Chapter 13

1119 Words
CHAPTER 13 “THE design we prepared will preserved and restored some parts of the sky garden as you requested, Attorney De Luna.” It's my idea, sa isip-isip ni Eloisé. He should be speaking to me, not to Dad. Ako kaya ang main client niya. Dagdag pa niya sa kanyang isipan. “What do you think of the design, Eloisé? May gusto ka pa ba idagdag o alisin. Let's here it from since you're the owner of this mall.” Hindi na naka-kontra pa si Eloisé nang sabihin iyon ng kanyang Daddy Elijah. And Eloisé knows her father well. Hindi nito hahayaan na kumontra siya at sabihin na 'di naman siya nito tunay na anak. Kahit hindi siya De Luna, nagkaroon si Eloisé ng pribilehiyo na makamtan ang anumang mayroon ang kanyang dalawang kapatid. Noon hanggang ngayon hindi naman naramdaman ni Eloisé na iba siya at kahit pa existing na sina Terrence at Travis ay 'di nagbabago ang pagmamahal ng ama niya sa kanya. Eloisé cleared her throat first before speaking. “The design is good and I love it. But the doors, mas okay kung gaya sa normal na pinto na gamit ng mga mall dito sa Manila. I believe naman na it will be look aesthetic still even if we will use the usual door.” Nakita ni Eloisé ang naging reaksyon sa mukha ni Ethan matapos niya masabi ang kanyang suhestyon. Hindi niya masabi kung positibong reaksyon ba iyon o negatibo dahil sadya na mahirap basahin ang mukha nito. Kahit noong nasa wedding reception pa sila at noong nasa Paris silang dalawa. “That's it, Architect. Do you think you allow that small revisions?” Ang tatay ni Eloisé ang nagtanong na naging dahilan upang huminga siya ng malalim na makahinga. But not for long. Kinalabit siya ni Terrence bigla at nang lumingon siya'y pati si Travis ay nakikiusisa na. “How do you know him, ate?” tanong ni Terrence sa kanya. Bigla ay binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Simpleng tanong lang iyon pero grabe na kumabog ang kanyang dibdib. Paano niya sasabihin sa mga kapatid na naka-one night stand niya si Ethan? Dapat pa ba malaman nila iyon? “F-friend of friends. . .” she said, rechecking her phone. “What about the destiny thing a while ago?” Travis asked. “It's nothing.” Agad niya binalingan ang kanilang ina nang hawakan nito ang kanyang kamay. “What time ka aalis? Have you called your grandparents in Cebu? Make sure na alam ng mga bodyguards mo ang schedule mo pati na kung sino ang kasama mo.” “I already submitted my schedule and my team's profile. There's no need to worry about. It's Cebu, 'Ma. I grew up there.” Napatingin siya kay Ethan pagkasabi noon at nakita niya ang gulat na gulat nitong ekspresyon. Nagtataka ngayon si Eloisé kung bakit gano'n na lamang ang rekasyon nito gayong nasabi naman niyang sa Pilipinas siya lumaki. Right, not the place. You never told him the place, Eloisé, aniya sa isipan. “I guessed we're done here now. Hindi naman rush iyong sa revision but if you can update us next week, much better, Architect.” That's Eloisé's mom and what she have said was an invitation for them to stood up. Nakita niya na isa-isang nakipagkamay ang mga ito kina Ethan at sa mga kasama nito. Leaving Eloisé no choice but to do the same act. “You never fail to surprise me, Eloisé,” mahinang sambit ni Ethan nang sila na ang magkakamay. “See you in Cebu.” Dagdag niya na nagpakunot sa kanyang noo ng bahagya. Hindi na rin siya nakapag-follow up question dahil nag-aya na ang nanay niya na maunang umalis. Marahil ay pagod na ito dahil may binuksan pa itong bagong branch ER Scents sa Bulacan kasama ni Terrence at Travis. Marami ang nagtatanong bakit hindi si Eloisé ang humawak gayong sa kanya iyon nakapangalan. Simple lang din naman ang naging sagot niya at iyon ay nakatadhana siya sa event launching at marketing kaya sa pamahalaan ang negosyong bumuhay sa kanilang mag-ina noon. It's not that she's not proud of what her mother did to raised her back then. Sadyang ang puso niya'y nasa ibang bagay at alam niyang naiintindihan naman iyon ng kanyang ina. Pag-uwi, naabutan niyang kalalabas lang sa kusina ni Teresa at may bitbit pa itong bowl ng bagong lutong popcorn. May nakalagay din na snail face mask sa mukha nito na siyang dahilan kaya siya suminghap nang may kalakasan. “OA naman. Parang hindi mo ako nakikita na ganito lagi,” sambit ni Teresa saka tuloy-tuloy na lumakad patungo sa salas at naupo sa couch. “Maglinis ka na at lalagyan ko iyang mukha nito.” “Kanina ka pa ba rito?” tanong niya matapos hubarin ang suot na sapatos. “Mga one hour ago. Nagtext kaya ako sa 'yo. Sabay naman tayo aalis kaya dito na ako nagtuloy.” “Does Dean know?” Umirap lang si Teresa na dahilan ng pag ngiti niya. “Fine. Uhm, I saw him again, Teresa.” “Sino?” “Ethan.” “The Architect guy? OMG! Mamaya ka na maglinis. Magkwento ka muna rito.” “Wala naman espesyal sa meeting namin. He's the architect in charge sa mall na itatayo sa Cebu.” Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ni Teresa bago nagsalita. “Iyong mall na regalo sa 'yo ni Tito Elijah?” Dahan-dahan siyang tumango. “May sa cupid talaga itong si Tito Elijah.” “What do you mean?” Malalim na huminga si Teresa saka inalis iyong snail face mask sa mukha nito bago siya binalingan. “Sabi ni Mama, charming si Tito Elijah noon hanggang ngayon. He can easily attract people na nagiging friends niya in the end. Iyong boyfriend ni Mama, si uncle Tom, Hindi ba associate niya iyon sa law firm niyo sa Cebu? Doon din sila nagkakilala dalawa. And your ninang Millet and ninang George's love life happened and ended up in marriage because of him.” Umingos siya't aktong tatayo ngunit napigilan siya ni Teresa. “Hindi naman proven ng science ang destiny. Saka hindi na ako college student para maniwala kay Cupid. And my dad is a hero. He saved my mom, bringing back to the light.” “Hindi mo naman siguro iniisip na dadaan ka sa dinaanan ng Tita Penelope noon, right?” Natahimik si Eloisé. Ang totoo, nasa isip na niya iyon at natatakot siya na baka nga maulit. “It already ends with your mom, El. You have to clear your mind. Hindi iyon mangyayari sa 'yo kaya huwag ka matakot na sumugal ulit.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD