Kinabukasan K-kringgggggg!!! K-kringgggggg!!! Ang aga aga sinong hinayupak kaya ang tumatawag. Inabot ko ang aking cellphone at tiningnan ang caller. Alvin calling....... Napabalikwas ako ng bangon. Bumalik ang alaala ko kagabe. Aba gising na siguro ang loko at nalaman na ang nangyari kagabe. Bahala siya, hindi ko siya kakausapin. Kinancel ko ang tawag ni Alvin. Bumaba na ako sa kama. Sunday ngayon at wala akong pasok kaya okay lang humilata buong araw. Tiningnan ko ang wall clock sa aking silid. Ala una na pala ng hapon. Haba ng tulog ko. Napangiti ako ng maalala kung sino ang naghatid sa akin kagabe. Para akong naiihi sa kilig. Hehehe . Okay na rin pala ang nangyari kahit na nalaglag ako at nalasing si Alvin dahil si Jad ang naghatid sa akin. Kahit labag sa loob ang