Chapter 10

1111 Words
CHAPTER 10 CANDIES na may iba't-ibang kulay ang nilapag ni Ethan sa ibabaw ng lamesa na siyang umagaw sa atensyon ni Eloisé. He heard everything what that Karen-like-woman said to Eloisé a while ago. Nag-umpisa doon sa alok na pera upang bigyan ito ng apong lalaki hanggang sa mga bagay na tungkol sa tunay na ama ng dalaga. At parang mas nasaktan pa siya sa narinig para kay Eloisé. Ethan knows that the past few days were not right for Eloisé. Pagkatapos ay dumagdag pa ang eksena ngayon na hindi naman niya inaasahan na marinig. “I'm not stalking you, okay?” Depensa niya agad nang tumingin ito sa kanya. “It's a coincidence that we're staying in the same condominium building. Ito rin. This is a coincidence, too, and I'm sorry if I eavesdropped. Hindi ko kaya na 'di ka pansinin.” “Busy ka ba ngayon?” Agad na nagtaka si Ethan at ang ebidensya ay iyong kunot sa kanyang noo. “Samahan mo naman ako. Please don't mind what I've said yesterday. I just need a company today.” “Well, it comes with a price then,” he answered after understanding everything. Eloisé evidently needs a company which she'll going throw away the next morning. Pareho silang busy na tao at narito lang naman si Ethan para hiling ni Mrs. Almodal. Pagkatapos ng meeting ay babalik na siya sa Cebu. “I'll wire you the p*****t. Alis na tayo rito,” sambit ni Eloisé at ito pa ang naunang tumayo. Nilikom nito ang candies na binigay niya't nilagay iyon sa bulsa ng coat na suot. What she did made him smile for a second because Eloisé threw him her deadliest glare. Tumayo na si Ethan at sumunod lamang siya kay Eloisé hanggang sa makarating sila sa parking lot. Doon ay sinalubong ito ng dalawang lalaki na base sa itsura ay mga bodyguard na nagmula sa isang private company. Hawig lamang sila noong mga nasa Malacañang ngunit nasisiguro ni Ethan na iba ang mga ito. “What are you? A princess?” Sunod-sunod niyang tanong dito. Napansin na rin niya noong gabi na magkasama sila ay may nakasunos sa kanilang dalawa at pati kahapon. “Only those in the high position have those uniformed personnel.” “My family is in the high position. I am a De Luna by name, not by blood.” Narinig niya na iyon kanina nang banggitin noong ginang na kausap nito. “Let's use your car. Susunod sila sa atin kahit saan tayo magpunta. Don't try to loose them or they will file a report.” “For k********g you in broad daylight?” Tumango si Eloisé. “Mukha ba akong kidnapper?” Eloisé's smile a bit. “Tsismosong kidnapper lang,” anito saka sumakay na sa kanyang sasakyan. “Punta tayo sa lugar na tahimik, mahangin at may puno.” Iyon ang sabi ni Eloisé sa kanya nang makasakay na siya sa sasakyan. Isa lang ang pumasok sa isipan ni Ethan at alam niyang magtataka si Eloisé kapag narating na nila iyon. Gayumpaman ay tumuloy pa rin siya at bahala na lang sa magiging reaksyon nito mamaya. Ang mahalaga ay nadala niya ito sa lugar na nais puntahan kahit nasa gitna sila nagtataasan na mga building ng kamaynilaan. . . SEMENTERYO. Iyon ang kinaroroonan nilang dalawa ni Ethan ngayon. Nakaupo siya sa upuang nasa ilalim ng punong nakatayo sa tapat ng isang puntod na katatapos lamang tirikan ng kandila ni Ethan. Tumayo ito at tahimik na tumabi sa kanya. Sandali silang nasa gano'ng ayos dalawa hanggang sa balingan niya ito't nagawa humalukipkip sa harap nito. “What?” he asked, facing her too, trying to compete with how she stared at him. But he lost, and Eloise won in the end. “Sabi mo kanina, gusto mo sa lugar na tahimik, mahangin at may puno. Here we are, and I have fulfilled all your requests.” “Bakit sa sementeryo? Saka hindi mo pa nga yata kamag-anak itong nasa harapan natin.” “He's my college professor.” Maang siyang tumingin sa binata. “Tingin ko mas makakapag-isip ka rito kaysa naman sa ibang lugar. Dito wala halos katao-katao. Tayo lang saka iyong apat mo na minion.” Bigla tumawa si Eloisé na bandang huli ay kinagulat niya rin. She supposed to be internalizing whatever happened a while ago. Dapat ay nag-iisip na rin siya ng eksplanasyon sa kanyang mamita dahil siguradong galit ito. “I know you heard everything a while. Given na mas nauna ka pa sa akin doon.” “I can forget whatever I heard there if you want.” “Ayos lang. Sigurado naman ako na hindi lang siya ang may alam ng katotohanan na iyon tungkol sa akin.” Ang buong akala niya'y nanatiling nakatago sa kaalaman ng lahat ang tungkol sa kanyang ama. Inside their household, they never talked about it. Noong nasa edad dose siya, natatandaan ni Eloisé na binisita sila ng pamilya ng kanyang ama. She heard no words from her mom. Ang Daddy Elijah naman niya ang kumausap sa mga ito at siyang sumama rin sa kanya noong hilingin na makita siya. “As long as your adoptive father do not treat you strangely, you'll remained a De Luna, Eloisé. Marami na ako naririnig na balita tungkol sa kanila. And none of those news pointed out their cruelty. I guess, the news were true.” Habang lumalaki si Eloisé, maraming bagay siyang niyakap at gano'n din ang kanyang ina. Hindi naman kasi simpleng tao lang ang kanyang Daddy Elijah. John Elijah De Luna is a lawyer by profession, a businessman, and a philanthropist. Idagdag pa na konektado sila sa dating unang pamilya ng bansa. “Why are you always like this?” “Like what?” “Uhm, nice. You're always nice to me. Kahit sinusungitan kita at kahapon lang hindi ba't sinabi ko na huwag mo na ako pansinin?” Huminga ng malalim si Ethan bago nagsalita. “Gaya nga ng sabi ko, hindi ko kaya na iwasan ka. You challenge me by being yourself.” “Ano na namang nakaka-challenge sa pagiging ako?” Mas lalo itong humarap sa kanya. “I never met a woman who knows how to be herself wherever she goes. Ikaw pa lang ang nakikilala ko na gano'n. You wear your emotions on your sleeves and you're unique.” Nanatili siyang nakatitig lamang kay Ethan habang pino-proseso ang mga sinabi nito. Hindi pa 'man niya nagagawang intindihin ang naunang nasabi nito'y agad iyong nasundan. “I want to be your friend. Let's see where this road lead us both, Eloisé. . .”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD