Linggo Katulad ng usapan namin ni Alvin, maaga siyang dumating para sunduin ako. Hanggang ngayon hindi ko pa siya naiimbitahan sa loob ng bahay namin at naipakilala sa aking pamilya. Paano, lagi din wala ang mga magulang at kapatid ko. Mga gala din kasi sa kung saan saan. Sa Makati nalang kami magsisimba at pagkatapos ay pupunta sa mall para bumili ng gown ko. Pagpasok sa loob ng mall ay kumain muna kami bago napagdesisyunan na bumili ng gown. Sa kakaikot namin ay marami kaming nakitang mga shop na may mga magagandang desinyo. At dahil hindi ko kabisado ang mga shop sa mall na ‘yon, nagpatianod nalang ako kay Alvin kasi may alam daw siyang shop na sobrang ganda ng mga design. "Uhm, Alvin ang mamahal naman ng presyo ng paninda dito. Lahat dollar," napapalatak ako sa mga nakikita kong p