CHAPTER 14
Two weeks later.
SA WAKAS nagkaroon ng pagkakataon si Eloisé ng pahinga na bigay ng kumpanyang pinagta-trabaho-an niya. It was after the event and the post-production meetings she attended in Cebu and Manila. And now she's back in Cebu again, enjoying her hard-earned two-week vacation outside the restaurant owned by her cousin Dean.
“Four season juice and potato salad for our princess,” Dean said, occupying the seat across her after placing the food on the table in front of them. “Hanggang kailan ka rito?”
“A month? Uuwi ako kapag kailangan na ako sa Manila. Right now, I'm on a vacation and after will work remotely.”
“Nice. Para lang hindi ka umalis sa kanila,” sambit ni Dean na tama naman. Alam niyang pinagbibigyan lang siya ni Xenon para hindi agad umalis. Lalo't nag-uumpisa na nga ang construction ng mall na siyang pamamahalaan niya pagkatapos. “How about the architect Teresa kept on mentioning whenever I'm asking you to her?”
Muntik na mabilaukan si Eloisé matapos marinig ang tanong ni Dean. “Seryoso? Ako ang pinag-uusapan niyong dalawa? Date ba iyong ginawa niyo o tsismisan?”
“50/50. And we're not the only who's asking about your whereabouts.”
“Sino pa?”
“Your brothers.” Eloisé's eyes rolled. “They shared some juiciest information about the recent meeting you all have with the architect.”
Umiling siya. Masyado talagang curious ang lahat sa mga kinikilos niya at sinasamahan. Naalala niyang ang mga kapatid niya rin ang nagsabi sa kanilang magulang na nakita siya ng mga ito na lumabas kasama ni Ethan. And it happened before the meeting which she hadn't clue about Ethan's identity.
Alam ni Eloisé na arkitekto ito pero wala siyang kaide-ideya na ito ang napili ng kanyang ama na mamahala sa konstruksyon ng mall nila.
“Wala lang magawa ang dalawa na iyon kaya nagagawa pa na magdaldal.”
“Whatever you say,” may halong pang-aasar na salita ni Dean. “And oh, he's a regular here by the way.”
“Who?”
“Your architect.”
Napalunok si Eloisé. Wala siyang naging balita rito simula noong meeting at ngayon lang niya naalala iyong tungkol sa sinabi nito.
See you in Cebu.
Malalim siyang huminga matapos umalis ni Dean at pilit na winaksi iyon sa kanyang isipan. Narito siya sa Cebu para magpahinga bago magsimulang magtrabaho uli. Ayaw niyang mag-isip tungkol sa kanyang naka-tenggang love life o kahit tungkol sa lalaking naka-one night stand niya sa Paris.
Ibang klase na siya paglaruan ng tadhana nitong mga nakaraang araw at kahit hindi niya hilingin ay tila nakaukit na sa kung saan 'man na magku-krus at magku-krus ang landas nila ni Ethan.
It's fate, like in movies.
Matapos niya kumain, bumaba siya't tumungo sa cashier para hanapin si Dean. But it's not her cousin she found there. It's Ethan.
“Hello there,” bati nito sa kanya. “It's been a long time -”
“Crap that, Ethan. Regular ka rito kaya nakikita mo ako lagi.”
Nakita niyang kumamot ito sa ulo indikasyon na nahuli niya ito. Kailangan lang naman niya ay intindihing maigi ang sinabi ni Dean kanina. And when she did, Eloisé came up with a conclusion that Ethan is wandering around, looking at her from afar.
“Binabalik-balikan ko rin iyong pagkain dito.”
“Of course, you will because my cousin is a good cook and they served the best drinks here.”
“I couldn't disagree,” tugon ni Ethan. “You're heading home?”
“Hindi pa. Gagala pa ako. And you?”
“Work, as usual but if you need a companion, I can charge you low.” Binato niya ito ng nilakumos na tissue at kinuha na ang take-out food na pinahanda niya kanina. Iikot siya sa Cebu at baka gabihin na ng uwi kaya nagpa-take out na siya. “Is that a yes?”
“Basta hindi tayo pupunta sa sementeryo.”
“I know some place else.”
“Bagong bukas na sementeryo?”
“Manghuhula ka ba?” Umingos siya't nagpatuloy na sa paglalakad. Alam naman niyang susunod ito sa kanya. “Mayroon na akong design na bago. I already changed the door as you requested too.”
“We can talked about that next week. Nasa bakasyon ako at kailangan ko ito, Ethan.”
“I'm sorry.” Eloisé smiled upon seeing Ethan's slightly confused face. “Where do you want to go?”
“Narito ka ba kasi may project ka o may ibang bagay pa?”
“I lived here. My office is here too,”
“So, pamilyar ka sa mga lugar dito?”
“Of course,” Mukhang nakahanap na si Eloisé ng makakasama pero kailangan niya tiisin ang kakulitan nito. “Look, I really want us to be friends if that's all you wanted.”
“It will be hard, Ethan, you know that.” Paano naman kasi magagawa ni Eloisé kaibiganin iyong lalaking minsan niyang nakaniig? Idagdag pa na pinsan ito ng asawa na ngayon ni Bryce.
“Is it because of the thing we have back in Paris?” Muntik na niya ito batukan dahil maraming tao at ang ilan nga'y napatingin pa sa kanila. “Won't mention it again. Maybe it is because of Jeanine marrying your ex?”
“Hello?! I'm happy for them,” Umiling si Ethan indikasyon na 'di ito naniniwala sa kanya. “I cried because I'm thinking that I made some wrong choices, okay? Pero ngayon hindi na dahil I can go on a vacation whenever I want and work remotely.”
“Tell that to yourself repeatedly to make it believable.”
Eloisé groaned. Hindi ito naniniwala na okay siya pagkatapos ng mga nakakawindang na pangyayari noonh nakaraan.
“Eh 'di huwag ka maniwala.” Ayaw niyang pilitin ang binata na maniwala sa kanya. “Ililibre mo ako ngayon.”
“Since when did I make you pay?”
“Baka lang singilin mo ako at para maging friends tayo, kailangan mo ako gastusan.”
“Hindi na kaibigan iyan,” naningkit ang mga mata niya. “Abusado ka na,” sambit pa ni Ethan saka sinabayan siya sa paglalakad. “You have no bodyguards? That's new.”
“Sanay naman na ang mga tao sa akin dito sa Cebu. But they're around somewhere, making reports to submit to my mother.”
“They're just doing their jobs, Eloisé.” Huminga siya nang malalim at tinanggap na ang sinabi nito sa kanya. “So, where do you want to go now?”
“It's up to you, Ethan. You're my tour guide now in a place where I grew up.”