CHAPTER 5

1114 Words
Jad POV 8:00pm Busy ang hardin sa aming bahay. Dumating na din ang ilan kung kaibigan kasama ang kani kanilang asawa at mga girlfriends. Nakita ko paparating na din si Auntie Annie at Uncle Simon kasama ang pinsan kong si Alvin. Nakita ko din na may kasama silang isang babae na nakabuntot kay Alvin. “ Jad, Happy Birthday sa’yo hijo,” sabay na bati sakin ni Auntie at Uncle. “Eto ang gift namin. Ilagay nalang namin sa loob,” sabi ni Auntie Annie. “Thanks po Auntie, Uncle. Nag abala pa kayo,” turan ko. “Pasok nalang po kayo sa loob at kanina pa kayo inaantay nina Mommy at Daddy. I’m sure marami na naman ekukwento sa iyo si Mommy, Auntie. Marami din siyang pasalubong galing sa kanilang bakasyon.” “Okay, hijo, we’ll go inside. Enjoy your day!” nauna na ang dalawa sa loob ng bahay. “Happy birthday, Kuya Jad,” bati sakin ni Alvin “ Kuya, kaibigan ko pala si, Bam. Bam, this my cousin , Kuya Jad, siya ang may birthday ngayon, ” paliwanag ni Alvin sa babaeng kasama nito. Lumapit ng kaunti ang babaeng kasama ni Jad at binati ako. “Happy Birthday po.” Mahinang sabi ng babae na pinadaanan lang ako ng tingin tapos biglang yuko habang namumula ang mukha. Buti at hindi nakipagkamay at ayoko makadaupang palad palad ang pangit na babae na pinakilala ng pinsan ko. Sinipat ko ang babaeng kasama ni Alvin. Bagay nga silang dalawa sa loob loob ko. Si Alvin ay mukhang nerd at ang babeng kasama naman niya ay mukhang manang minus sa makapal na salamin. Ang babae ay nakasuot ng mahabang bestida na panahon pa ata ni Maria Clara ang desinyo na may mahabang manggas at ang palda abot hanggang sakong. Nakasuot eto ng closed shoes. Nakapusod din ng maayos ang buhok nito. Pag angat ko ng tingin sa mukha. Gusto ko nang mapangiwi. Eto ang tipo ng babae na hindi ko talaga magugustuhan. Never! “Thank you.” Napipilitan kong sagot, “Sige, maiwan ko muna kayo at aasikasuhin ko pa ang iba ko pang bisita. Please enjoy the party. Alvin, ikaw na ang bahala sa bisita mo. Wag ka mahiya, you can tour her around or better pakilala mo din kay Mommy at Daddy sa loob.” Tumalilis na ako at pinuntahan ang aking mga kaibigan matapos tumango lang si Alvin. Bam POV Pagdating namin sa bahay nina Alvin ay pinakilala niya ako sa mga magulang niya. Mabait ang Mommy at Daddy niya at hindi makikitaan ng ere sa katawan. Napag alaman kong Software Engineer at the same time ay Computer Programmer pala ang Daddy ni Alvin at meron din etong share of stocks sa Microsoft at f*******:. Ang Mommy naman ni Alvin ay may pag mamay ari naman ng kilalang Restaurant dito sa Makati at sa Manila. Papunta na kami ngayon sa bahay ng pinsan niya. Kalapit bahay lang at bakod lang ang pagitan. Ngayon ko napagtanto na parang OP naman ang damit ko kasi hindi pang party dress. Tiningnan ko ang suot ni Alvin. Naka button-up shirt na naka tuck-in at slacks siya. Dalawa na kaming ma o-OP dun, okay lang. Pagpasok namin sa loob. Nakasunod lang ako sa pamilya ni Alvin. Malawak ang lawn na kung saan andun ang party. Mukhang intimate nga. May nakita akong isang pool malapit sa pina entrance bahay nila sa kanan banda. Mayroong limang pabilog na mesa sa lawn na halos okupado na din, isang mesa nalang ang nakita kong wala pang tao. Ang malapit sa pool na katabi lang ng mahabang mesa kung saan andun ang mga pagkain na inorder sa catering. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na halos mag-asawa at magpapartner ang andun. Narinig ko na binati ng Mommy at Daddy ni Alvin ang birthday celebrant. Nakasunod lang ako sa kanila kasi nahihiya ako. Sabit lang ako dito. Maya maya nauna nang pumasok ang mga magulang ni Alvin. Naiwan kaming dalawa sa harap ng pinsan niya. Narinig ko binati ni Alvin ang pinsan niya at pinakilala pa ako. "Happy birthday po," bati ko sabay taas ng mabilisang tiningnan sa mukha ang lalaking kaharap namin. Napasinghap ako sa mukha ng lalaki. Owemmmgeee!!!! Muntik na akong himatayin sa kagwapuhan ng lalaki. Noong magsabog ng kagwapuhan ang langit ay sinalo niya ata lahat. Tall, dark and ruggedly handsome. Nasa lampas anim na talampakan ata ang taas ng lalaking kaharap namin. Kamukha niya si Enrique Iglesias. Fafabol. Ang mapapansin kaagad ay ang deep penetrating na mata nito. Pag tumingin ka, parang lava na tunaw lahat ng madaan. Kaso mukhang suplado etong pinsan ni Alvin. Napansin ko na halos dinaanan lang ako ng tingin. Hindi type ang beauty ko. Sino ba naman ang magkakagusto sa beauty ko na mala-Melai ang ganda. Pwes kung ayaw niya sakin, kay Alvin nalang ako tutal gwapo din naman si Alvin. Magpinsan naman sila kaya malamang maganda din ang lahi namin pag kami ang nagkatuluyan. Tumigil ka nga, Bam. Kastigo ng isip ko. Hehe. ‘Paano kami magkakatuluyan ni Alvin eh mukhang friendzone lang din ang tingin sakin, ’buska na naman ni Bad angel sa isip ko. Nagpaalam na ang pinsan ni Alvin. Aasikasuhin pa daw ang iba pa niyang mga bisita. Lumalalim na ang gabe. Mga bandang alas nuebe ng gabe napansin ko na may papasok na babae. Parang slow mo lang ang nangyari, lahat tumutok ang atensiyon sa babaeng paparating. Parang diyosa sa ganda. Akala ko nanonood ako ng Fashion Show at parang modelo kung maglakad ang bagong bisita. Papasok ang isang matangkad na babae. Nakasuot eto nang pulang A-line V-neck chiffon dress na may lace at may slit sa bandang hita abot hanggang sakong. Hapit na hapit ang damit na lalong nagpatingkad sa angking kaseksihan at ganda. Pinarisan niya ang suot ng pulang stilettos. You can never be wrong with Red. Ang ganda ng taste ng babae. Wavy ang pagkakulot ng dark brown na buhok abot hanggang beywang. Lumampas na ang babae sa aming table at ang bango niya. Tiyak mamahalin ang perfume. Dumiretso eto sa table ng birthday celebrant na kasalukuyang nakatayo at inaabangan ang papalapit na babae. Ikinawit ng babae ang kamay sa leeg ng birthday boy. Nangunyapit at hinalikan sa labi. Torrid kiss. Tumagal ata ng mga limang minuto. Akala ko sa movie lang ako maka kakita ng torrid kiss, ngayon live kung napanood. Anu kaya ang feeling makahalikan si birthday boy, sa isip ko. Jelly jelly naman ang self ko. Hehhehe Pinaupo na ng lalaki ang bagong dating at humila din ng isa pang upuan para makaupo sa tabi ng bagong dating. Bagay na bagay sila. Parehong maganda at gwapo. Perfect couple 'ika nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD