Bam POV
Saturday
6:50pm
Andito ako ngayon nag aantay sa loob ng lobby ng aking pinagtatrabahuhan. Nag message na kaninang tanghali si Alvin, 7pm niya daw ako susunduin. Sakto lang yon at bago mag 8pm nasa kanila na kami at punta na kami sa pinsan niya.
Maya maya pa may nakita akong magarang sasakyan na nagpark sa may di kalayuan sa harap ng building namin.
Ford Mustang na yellow. May favorite color.
“Kaninong sasakyan kaya yan?” saloob loob ko. Bigtime.
7:00pm.
Asan na kaya si Alvin.
Biglang nag ring ang cellphone ko.
Alvin calling….
Alvin: Hi! Bam. Asan kana? Andito na ako malapit sa building niyo.
Me: Hello! Alvin, andito ako sa loob ng lobby namin. Asan ka hindi kita makita.
Alvin: Andito nakaparada ang sasakyan ko sa kabilang side. Sa harap ng building niyo. Labas kana diyan.
Lumabas ako ng building habang kausap ko pa rin sa cellphone si Alvin.
Me: Sa’yo ba yang yellow na sasakyan?
Bumusina na ang sasakyan na binanggit ko.
Alvin: Oo.
Me: Okay, punta na ako diyan.
Pinatay ko na ang aking cellphone.
Paglapit ko sa sasakyan binaba ni Alvin ang bintana sa passenger seat. Sinenyasan niya akong pumasok.
Habang nasa biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Ambango naman ng loob ng sasakyan. First time ko makasakay ng sports car. Mamaya magpapaalam ako kay Alvin na mag seselfie para e-post sa aking f*******: account.
“Alvin, ang ganda pala ng kotse mo,” panimula ko.
“Minsanan ko lang to gamitin kasi usually nasa bahay lang naman ako pag may ginagawa akong program,” sagot nito.
“Dapat pala lagi moko invite para lagi ako nakakasakay dito,” biro ko sa kanya.
“Hahaha, ngayon lang to noh! Dati noong teenager pa ko lagi ko to pinagmamayabang kaso noong isang beses na nabangga ko to, hindi na ako pinayagan ni Mommy at Daddy. Baka daw mawalan sila ng unico hijo,” mahabang litanya nito.
Nagkuwento na eto ng kanyang mga childhood experiences habang nasa biyahe kami. Nakikinig lang ako kasi hindi naman ako makwento pagdating sa personal na buhay. Siguro yong mga likes at dislikes at hobbies lang ang na eshare ko kay Alvin pero sa family ko wala masyado. Puro din kasi mga kalokohan ang pinag uusapan namin tuwing nag chachat.
Matapos ang halos treinta minutos ay nakita ko nang papasok na kami sa isang exclusive subdivision sa Makati. Nagulat ako kasi eto ang pinakamahal na subdivision sa buong pilipinas.
Wow!
Namangha ako ng sobra. Milyones ang mga bahay dito. Ibig sabihin kung dito nakatira si Alvin, ibig sabihin milyonaryo siya?tanong sa isip ko.
Parang nanliit ako bigla sa aking sarili. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na sobrang yaman ni Alvin kasi napa simple lang ng lalaki. Wala nga etong relo o kahit na anong alahas sa katawan. Ultimo ang cellphone ng lalaki ay Samsung S6. Napansin ko din na maalaga siya sa gamit kasi ni wala ngang crack ang cellphone nito.
OH! My! E-Seduce ko kaya to ng maranasan ko rin magbuhay mayaman at tumira sa isang exclusive subdivision. Ayan na naman, nagdedaydream na naman ako ng dilat ang mata. Tumigil ka nga! Hindi ka papatulan niyan! Kontra na naman ng Bad angel ko! Ang galing din minsan tumiming ni Bad Angel eh, panira ng moment. Hmp!
Pagpasok pa lang namin sobrang taas na ng gate. Chinecheck din ng guard ang bawat sasakyan at tao na pumapasok. Paglampas sa gate ay hindi ako magkandaugaga sa pagsilip ng mga nag gagarbuhang bahay. Halos hindi na nga makita ang mga kabahayan kasi matataas ang bawat gate ng bahay.
Wala din ako masyadong nakikitang tao sa labas. Feeling ko nga kung gusto mo libutin ang buong subdivision ay kailangan din ng sasakyan o club car.
Maya maya pa ay kumanan na kami at pagdating sa pangatlong gate ay bumusina na si Alvin.
Nakita kong may security guard na nagbukas at pinasok na ni Alvin ang sasakyan.
"Alvin, dito ba kayo nakatira?" tanong ko sa kasama ko.
"oo," tipid na sagot at parang nahihiya pang ngumiti sakin.
Siya pa ang may ganang mahiya.
Napa humble naman ni Alvin sa isip ko.
Pumasok muna kami sa kanilang bahay para makilala ang magulang ni Alvin at sabay na kami pupunta sa pinsan nila mga 8pm.