Chapter 12

1072 Words
CHAPTER 12 “DO NOT be late later.” Iyon ang paalala ng ina niyang si Penelope sa kanya bago lumabas ng bahay nito. It was all the meeting with the lead architect of the first ever branch of De Luna Empire Mall in Cebu. That is Eloise's father's - Atty. De Luna - business, which eventually be hers. Halos kalahati na ang investment niya sa naturang negosyo na nagmula sa kinikita niya sa kumpanya ni Xenon. Alam naman ng amo niya na aalis siya kapag maayos na ang lahat at nagkaroon pa sila ng agreement na magiging consultant siya nito. Pero hindi pa muna iniisip ni Eloisé na aalis siya gaya lamang noong mga panahon na may alok na sa Paris siya mag trabaho. Mangyayari naman ang dapat na mangyari, sa isip-isip niya. “Ate,” tawag sa kanya ni Terrence. Doon siya napukaw at napatingin sa kapatid. “Narinig mo ba sinabi ni Mommy?” Doon siya tumingin sa ina at nakatitig din ito sa kanya na para bang inaabangan ang kanyang sagot. “Oo naman. Hindi ako ma-le-late mamaya. That's a promise,” she answered. “Tara na,” pag-aya niya sa kapatid. “See you later, mom!” aniya pa at hinalikan sa pisngi ang ina. Sinabihan nito si Terrence na mag-ingat sa pagmamaneho kahit pa nagmamadali na siya dahil may meeting din sila ni Teresa ngayon. “Ang weird mo lately, ate. Ayos ka lang ba?” Tumingin si Eloise sa kapatid niyang nagmamaneho. Terrence's eyes were on the road while hers were staring straight but blankly. “Ayos lang ako,” tugon niya. “Eversince you attended that wedding, you're different. Buti na lang at hindi na-kwento ni kuya Dean kina Mommy iyong nangyari sa 'yo.” Maang siyang tumingin ulit sa kapatid. Alam nito iyong nangyari noong gabi na umuwi siya galing sa kasal ni Bryce. “Are you regretting your decision of calling off the engagement a year ago?” Hindi siya naka-sagot. Iyon din kasi ang natakbo sa kanyang isipan simula pa noong makatanggap siya ng imbitasyon ng kasal ni Bryce. “H'wag mo pagsisihan ang nagawa mong desisyon. You'll eventually find someone who will love you unconditionally. Baka nga nasa paligid mo lang pala iyon naghihintay na mapansin mo.” Inirapan niya ang kapatid matapos marinig ang mga sinabi nito. Pero tunog pangaral iyon at kahit weird na ito pa ang nagsasalita noon sa kanya ay binalewala na ni Eloisé. “Na-sobraban ka na yata sa kakanood mo ng teledrama,” aniya sa kapatid. “I'm serious, ate. Take me seriously, please? Kahit ikaw lang at h'wag na si Travis.” “Si Travis, he's wanna be like Dad.” “And we're like Mommy?” “Ako lang. Ikaw ay parang si uncle Ryan, maloko.” Terrence groaned, making Eloisé laugh. Patuloy siya nag-asaran na nauwi sa mga pag-uusap tungkol sa kani-kanilang mga trabaho. They even talked about the gossips surrounding their families which some were more like a mystery at some point. Pagdating nila sa opisina, agad siya dumiretso sa coffee shop kung nasaan si Teresa. Today will be their last meeting before half of her team fly to Cebu. Mahuhuli siya dahil sa meeting na dadaluhan niya kasama iyong architect, designers at construction team ng itatayong mall nila sa Cebu. Gayumpaman, kasado na ang lahat at confident si Eloise na walang papalya sa mga plano nila. Kailangan na lang niya tapusin ang commitment sa Manila bago lumipad pa-Cebu. NAGMAMADALING bumaba sa taxi si Eloisé nang pumara iyon sa tapat ng hotel na sinabi ng mga magulang niya na venue ng kanilang meeting. Fifteen minutes na siyang late kahit nasabi niya na hinding-hindi mangyayari iyon. Paano ba naman kasi hindi siya ma-le-late? Last minute nagpatawag ng meeting si Xenon para lang pag-usapan iyong award na nakuha ng kalaban nilang ad agency. Eloisé can calm their boss' nerves, which she did in almost an hour. Halos isumpa na niya si Xenon habang nasa biyahe kanina at kung 'di lang flexible ang schedule na bigay ng boss, matagal na siguro siyang umalis. Nagawa naman niya dati ngunit inalihan siya ng kung anong espiritu at bumalik sa Pilipinas pa rin. “Hold up!” sigaw niya nang makitang papasara na iyong elevator. Mas mabilis pa siyang tumakbo upang makapasok na sa elevator at pasalamatan iyong pumigil sa pinto na sumara. “Thank -” “Eloisé,” said the baritone voice which she could never forget. Paano hindi ay lagi itong nasa isip niya at kung minsan ay nasisira pa ang kanyang magandang tulog. “Ano'ng ginagawa mo rito?” tanong niya agad at wala ng Hi o Hello 'man lang na sinambit. “I have a meeting here with a client.” Naningkit ang mga mata niya bigla. Mukhang nakuha naman iyon ni Ethan kaya tumawa ito. “Hindi kita sinusundan. Baka destiny na talaga ito. Iyon ang sabi mo 'di ba?” “Shut up. . .” saway niya sa binata. Akma niya pipindutin ang button ngunit nakita niyang nakapula na iyon. Silang dalawa lang ang nasa loob ng elevator at sa parehong floor pa sila baba. “Sigurado ka na 'di mo ako sinusundan?” “Silly. . .” bulong ni Ethan kaya nagawa niyang hampasin ito. “Hindi nga. Namimisikal ka na.” Lumayo siya rito at matamang inabangan na lang na makarating sila sa floor na tutunguhin. At nang mangyari iyon ay magkapanabay silang bumaba dalawa. Sa lobby ay agad niya nakita ang kanyang mga magulang at kapatid na mabilis na nilapitan. “I'm sorry! Na-traffic ako tapos nagkaroon ng biglang meeting,” she explained as she greeted her parents. “Okay lang, ate. Hindi lang naman ikaw ang late. The architect too is late,” sambit ni Travis. That's off, she said at the back of her mind. “Ayan na sila. Let's forget about the delays and be nice, children,” paalala sa kanila ng kanilang ina. Tango lang ang pinangsang-ayon ng kanilang ama sa sinabi nito kaya sumunod silang tatlo. “Architect Matthews, I'm glad you accepted this meetings.” Halos lumuwa ang kanyang mga mata nang makitang si Ethan iyong kausap ng kanyang ina. Isa-isa silang pinakilala nito na inumpisahan sa kanilang ama at siya ang pinaka-huling pinakilala. “Maniniwala ka na ba sa tadhana ngayon, Eloisé?” Iyon ang tanong ni Ethan sa kanya saka naglahad ng kamay sa kanyang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD