ang lumot o gusumot sa puso at isipan, lalo na ng mga matatanda. Amen." Ito ang paulit-ulit na piping panalangin ko sa tuwing may makikita ako na mga tao sa simbahan na kakatapos lang mag dasal at nasa loob pa man ay iba na agad ang asal at gawi.
" Anak, Halika may gustong ipakilala sa atin si Fr. John." Malamyos na tawag ng aking ina habang ako'y nagpupunas ng upuan.
" Sino po Nay? Sandali lang po! " Sagot ko naman sa aking ina. Saka patakbo na lumapit sa kanya. Napapailing naman na tumawa ito sa akin.
" Ikaw talaga Wheng, diba sinabi na ni Nanay sayo na bawal tumakbo sa loob ng simbahan." Tila paalala na may pagsaway ng aking ina sa akin naikangiti ko, saka pinagdikit ko ang aking mga palad tsaka kiniskis iyon ng sabay. Tumango naman ang aking ina tsaka sabay kaming pumunta sa receiving area ng simbahan.
" Oh, Owen narito na pala ang iyong mag ina. Rona, Wheng halika kayo! May mga bisita tayo at nais nilang magpaabot ng tulong sa ating parokya." Mababang tono na pagtawag ng pari sa amin ng aking ina. Kababakasan ng saya ang mukha ni Fr. John.
At nang araw na 'yun nakilala ko agad ang una kong magiging mura o bubot na pag-ibig..
" Sila pala sina Mr. and Mrs. Cristobal at kasama nila ang unico hijo nila na si Inrico." Muling nagsalita si Fr. John nagkamayan pa ang aking mga magulang, ngunit ako naman ay napako na ang tingin ko sa batang lalaki na, mukhang iritado na nakatagilid.
" Isko anak, makipag-kilala ka sa kanila. " Tawag ng ama ng batang si Isko pala ang palayaw.
" Kamusta po kayong lahat, ako po Inrico o Isko na lang po." Bati nito sa lahat hanggang tumigil ang mata nito sa akin kaya inalayan ko ang isang magandang ngiti. Parang mali ata ang ginawa ko kasi bigla itong tumalikod. Halos maiyak ako dahil doon, hanggang na dinig ko ang tawanan ng matatanda.
" Paano ba 'yan? Mukhang walang magma-madre at magpa-pari. Ayos lang naman 'yun ang mahalaga ay kilala at alam nila ang aral ng panginoon." Masaya na pahayag ni Fr. John, naguguluhan man ay hindi ko makuha ng magtanong. Bagkus ay nagpaalam na ako na lalabas na lang muna.
Naupo ako sa may hagdan ng simbahan, habang dala ang may lungkot sa mukha hanggang sa madama ko na may tumabi sa akin na kung sino na hindi ko naman nilingon kaagad.
" Pasensya ka na ha! Ako pala si Isko. Ikaw anong pangalan mo? " Simula na salita ng batang lalaki na tumabi sa akin. Napapaling naman agad ako sa kanya at Muli ay parang kinalampag ang bubot kong puso ng mabistrahan ko ang batang lalaki. Hindi agad ako makapagsalita kaya naman tumawa ang batang lalaki saka nagsalita.
" Diba Wheng ang tawag sayo. Talaga ba Wheng gusto mo maging madre?" Aliw na aliw na tanong nito sa akin.
Tanging tango at iling lang ang mga nasagot ko kay Isko ng mga oras na iyon hanggang sa umalis na ito dahil uuwi na sila. Mula ng araw na 'yun dumalas na sa simbahan si Isko maging ang ina nito. Naging magkaibigan kami, hanggang sa nasasabi na namin ang mga saloobin ng mura naming isipan at puso. Si Mommy Irene pala niya ay hindi ang biological mother niya, mabait naman daw ito ayon sa kanya. Ngunit naroon daw ang pagpupursige ng ina-inahan niya na mag pari siya. Kaya naman sinabi ko rin na gusto ko mag madre. Gusto ko naman talaga noon pa kahit hindi sinasabi ng akin
" Talaga, Ako pangarap ko mag suot ng belo na puti gaya ng mga madre." Sabi ko sa batang lalaki na titig na titig sa aking mukha.
" Ganun ba! Oh sige mag madre ka at ako naman ay magpa-pari. Ibigin natin ang panginoon ng sabay at siya ang gawain ng pagitna sa ating dalawa Wheng. " Pagsang-ayon naman ni Isko sa sinabi ko na magma-madre ako. Bubot pa man o hindi pa buo sa isip namin, ngunit alam naman namin na ang kuneksyon namin sa isa't isa ay tuwirang pinagbuklod na.
" Hoy! Wheng, Tulala ka na naman. Ayos ka lang ba? " Nabalik ako sa aking gunita ng biglang kalabitin ako ni Romary. Nasa kotse pa rin pala kami.
Ganito na ako simula pa noon at hanggang ngayon ay walang maayos na tulog. Paulit-ulit akong binabalikan ng nakaraan. Mga alaalang nais ko sanang makalimutan. Pero ang paghihiganti hinding hindi ko 'yan binitawan o iwawaglit sa akin. Ang kaapihan na inabot ng pamilya ko ang siyang bumubuhay pa rin sa akin hanggang ngayon.
" Ayos lang ako." Maikling sagot ko sa babae, mas bata ito sa akin. Kung astig lang ang pag-uusapan sumisigaw sa babaeng ito ang lahat ng kaastigan. Dahil doon ay napangiti ako.
" Oo nga mukhang okay ka talaga! Ayan na naman ang mala santa-santita mong ngiti. Pero alam mo hindi naman kita ma-advice na magdasal ka sa kanya para bigyan ka ng tamang tulog. Parang na allergy ka ata sa kanya e." Sabi pa ng babae habang na papangiwi. Napailing na lang ako. Iba talaga ang humor ng babaeng ito.
Totoo nga kaya na ibibigay niya ang simpleng dasal ko na mahimbing na tulog? E, bakit ang puspusan kong dalangin, hiling at pagsusumamo kasabay ng mga luhang bumabalong sa aking mata habang ipit bawat iyak ko na iligtas niya ang aking ina at ama sa kamatay na dulot kang din ng kapwa tao ay tila naging pipi, bingi at bulag siya.
Totoo bang para siya sa lahat? Totoo bang meron siya o sadyang katha lang? Totoo man o hindi ang panginoon—ako ang kukuha ng hustisya para sa magulang ko at para na rin sa kahungkagan na meron ako, sa paraan na inaral ko at gawi na ikaliligaya ng puso ko.
Ako si Rowena Gracia Peraz, ang inyong makabagong Santa-santita. Samahan niyo ang aking lakbay patungo sa katotohanan mula sa naganap sa nakaraan. Dahil pilit kong huhubaran ang bawat maskara na suot ng aking nakakasalamuha lalo't mga nagbabanal-banal lang sila.