CHAPTER 05
MATAMANG inayos ni Ethan ang suot niyang necktie pati na ang kwelyo ng suot na damit. He feel uncomfortable with the kind of clothes he's wearing right now. Pero kailangan niya magtiis alang-alang sa kanyang pinsan na siyang ikakasal ngayon.
“Hey, look at that,” anang tinig na pumukaw kay Ethan. It's Uno, Jeanine's brother, his cousin. Itinuro nito si Bryce na may kausap na babaeng pamilyar sa kanya ang pigura. “That's his ex-fiancé whom he invited.”
Hindi maaaring magkamali si Ethan. That's Eloisé!
But. . . she's Bryce's ex-fiancé?
“Sandali lang,” tugon niya sa halip na magtanong pa ng ibang detalye.
“Hoy, saan ka pupunta? Kailangan na tayo sa loob!”
“I'll be back. I promise!” Hinabol ni Ethan ang papalayong pigura ni Eloisé hanggang sa maabutan ito at mahawakan ang braso. “Hey,” he said and exhaled.
“Uhm, a-ano po iyon?” tanong ng babaeng akala niya'y si Eloisé.
“God, I'm sorry. Akala ko -”
“Ethan, tara na. Sino ba iyong hinahabol mo?” tanong ni Uno sa kanya na pumutol sa dapat niyang sasabihin sa babaeng inakalang si Eloisé. Narinig na lang niya na humingi ng pasensya sa babae si Ethan na katrabaho pala ni Jeanine. “Halika na sa loob. Magsisimula na.”
Wala siyang nagawa kung 'di sumama kay Uno pabalik at sabay sila pumasok sa loob ng simbahan. Luminga-linga siya sa paligid sa pagbabakasakaling makita si Eloisé uli. Sigurado siyang ang dalaga ang nakita niyang kausap ni Bryce kanina. Hinding-hindi niya makakalimutan ang itsura nito na 'di na nawaglit sa kanyang isip simula nang makilala.
“Ethan, sino ba ang hinahanap mo?” tanong tiyahin nang makita siya na palinga-linga at hindi magawang mag-focus sa gagawin.
“No one.” Simple niyang tugon sa tiyahin. “Don't mind me here, tita,” aniya pa sa ginang.
“Loko ka. Paanong hindi ka papansinin? Para kang ibon diyan.” Galit nitong bulong sa kanya na dahilan ng impit na tawa ni Uno. “Umayos kayong dalawa diyan.” Banta pa nito na sineryoso naman nila at pinaling na ang atensyon sa pinto na bumukas.
Unti-unti nilang nakita si Jeanine na may maganda at matamis ngiti sa labi. This moment is important to Jeanine. All Ethan's counsin want is to get married to someone who's loyal, responsible and kind. And that's Bryce for Jeanine.
Noong una ay hindi maintindihan ni Ethan bakit makalipas ang isang taon sa relasyon ay heto na sila't nasa simhaban na. Ngunit nang makita niya na nagmamahalan talaga ang dalawa, binigay ni Ethan agad ang kanyang blessings nang hingiin nila iyon.
“She's happy,” wika ni Uno.
“Yeah,” pagsang-ayon niya't nilapitan na ang ikakasal na pinsan para samahan sa paglakad sa aisle. Si Ethan ang proxy ng tiyahin dahil hindi na ito makalakad ng maayos. Sa kabilang side naman si Uno na kapatid ni Jeanine. “Are you ready? Puwede ka pa tumakbo hangga't malapit pa tayo pintuan.”
Jeanine chuckled softly and answered, “wala na atrasan ito, Ethan. He's the one.”
The one.
Palaisipan kay Ethan paano nito nasabi na ang mapapangasawa na ang the one. Wala siyang kaide-ideya talaga kaya rin walang tumatagal na karelasyon sa kanya.
“Then, let's go and get you married. . .”
LUMINGA-LINGA si Eloisé sa kanyang kaliwa't -kanan bago kumuha ng inumin at pagkain. Eloisé wanted to make sure that no one in Bryce's family see her for all she wants is peace of mind. Siyempre maraming hindi natuwa na nagpunta siya ngayon sa kasal ni Bryce pero ayos naman sa dalawang kinasal ang presensya niya. In fact, Jeanine approached her a while and check if she's enjoying the party.
Gano'n kabait ang asawa ni Bryce kaya wala na lugar para mag-emote siya. Mamaya na lang siguro kapag umuwi na siya at mag-isa sa kanyang condo unit. Ngayong gabi, ang gusto niya lang ay uminom at i-celebrate ang kasal ni Bryce. It is because once upon a time, Eloisé and Bryce were friends and they still are today.
“I knew it's you,” anang tinig na gumulat sa kanya at dahilan kaya siya napasinghap ng malakas. “Why? Nagulat ba kita?”
Nakasimangot siyang lumingon upang sinuhin ang nanggulat sa kanya ngunit muli lang din siyang nagulat.
“Ethan?”
Paanong nangyari na narito rin siya? tanong niya sa isipan.
Ethan is still good-looking. Mas malinis nga lang itong tingnan ngayon kaysa noong may kaunti pang balbas. He's wearing a suit that Eloisé is a designer brand and matches his boy-next-door look. Ethan still has that warm, charming smile he first introduced to her in Paris.
“Eloisé,” sambit ni Ethan sa kanyang pangalan. “It's been a year. How are you?”
Suddenly, all the memories Eloisé had with Ethan flashed back from how he approached her to their late-night talks, which ended up in bed.
Umiling siya upang iwaksi iyon na umani naman ng reaksyon kay Ethan. Muli siyang nag-angat ng tingin at sinalubong ang mata nito.
“Hi! Yeah, it's been. . . a year,” ulit niya. “I am good. . . I guess.” Dagdag niya saka tumingin sa stage kung saan umakyat sina Bryce at Jeanine para magsayaw.
“You are his ex. He's the guy you dumped.”
“The guy who's comfortable staying inside his parents' shadow.” Tumingin siya kay Ethan. “They're so in love with each other.”
Hindi maiwasan ni Eloisé na mainggit. May tanong din na bumalong sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon.
Why are they happy, and why is she not? Bakit naiwan siya? Is it because she works hard?
One year after Eloisé broke off her engagement with Bryce, she focused on flourishing her career in Paris. Doon niya ginugol lahat, trabaho, pag-improved sa kanyang sarili at sa pag-established ng pangalan niya sa industriya. Saka lang siya bumalik sa Pilipinas para kunin iyong permanenteng position post na alok sa kanya ng kumpanyang pinagta-trabaho-an ngayon.
“Do you want to run away?” tanong na dahilan kaya tumingin siya uli kay Ethan.
Eloisé realized that very moment what's happening now is similar to what happened before. Katabi niya si Ethan habang binabalikan niya ang lahat sa nakaraan. Alam ni Eloisé na ang purpose ng pagpunta niya'y para isara iyong libro nila ni Bryce.
Pero hindi iyon ang nangyayari ngayon. She's only hiding her true feelings. Ang totoo ay galit siya ngunit ayaw niyang kaladkarin ang sarili sa kahihiyan kaya't nanahimik siya sa sulok. Isang dahilan kaya iniiwasan niya ang pamilya ni Bryce ngayon.
And she thinks Ethan's idea is still the best thing to do.
“Puwede ba ako magwala sa pupuntahan natin?”
Nakita niya tumingin sa pambisig na orasan si Ethan bago tumingin sa kanya uli. “That's a perfect place for that. So, shall we?”
Huminga siya nang malalim at tinanggap na ang kamay ni Ethan. Bahala na kung saan na naman sila dalhin ng tadhana. Bahala na.