Malapit na ang uwian. Nag ring ang cellphone ko. Alvin calling…. Ika cancel ko sana kaso naalala ko ang gift na sabi niya. Hindi ko pa pala nakuha. Sagutin ko nalang ang tawag niya. Me: Hello. Labas sa ilong na sagot ko. Alvin: Bam, sorry talaga kagabi. Hindi na kita naihatid kasi nalasing ako. Lahat sila pinagsabihan ako kaninang tanghali pag gising ko. Sinita ako ni Kuya Jad at Manang Julie. Pinagsabihan din ako ni Mommy at Daddy. Sorry na talaga. Mahabang patlang…… Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Alvin: May nangyari ba kagabi? Parang galit kasi si Kuya Jad sa akin. Me: Wala ba silang may sinabi sa iyo kagabi? Alvin: Wala. Basta parang galit si Kuya Jad. Me: Ayan naglasing lasing ka kasi kaya hindi mo nakita ang nangyari kagabi. Kawawa kaya ako, kung alam mo lang. Alvin