Sabado “Good morning, Bam,” naunang bati sa akin ni Maedelle. “Good morning din. Akala ko tatawagin mo na naman akong Ms. V,” ganting bati ko. “Sabay ulit tayo mamaya mag lunch ha, may update na ako sa party,” ngiting sabi ni Maedelle. “Okay, daanan mo nalang ako.” Sumakay na ako ng elevator papunta sa office. Lunchtime Dinaanan ako ni Maedelle at sabay na kaming pumunta ng canteen para mananghalian. Pumuwesto uli kami sa dulo ‘yong walang masyadong tao. “Bam, tuloy na tuloy na talaga ang party sa next Saturday,” tuwang tuwang balita sa akin ni Maedelle. “Nasa bulletin sa baba ang announcement pero alam kong hindi mo rin babasahin kaya sasabihin ko na sa’yo.” Ginaya pa ni Maedelle ang showbiz reporter habang pinapaalam sa akin ang nilalaman ng announcement. “Party will be on S