Chapter 04

1305 Words
CHAPTER 04 Year 2017. MATAMANG inaabangan ni Eloise si Bryce na dumating sa tagpuan nilang dalawa sa loob ng campus na pinagtuturuan nito. Bryce is a physical education teacher in their high school alma mater. Si Eloise na mismo ang gumawa ng paraan para magkita silang dalawa sa kabila ng lahat. Simula nang magka-trabaho silang dalawa, naging abala na sila at madalang na kung magkita. Naisip ni Eloise na ngayon lang naman at madalas si Bryce ang nag-e-effort na puntahan siya kahit saan pa ang naging lokasyon ng kanyang trabaho. Walang trabaho ngayon si Eloise kaya heto't nakakagala siya kahit saan. Ngunit naroon pa rin ang presensya ng mga bodyguards niya. And that's her life as the eldest daughter of Attorney John Elijah De Luna. Isang tahol ang bumasag sa kanyang pagmumuni-muni. Nang lingunin ang pinanggalingan ng tahol, agad na lumiwanag ang kanyang mukha. It's Bonnie, the dog her boyfriend currently taking care off. Para ma-engayo ang mga estudyante ni Bryce, sinasama nito si Bonnie sa klase. And the dog itself is a real charmer. “Hi!” Masigla niyang sambit saka yumukod upang yakapin ang aso. “I'm glad that you're here with Bryce. At least may kasama siyang maglakad kahit saan siya magpunta.” Hinagod niya ang likod ng aso pati na ang ulo nito na kinatuwa naman ni Bryce. “Do you want raise a dog together?” tanong nito sa kanya. “Puwede ba?” Balik tanong naman niya sa kasintahan. Nang tumango ito'y lalong na-excite si Eloise. “That's a promise ha?” “Oo naman. Anything you want we will have it,” tugon nito kaya napatayo siya't sa binata naman yumakap. “Excited na ako. Ano magandang ipangalan sa magiging aso natin?” Lahat iyon ay pinag-usapan nila habang naglalakad papunta sa restaurant na kakainan nila. Isang typical na araw para sa kanilang magkasintahan ang araw ngayon. The longing feeling is gone when they finally see each other. The restaurant they visited was their usual place, where the owners already knew Eloise and Bryce and had been rooting for them since day one. Nag-order sila ng pagkain at nang matapos nilang kumain ay sa isang convenience store naman tumungo si Eloise. Doon niya matamang inabangan ulit si Bryce na nagpaalam na kukuhain lamang ang mga gamit nito sa opisina. Naisipan niyang silipin ang kanyang itsura gamit ang compact mirror at muling nag-apply ng lipstick. Nang matapos ay tinago na niya ang mga gamit. Matama ulit nag-abang hanggang sa makita siya si Bonnie na tumatakbo palapit sa kanya. “Nasaan si Bryce? Bakit ikaw lang ang bumalik?” tanong niya sa aso. Umaasa na naiintindihan siya ng aso at sagutin kung nasaan ang kanyang kasintahan. Nang tumahol si Bonnie ay napatingin siya sa nakasabit sa likod nito. Doon ay tila nagka-ideya siya at binukas iyong bag na nakasukbit sa likod ng aso. There, Eloise found a small box with a ring on it. Naghalo-halo ang kanyang naramdaman nang makita iyong singsing. Tama naman ang iniisip niya kung para saan iyon at nakompirma lamang ng lumabas si Bryce na may ngiti sa labi. “I know how much you love the dog, Eloise. Kaya gumawa ako ng paraan para maging parte siya nitong surpresa ko sa 'yo.” Huminga nang malalim si Bryce saka dahan-dahan na lumuhod sa kanyang harapan. “We've been together since high school. We literally grow together and have each other's back through ups and downs of life. Nandyan ka noong walang-wala ako kahit na malayo ang agwat ng mundo natin. And today I mustered all my courage to askes you this. Eloisé Rose De Luna, will you marry me?” Nagsasalita pa lang ito ay umiiyak na siya at mas lalo siyang parang bata na umiyak nang marinig na ang tanong ni Bryce sa kanya. “Y-yes, I'll marry you!” Agad siyang yumakap sa kasintahan pagkasuot nito ng singsing sa kanyang daliri. . . Present time. “ELLE!” sigaw na pumukaw sa kanya. Nang lumingon si Eloise ay agad niyang nakita si Dean na lakad-takbo na ang ginawa makalapit sa kanya. “Did you wait long?” Umiling siya't nakipagbeso-beso sa pinsan. “Kararating ko lang din. Traffic ba?” balik-tanong niya sa pinsan. Pupunta na siya dapat sa venue ng kasal ni Bryce ngunit nag-text si Dean sa kanya at nais nga nito makipagkita. Marahil ay kinausap ito ni Teresa para pigilan siya sa kanyang gagawin. “Medyo pero ayos dahil narito naman na ako,” tugon ni Dean. “Dapat doon na lang tayo sa malapit sa opisina para hindi ka na bumiyahe.” “Eh 'di ikaw naman ang nahuli sa lakad mo.” Tama nga siya. Alam ng pinsan niya na may lakad siya ngayon at isang tao lang ang kakilala ni Eloise na magsasabi rito tungkol doon. “Teresa told me and asked me to stop you from attending that wedding.” “Kaya mo ba ako inimbitahan kumain ngayon?” “Do you have to attend that wedding?” Malalim siyang huminga bago tinugon ang tanong ni Dean sa kanya. Pero bago iyon nangyari ay nagsalita na uli ang pinsan niya. “Huwag mo na sagutin. Hindi naman kita mapipigilan na. Let's just eat so you will have an energy to face them later.” Ngumiti si Eloise. “Iba pa 'to sa pangako mong dinner ha?” Dean chuckled softly then nodded. “Come on, let's get inside now.” Pumalakpak si Eloise matapos siya ayain ng pinsan na pumasok na sa loob ng restaurant. Ang nasabing restaurant ang siyang nagse-serve ng pinaka-masarap na steak na lugar na kanilang kinaroroonan ngayon. And Eloise loves steak so much and she can't say no to Dean's offer. At least kaunti na lang ang kakainin niya mamaya sa reception dahil mapaparami siya ng kain ngayon. “Ayos lang naman ang suot ko 'di ba? Hindi naman ma-o-overpower ang damit ng bride.” “You know what Elle, I don't know anything about fashion. Pare-pareho lang naman ang tingin ko sa mga dress na sinusuot niyo.” “Now I understand why you still don't have a girlfriend.” For Eloise, Dean's relationship is still a bit of a mystery. Alam niyang hindi siya dapat magpadala sa closeness nito at ni Teresa. Masyado niyang kilala ang dalawa kaya hindi niya maiwasang kilabutan ng palihim. “Coming from someone who don't have a boyfriend.” Umirap si Eloise bilang gantin sa sinabi ni Dean sa kanya. But what Dean said was true. She don't have a boyfriend right now. Ang mayroon lang siya ngayon ay iyong dadaluhan na kasal kung saan ex-fiancè niya ang groom. At isang estranghero na nakilala sa Paris na naka-one night stand niya. Huminga siya ng malalim ngunit hindi na muna inalis sa isipan iyong tungkol kina Bryce at Ethan. Buong durasyon ng lunch nila ay kung ano-ano ang kanilang pinag-usapan. Mayroong tungkol sa pamilya nila't mga kung ano-ano pang kaganapan na kani-kanilang na-miss. And they almost forgot the time, so Dean drove her to the church where the wedding occurred. Pagkarating nila roon ay ilang beses na huminga ng malalim si Eloise bago nag-alis ng seatbelt. “I can do this,” she chanted and breathed another deep breath. “I'm just around the corner. If you need saving, call me, okay?” Tumango siya't nagpaalam na sa pinsan. Heto na ang moment of truth na ilang araw niya rin pinag-isipan kung pupuntahan nga ba. To be able to close the door of the past, she have to face Bryce and his bride. Kahit maraming nagsabi na huwag na siya dumalo, nagpumilit pa rin siya kaya heto at haharapin na niya ang taong gusto na niya kalimutan upang makapagsimula uli. You have to do this to start all over again, ulit ni Eloise sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD