" Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko kay Sandra na kakadarating lang sa apartment na siyang lungga namin ni Romary ngayon dahil sa pa rin kay Manuel at Mariano. Kasali na si Mariano sa aming tinutugis.
" Taray! Wheng lemme tell you this, kung pokpok ka higit naman mas magaling akong pokpok sa lahat ng pokpok! Itsura nito!" Sablay na naman na banat ni Sandra tingin ko imbes mag matured ang babae na ito habang umiedad ay parang mas nalala ang utak ng babae. Narito kami sa isa sa pinakamalapit na barangay sa mismong club. Dito kami mamamalagi muna ni Romary. At oo tuloy ang pagiging magdalena namin sa gabi. Tang ina bunganga ng babae na ito sarap pasakan ng t**i kasama itlog at bulbol.
" Bunganga mo Sandra! Magpapanggap lang kami pero hindi kami literal na pokpok! At utang na loob hindi ka rin pokpok! Tang ina to! Ayusin mo yang pananalita mo kung ayaw mo magkaroon ng lipstick na ube ang kulay, at kapag na tuwa-tuwa pa ako pati eyeshadow, maging blush on ube din!" Inis na singhal ko sa babae. Nakakayamot naman kasi talaga ang bunganga niya e, ayaw ko pa naman ng ganyan na biro lalo't busy ako sa ginagawa ko. Baka hindi ko siya matansya. Leche! Nati-trigger na naman ako e!
" Jusko naman to! Te hindi ka naman mabiro. Hindi ka pa ba sanay sa akin? Bagong gising ka ba? May red tide ka ba? Pero—In fairness hindi ko pa na try ang ube na lipstick, pati blush on pero sa eyeshadow na try ko at bet ko naman—kaya pwede ba ko naman na ma-try yung lipstick? " Hirit muli ni Sandra, na waring nag iisip nga kuno, kahit alam namin na hindi. Lekat na babae ito napakakulit din talaga kahit kailan. Dinaig pa may tama sa utak. Gusto daw ma-try ang ube na lipstick ah! Mabilis akong kumilos at iniwan ang nag nirereview na mga footage saka sinugod ang babae at tinakot na kunwari ay susuntukin ang nguso. Believe me yung sanib ko gusto na talagang sapukin ang nguso niya! Dahil sa ginawa ko mukhang na windang ang babae kaya hindi agad naka-react.
" Takte ka Whenggay!! " Tili ni Sandra ng makabawi na sa pagkagulat. Ayaw ko pa naman sa lahat ay hihiritan ako ng lagpas-lagpasan. Nagiging kakaiba ang pitik sa sintido ko.
" Nakuha mo naman, gaga ka!" Biglang sabi ni Romary na kanina pa ata na nood sa amin.
Nakita ko naman na parang dinamdam ni Sandra ang ginawa ko sa kanya. Napaka playful kasi niya lahat dinadaan sa kalokohan at walang pinili na oras, pagkakataon at tao. Sorry siya e, nagkataon na nakalabit niya ang gatilyo ng pasensya ko kaya napatulan ko tuloy. Binalingan ko naman ito sabay sabi na—
" Sorry Sand's! Ulitin mo paulit para hindi lang ube lips ang magkaroon ka pati pouty lips, and chin and cheek enhancement ng bongga pa sa bongga at libre pa! " Walang emosyon na sabi ko sa babae. Napangiwi naman ito sabay haplos sa labi at pingi. Later on tumawa ng malakas. See peke pati hibi at ngiwi ng lokang babae na 'yan, ikaw ang mai-iga sa kagaguhan na meron 'yan sa buong sistema at katawan.
" Bad kayo! Uwi na nga ako, nandito lang naman ako para sabihin na okay. Okay na lahat magmo-monitor kami! Thank you ha! Lintik na susuntukin pa ang bibig ko! Ako na nga ang nagmamalasakit at kawanggawa! " Tila batang nagmamaktol na sabi ni Sandra. Isama ko kaya ito sa session check up ko at baka ito ang may kaltok na tunay sa kokote at hindi ako. I already had different season in different specialist. But lahat sila same lang ang sinasabi na maayos ako, pero bakit ganun ako? Ako lang daw ang susi sa paggaling at paghilom ko. Habang naiisip ko amg mga bagay na 'yun si Sandra naman ay mabilis na tumalikod at guminda palabas, pero humirit pa talaga ang babae.
" Wala sanang mag take out sa inyo! Naway langwin sana ang ganda at kepay niyo ng malala! " Hiyaw nito kahit nasa labas na. Just wow! Ikinalat pa talaga ang pagiging pokpok namin. Lintik na babaeng 'yun talaga ang tindi ng bunganga grabe. Mamaya pulutan na kami ng mga tao dito tapos daig pa may aids kung layuan kami. Leche! Umaatake na naman ang kakaibang trauma ko. I have this condition, na madaling mag init ang ulo ko sa mga taong mapanghusga, mapanlamang, at mapanakit! s**t! I need to divert this. Tiningnan ko si Romary, doon ko nakita ang kakaibang tingin niya sa akin na nakakaunawa, kaya naman pinilit ko na makasabay sa kanya at naging okay naman ako kaya napailing pa ako at saka napabunghalit ng tawa na sinabayan naman ng babae. Romary is a big help for me. She can easily ease my emotions.
" Hayaan mo na si Sandra, Masasanay ka rin. Ah ewan nga sa inyo. Sabagay hindi pa rin ako sanay sa kanya, nagugulat at nagugulantang pa rin ako sa babaeng iyon. But she's a good friend Wheng. You know, ang tagal na rin Wheng pero parang mas napapadalas ang pagka-trigger mo lately. Try to lose and up! Magagawa at maayos mo rin ang lahat!" Mga salita na tuluyan na nakapag-pakalma sa akin. Kabisado na talaga ako ng babaeng na ito. Kami ba naman ang laging magkasama s lahat ng oras.
" Thanks! Oo nga e, mukhang malimit ito ngayon. " Simple sagot ko sa babae na ngumiti ng pilya waring may kalokohon na naiisip.
" Are you thinking of him? Nang maganap ang gabing iyon parang mas napapadalas ang ganyan mo. She's part of your past kaya siguro. Easyhan mo lang Wheng, wag masyadong nag we-wet dreams. Hahaha!" Muling sabi ni Romary sa akin na nanunukso naman. Halatang halata ba na ganun ako mula ng gabing iyon? Feeling ko kasi ito na, at napaaga. masyado. Walang pang sinasabi si Lady Merrah kaya hindi pa pwede. Nae-excite na parang ewan ako sa totoo lang mNang balingan ko si Romary ay wala na ito, mukhang lumabas ito. Ayos lang naman, alam niya talaga na need ko maiwan muna mag isa para mas maging maayos ako.
Pinilit ko na ibalik ang focus sa ginawa ko, medyo na divert naman sa ginagawa ko ang isip ko. Kailan ba ako makakalaya sa anino ng nakaraan? Nakakapagod din ang may ganitong trauma. Sa pagrereview ko nakita ko ang pattern ng mga pumi-pick up sa mga babae, natawag ko naman ito sa tao sa loob ng club and confirm those women, na mga na pick up ay hindi nakapasok the next day.
Sa labas na talaga sila pumi-pick mura na nga, maililigaw pa nila ang mga nag-imbestiga tungkol sa pagkawala ng mga babae. I must admit matlino sila but not for long dahil na diskubre na namin ang bagong modus nila. Highly tinted ang sasakyan kaya wala tuloy makuha na mukha ng kung sino ang sakay o driver ng sasakyan. We really need to know it as soon as possible. Talaga papasada kami ora mismo. Maya maya ay bumalik na si Romary, at mukhang bumili ng pagkain namin.
" Wheng may bago ba? Kain muna tayo!" Tawag ng babae sa akin na ngayon ay naghahain na sa lamesa na kasama sa bahay na nirentahan namin para maging bahay tuluyan pansamantala.
" Yeah! confirm madaling araw sila umaatake, oras ng uwian ng mga stripper at close ng club. Confirmed din na wala ng nakabalik sa kanila without any trace and reason bakit sila nawala! Mukhang mapapalaban na tayo mamaya. Handa ka na ba?" Sagot ko naman kay Romary habang inaayos ang laptop na gamit ko. Nang matapos na ako ay lumapit na ako sa babae. Nakakapagtaka lang tanghaling tapat may hotdog ito na binili at king size pa talaga, mukhang may kapilyahan na naman na tumakbo sa utak.
" Oh alam ko na iniisip mo! Akin ang hotdog, kahit sa hotdog na pagkain man lang ay makaranas ako ng king size." Biglang bulalas na sabi ni Romary sabay kuha sa hotdog at subo ng buo. Pilya talaga rin ito, pero ito ang pilya na very flexible at maaasahan. Dahil sa ginawa niya ay mual mual tuloy siya, sa laki ba naman ng hotdog na 'yun.
" Oo na sayo na yan! Kalahati lang yan ng kay Isko. " Biro ko naman sa babae na nasamid ata dahil sa biro ko kaya inihit ng ubo. Mabilis ko naman na inabutan itong tubig para uminom at ng okay na ang babae ay nagsalita ito muli.
" Ay true! Paniwalang-paniwala naman ako dyan! Nakita ko e, tumatango-tango pa nga." Sabi naman muli ni Romary saka humagalpak ng tawa. Ang tawa na puno ng lihim. Hindi siya totoong masaya.
Kumain na kami ng tuloy tuloy at walang imikan. Pero sa loob kasi ng utak ko ay iniisip ko na paano gagawin sa taong mahuhuli namin, oras na mapatunayan ang kawalang-hiyaan niya. Talagang once na maisip ko na hihiyaw at hihingi siya ng favor para mabuhay ay kakaibang liksi at ligalig sa kalooban ko ang nabubuhay. Ang sarap kasi ng bawat palahaw ng iyak nila at pagmamakaawa sa tainga. Can't wait to perform my own version of punishment.