CHAPTER 3

1104 Words
Malapit na ang birthday ni Jad. Next week na. Iimbitahan niya lang ang mga ilang malalapit na kaibigan at pinsan sa kanyang birthday party. Konting salo salo at inuman lang. Pwede din nilang dalhin ang kanilang asawa at girlfriends para naman payagan ang kanyang mga kaibigan. Under de saya kasi ang mga kaibigan niya baka hindi payagan pag hindi isinama ang kani kanilang partner. Kaya ayaw pa niya mag asawa kasi nga ayaw niya matulad sa mga kaibigan at pinsan na laging sinasangguni muna sa mga babae ang balak bago magdesisyon. No way! Dapat lalaki ang dominante. Kaya nga umabot na siya ng edad na treinta y kwatro ay binata pa rin siya. Next week ay magiging treinta y cinco na siya. Baka umuwi ang magulang niya galing bakasyon para e-celebrate ang birthday niya. Retired na pareho ang dalawa at walang ginagawa kundi magliwaliw sa buong mundo. Meron din siyang nakababatang kapatid na nasa Iloilo. Baka hindi na pupunta yon kasi nahiyang sa buhay probinsiya kasi taga roon ang babaeng napangasawa ng kapatid niya. Ang inaalala niya ay ang mga magulang niya kasi malamang magdadrama na naman ang Mommy niya na mag-asawa na. Ang Daddy naman niya ay tinutulak din siyang mag asawa pero hindi siya pinipilit sa mga ganoong bagay. Ang Mommy lang talaga niya ang mapilit kasi nga baka daw tumandang binata siya at walang mag aalaga pag wala na sila. Kahit daw anak nalang para naman magka apo na sa kanya, sayang ang lahi nila. Bago pa dumating ang kanyang mga magulang ay inabisuhan na niya na wag na mag imbita ng kanilang kumare at kumpadre at baka kung sino sinong mga bisita ang iimbitahan ng Mommy niya at erereto lang sa kanya. Bam POV Simula nang makilala ko si Alvin ay madalas na kami magka chat sa sss Messenger. Minsan pag may bibilhin o gagala ang lalaki sa mall ay tinatawagan ako para magkita kaming dalawa. Itinigil ko na rin ang paghahanap ng prospect sa internet. Tanggap ko na na tatandang dalaga na talaga ako. Hindi ko rin naman masasabing gusto ako ni Alvin kasi hindi naman siya nagpapahiwatig o nagpapahaging sa akin. Siguro nga kaibigan lang din ang turing niya sa akin kasi hindi nalalayo ang mga hilig namin kagaya ng panonood ng Anime kahit na malaki na kami. Yong style ng pananamit namin ay hindi rin nagkakalayo kasi medyo conservative ang taste naming dalawa. Pagdating din sa mga latest gadget lalo na sa latest model ng cellphone ay mahilig din kami mag share ng aming reviews although hindi nman kami bumibili. Computer Programmer si Alvin at plano niyang magtayo ng sariling negosyo katulad ng mga Developing Software App. Idol niya si Bill Gates ng Microsoft. Nagtataka din ako dito kay Alvin kasi hindi naman siya pangit. Tanggalin niya lang ang napaka kapal niyang reading glasses ay lalabas na ang aking kagwapuhan. Mag gym na rin siya para magkalaman at pwede na rumampa sa runway. Pwede ko na rin siyang e-seduce para na rin magka jowa na ako. Hhehe. Naputol ang aking pagmumuni muni ng makatanggap ng notification sa aking cellphone. May message sa aking sss Messenger. Alvin: Hey! Bam, musta? Me: Okay lang. Eto pabiling biling sa higaan. Tapos na kong magsimba. Search lang sa youtube ng mga bagong anime recommendation na papanoorin ko. Ikaw, ano gawa mo? Alvin: May tinatapos lang na program ng isa kong client abroad. Wala ka bang gagawin sa Saturday? Di ba wala kang pasok every Saturday? Me: May pasok ako oy! Sunday off ako. Bakit? Alvin: Birthday kasi ng pinsan ko, inimbitahan ako. Hindi ko naman masyadong close ‘yon kaso magkapitbahay lang kami. Diyahe naman kung hindi ako pupunta. Tiyak ko din na isasama ako ni Mommy kila pinsan kasi darating din yong Uncle namin, yon ang kapatid ni Mommy. Favorite kapatid pa naman ni Uncle si Mommy kasi bunso kaya malamang pupuntahan kami nun sa bahay. Baka ma OP ako dun kaya gusto sana kitang isama. Kung okay lang sayo? Dagdag neto Me: hhhhhmmmmmm….?? Alvin: Sige na please???? Me: Hindi ka naman siguro ma –o-OP dun kasi mga kamag anak mo pala ang andun. Alvin: Yong pinsan ko kasi iba ang hilig nun. Mas matanda sakin yon kaya magkaiba kami ng circle of friends. Atsaka tiyak may inuman dun, hindi kasi ako mahilig uminom. Sige na please??? Me: Anu naman gagawin ko dun eh na iimagine ko na na halos lalaki pala ang mga andun based na rin sa sabi mo na halos kaibigan ng pinsan mo ang mga andun. Alvin: Sinabi ni pinsan na yong mga kaibigan niya dadalhin din ang kanilang asawa at mga girlfriends kaya wag ka mag alala, Bam. Please, sige na? Me: Nahihiya pa rin ako, mukhang intimate gathering naman kasi yan. Alvin: Sige na, Bam. Please?? Di ba friends naman tayo? Me: Eh kasi nga hindi naman ako mahilig sa mga party party na ‘yan. Yong mga kaibigan ko pag nag nagse-celebrate ng kanilang mga birthday ay sa mga turo turo at karinderya o kaya sa mga fastfood o di kaya sa Jolibee lang naman kami kumakain. Mukhang sosyalin naman ata ang party na ‘yan. Alvin: Okay sige para pumayag ka, bigyan nalang kita ng gift. Pag hindi ka pa rin pumayag, ayoko ko na makipagkaibigan sa’yo. Aba at nam blackmail pa ang loko. Me: Hoy! Alvin, hindi mo 'ko madadala sa pambablackmail na yan. Mag iisang buwan palang tayong magkakilala kaya hindi tayo close. Alvin: Okay, sige gift nalang. Kahit ano para may kasama lang ako. Nag iisip ako. Sayang din ang gift. Mukhang yayamanin pa naman si Alvin. HEhe. Me: Tanong ko lang, anong oras ba ang birthday party ng pinsan mo? Anlayo kaya ng bahay niyo sa samin. Sa Batasan ako tapos kayo sa Makati. Tapos may trabaho pa ko niyan. Alvin: ‘Wag ka nang umuwi. Okay na yong usual mong damit kasi presentable naman ang suot mo. Sunduin nalang kita sa work mo total dito lang din sa Makati ang Office niyo. Me: Alvin, wala akong maibibigay na regalo diyan sa pinsan mo ha. Sabit lang ako diyan, ikaw ang bahala sakin. Alvin: Okay! Ako na bahala sa’yo. Ang importante pumayag ka. Chat nalang tayo sa Saturday kung anong oras kita susunduin. Me: Okay, sige payag na ako. Sayang ang gift eh. Hehe. Alvin: Thank you talaga. ‘Yong gift mo saka ka na mag request pagkatapos ng birthday ng pinsan ko para makapag isip ka. Me: Okay sige. Message mo nalang ako sa Saturday ha. Alvin: Okay! Tapusin ko muna ‘tong pinapagawa ng client ko. See you on Saturday. ‘Bye. Me: ‘Bye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD