CHAPTER 06
MATAMANG sinundan ni Ethan si Eloisé na maglakad patungo kung saan. Oo tinanong niya ito kung gusto ba nito na umalis na at pumayag naman ang dalaga. But they don't know where to go. Manila is not Paris. And Ethan must say that it is safer for someone drunk like Eloisé to walk there than here. Mabuti at siya ang kasama nito ngayon, hindi ibang lalaki na mapanamantala.
Bahagya siya naalarma ng basta na lang itong tumawid na hindi 'man lang tumitingin kung puwede na ba tumawid. Mabilis niya itong dinaluhan at pinahinto iyong sasakyan na muntikan na bumangga rito.
“Ano ba ang ginagawa mo?” galit niyang tanong. “You could've be hit.”
“S-sorry. . .” Lumayo si Eloisé sa kanya at saka yumukod pansuporta sa paghingi nito ng tawad. Malalim siyang huminga at masuyo itong hinila pabalik sa pedestrian lane. “O-okay na ako. I called my cousin and he will pick up in a few minutes. Puwede ka na umalis.”
“Hihintayin ko na iyong pinsan mo na dumating. I cannot just leave you here. Muntik ka na masagasaan kanina, Eloisé.”
“I know.”
“You know? Parang hindi. Ano ba kasi tumatakbo sa isip mo ngayon?”
“Wala.” Ethan is not convinced. There's something on in Eloisé's mind, and she can't admit it's about the wedding. “I want to be alone. Iwan mo na ako rito.”
“No. I won't go anywhere.”
“Bahala ka diyan!”
Kumurap-kurap siya nang parang bata na umarte si Eloisé. She's crying as if someone steal her favorite candy. Naging dahilan iyon para pagtinginan silang dalawa ng mga taong dumaraan. Naka-ilang palit na rin ang kulay pula at berde na signal light sa kinatatayuan nilang pedestrian lane.
“Eloisé!” sigaw na agad na nagpalingon kay Ethan. Mula sa isang sasakyan na nakahinto ay patakbong lumapit sa kanila ang isang lalaki. Sa tantya ni Ethan ay halos kaedad niya lang ito at magkasingtaas din silang dalawa. “What happened? Are you drunk? Oh -”
“Uwi na tayo,” narinig niyang sabi ni Eloisé saka sisinghot-singhot na lumakad palayo sa kanya. “Bilisan mo, Dean!” sigaw pa nito.
Napagtanto ni Ethan na itong lalaki ang sinasabi ni Eloisé na pinsang susundo rito. Tumingin siya sa lalaki at tila walang kaide-ideya sa nangyayari kay Eloisé ngayon. Maging siya rin naman dahil ayos naman ito kanina bago sila umalis sa venue ng reception. Then she absent mindly crossed the road a while, making all the driver yelled at them.
“Take care of her,” bilin niya sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit pa nabanggit iyon gayong magpinsan naman ang dalawa. “Make sure she will drink more water after throwing up. Cook something hot to ease it and give her medicine for headache.”
Iyon lang at tumalikod na siya. Hindi alam ni Ethan kung saan siya tutungo ngayon. Kung sa hotel, kukulitin lang siya ni Uno dahil bigla na naman siyang nawala ngayon. Kung sa bahay naman ng tiyahin, kukulitin naman siya nito tungkol sa pag-aasawa. Naisip ni Ethan na sa Cebu talaga ang pinaka-payapang lugar para sa kanya.
There, he's at peace. But the one who flutters his heart is here in Manila. Is it enough reason for him to stay?
“HINDI na talaga ako iinom kahit na kailan!” That made Dean laugh aloud. Kaya naman tiningnan niya nang masama ang pinsan. Kalalabas lang niya sa banyo na kung saan siya nagkulong halos isang oras dahil walang humpay na pagsuka. Nanlalambot na siya kaya halos gapangin na niya ang kinaroroonan ni Dean ngayon na breakfast counter.
“Drink this electrolyte water and medicine for your headache. Tapos ito naman para mainitan iyang tiyan mo.” Muling tumawa si Dean na lalong kinakunot ng kanyang noo. “Saan mo nakilala iyong lalaki kagabi? Kilalang-kilala ka niya.”
Lalong lumalim ang gatla sa kanyang noo matapos marinig ang tanong ni Dean. “Lalaki? Am I with a man last night?”
“Oo. You were crying so I thought he hurt you. But it turned out he's caring for you.” Natigilan si Eloisé. “He's as tall as me and I we're on the same age too.”
“Who's that mystery guy? Gwapo ba?” tanong naman ng isa pang tinig na nagpatindi sa pagkirot ng ulo niya. It's Teresa, her bestfriend who she called to bring some fresh clothes for her. “Gwapo ba, Dean? Answer me because I'm so damn curious!”
“I don't know. But he's a nice guy,” matipid na salita ni Dean saka tumalikod na.
“KJ talaga ng pinsan mo kahit kailan.” Reklamo naman ni Teresa matapos tumalikod ni Dean. “So, who's the guy?”
“I can't remember.” Kinuha ni Eloisé ang bag na dala ni Teresa at inilabas roon iyong phone charger niya. Agad niya iyon sinaksak para i-charge ang kanyang cell phone. Naghintay siya ng ilang minuto bago iyon binukas. “Are you done with the presentations? Naka-book na ba ng ticket papuntang Cebu?”
“Ikaw lang ang may hangover na trababo agad ang inatupag. Wala ka ba 'man lang bang kwento diyan about sa wedding ng ex mo?”
Doon tila pelikulang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Eloisé drunk few glasses of liquor drinks, watched Bryce and her bride dance which she envied in the end. And Ethan escorted her out. . .
They walked far away, and she cried in front of him!
“OH. MY. GOD!” Tili niya na naging dahilan kaya binalikan sila ni Dean. “Oh my God! Patayin mo na lang ako, Tere. Patayin mo na lang ako, please?!”
“Ano ba'ng sinasabi mo diyan?” tanong ni Tere. Hindi siya kumibo at umiling lamang ng ilang ulit. Kaya si Teresa ay binalingan na si Dean at ito naman ang tinanong nang tinanong. “Hoy babae, ano ba kasi ang sinasabi mo?”
“I met him again.”
“Who?”
“The guy from Paris.” Si Teresa naman tumili dahil noong matapos niya iwan si Ethan, dito siya unang nagkwento. Alam ni Teresa lahat kaya si Dean ay iniwan lang silang dalawa nang lumaon. “What am I going to do now?”
“Call him. Makipagkita ka tapos magdate kayo at sex.”
“Buwisit ka talaga kahit kailan!” Akto niyang babatuhin si Teresa ngunit natigil nang tumunog ang kanyang cell phone at numero ni Ethan ang rumehistro sa screen. Muling tumili si Teresa at pinilit siyang sagutin iyon. Ngunit imbis na answer button ang pinindot, iyong reject button ang nahagip.
“Why?” Frustrated na tanong ni Teresa sa kanya.
“I'm not going to entertain him again.” Muling nagtanong si Teresa pero hindi na niya sinagot pa. Desidido na siyang huwag na kitain pa si Ethan uli. . .