CHAPTER 09
“HE'S a catch, Eloisé! Bakit binasted mo pa?” Huminto sa pagtakbo si Eloisé matapos marinig ang sinabi na iyon ni Teresa sa kabilang linya.
“Have you seen him?” Balik tanong niya kay Teresa.
“Uhm. . . sa online. He's kinda sikat at galing din sa Cebu!” Eloisé eyes rolled. “Reconcile with him, Elle. Try mo lang at wala naman mawawala. Single ka naman at gano'n din siya.”
“Gaano ka kasigurado na single siya?”
“Ha? Basta. . . alam ko na single siya.” Malalim siyang huminga at hindi na pinansin ang mga sinasabi pa ni Teresa hanggang sa mag-give up na ito at tapusin ang kanilang pag-uusap dalawa. Nagkasundo sila na sa opisina na lang magchikahan mamaya.
Pagkatapos mawala ng sakit ng ulo niya, ang pagtakbo ang siyang naisipan na gawin ni Eloisé. Eloisé was convinced that she's in bad shape now. Puro na lang kasi siya trabaho sa araw-araw na ginawa ng Diyos. At sa darating na weekend nga ay magta-trabaho pa siya kasama ang kaibigang kausap ngayon sa kabilang linya.
Since six o'clock, Eloisé is running from her condominium unit to the nearest museum there. Tumakbo pa siya uli ng isang kilometro mula sa museum at ngayon ay pabalik na siya sa tinitirhan. Handa na siyang i-conquer ang araw ngayon na walang inaalalang iba. She already made everything clear to Ethan and is hoping not to see him again.
“Gabby, could you check if there's a package for me when you arrive later? Mas mauuna ka kaya makikisuyo lang ako.” Naglalakad na siya sa lobby at kausap naman niya si Gabby na unang tumawag sa kanya.
“Sure.” Matipid nitong sagot.
“Bakit ka pala tumawag? Hindi ako sanay na nauuna ka tumawag.”
“Wala naman. After our event in Cebu, may pupuntahan kami ni Leslie na speed dating event. Gusto mo bang sumama?”
That's the reason why she called early? Malalim siyang huminga bago nagsalita. “I'm fine being single. I appreciate your concerns, but I'm fine. I'm still breathing.”
“Subukan mo lang. I'll send you the invitation and when you feel like attending, use it, okay?” Gusto matawa ni Eloisé ngunit pinigilan na lamang niya ang sarili. “Just try it, Elle. Walang mawawala. You're still the best event coordinator in the world.”
“Pag-iisipan ko muna. Basta iyong bilin ko. The package is quite important to me.”
“All right. See you later!”
“See you,” she answered back and ended the call. Hindi pa 'man niya napipindot ang elevator button ay nagtext na si Gabby at iyon na iyong invitation sa isang blind dating event na nasabi nito kanina. “I'm not that desperate to bite this,” bulong niya't aktong pipindutin na ang elevator ngunit may nauna na gumawa noon.
“Going up?” tanong na agad nagpalingon sa kanya.
“Ethan?”
“Oh. . . Hi!”
Naalala niya ang nasabi rito nang nagdaang gabi. Nasabi niyang huwag na siya nito pansinin pero heto't pinansin pa rin nila ang isa't-isa. But it's just a simple greetings which a bit cold. Mabuti at bumukas na ang elevator. Pinauna siya nito pumasok sa loob at sumunod din naman ito.
None of them dared to talk until Ethan come out first. Hindi ito nagsalita at tuloy-tuloy na lumabas. Wala rin lingon-likod na tinapon sa kanya kaya 'di niya maiwasang makaramdam ng kakaiba.
Why did she felt that way? Ano'ng ibig sabihin noon?
Huminga siya nang malalim saka pinalis iyong kaisipan panumandali sa kanyang isip. May mas importanteng bagay pa siyang kailangan na isip ngayon.
Iyon ang blind date schedule na kagagawan ng kanyang mamita. . .
“I HEARD that you live in Paris for a year. What made you decide to comeback here?” Iyon mataas na cost of living allowance, tugon niya sa isip na hindi niya nagawa isatinig. Pero isa lamang iyon sa dahilan kaya siya bumalik ng Pilipinas. And Eloisé will never share that information to a stranger like Zeus.
Si Zeus ay anak ng isang multi-millionaire businesswoman na siyang nagpatayo ng isang sikat na telecommunications company. Ayon sa nabasa niya sa profile nito na sinend sa kanya ng assistant ng kanyang Mamita Cali, engineering graduate ito ngunit hindi iyon ang trabaho. Zeus is into stock exchange and cypto investments kaya nga sa harapan nito'y may dalawang tablet na puro ang lamang ang nakikita.
Bagay na hindi maintindihan ni Eloisé. How come that it became a proper job? Hindi naman sa minamaliit niya ito pero alam ni Eloisé may risks ang ginagawa ni Zeus. He could be bankrupt in a snap of a finger. Puwede rin itong ma-scam kaya nakakatakot iyong ginagawa nito para sa kanya.
“I guess, I like it here more,” iyon ang sagot niya na iba sa kung ano'ng nasa kanyang isipan. Si Eloisé naman ang tumingin sa kanyang cell phone at sa screen ay rumehistro ang pangalan ni Teresa. “Mukhang hinahanap na ako sa opisina namin.” Umisod siya't hinawakan na ang hand bag nasa ibabaw ng lamesa saka tumayo. “Sa susunod na lang siguro tayo -”
“Maupo ka, hija,” sambit ng tinig ng isang ginang na bigla na lang umupo sa bakanteng silya katabi ni Zeus. Bumalik naman siya sa pagkakaupo at sinundan ng tingin ang ginang hanggang sa mailabas nito ang isang passbook. “That bank account has more than five million and it's yours. Ang kailangan mo lang gawin ay bigya ako ng apong lalaki.”
Eloisé heard Zeus trying to stop the woman by calling her mom. Nanay pala ng ka-date niya itong babae sa kanyang harapan. Para apong lalaki, handa siya nitong bigyan ng higit pa sa limang million?
“I know na hindi ka isang De Luna by blood. You have a different father yet you're intelligent, talented and beautiful. I love the shades of your eyes and your hair which is naturally blonde. You have a good job too and a well established name in the industry. Wala na akong pakialam sa ibang detalye as long as hindi ka gaya ng tatay mo. Alam ko naman na napalaki ka ng maayos ni Atty. De Luna kaya ayos na ako roon.”
Malalim siyang huminga. Ang dami nitong sinabi ngunit mas nag focus siya sa sinabi nito tungkol sa kanyang tunay na ama. Ano'ng nalalaman nito tungkol sa kanyang tunay na ama? Did she stalked her?
“What do you know about my father?” tanong niya.
“That he's an obssessed and an abusive man who tried to kill your mom. Everyone knows that especially in Cebu.” Tila may matinis na tunog na dumaan sa mga tainga ni Eloisé. For a second, everything went blank and when she comes back, she glared at Zeus' mom. “How dare you to glared at me?”
“I guess, I'm just like him. I think I might kill someone now. Ayaw niyo naman siguro na mabahiran ng dugong kriminal ang magiging apo niyo, hindi ba?”
Zeus' mom gasps loudly and the she stood up. Inis na inis itong tumayo at marahas pa na kinuha ang passbook na nasa lamesa. Umalis ito at mabilis naman na sinundan ni Zeus. Parehong hindi na nagpaalam sa kanya ang mga ito at wala naman iyong kaso sa kanya.
Ngayon, ang kailangan na lang gawin ay isipin kung ano'ng ipapaliwanag sa kanyang lola.
What a disaster. . . sa isip-isip ni Eloisé saka huminga ng malalim.