Chapter 07

1143 Words
CHAPTER 07 FROM the wedding venue, Ethan brought Eloisé in a place where she can shout and go crazy. Ang dahilan? Iyon ay hindi pa rin malinaw kay Ethan. Basta pumayag lang siya na samahan ang dalaga at intindihin kung ano 'man ang pinagdadaanan nito ngayon. "I am curious. . ." simula niya at siyang dahilan kaya lumingon sa kanya si Eloisé. They're walking side by side in a garden-like pathway. Parang isang maze iyon na kalimitang nakikita lamang sa ibang bansa. Maganda ang hotel na kanilang kinaroroonan at isa nga iyong pupuntahan nila na kung saan ay maaari silang mag-ingay. "Saan ka curious?" tanong ni Eloisé sa kanya. "Bakit ka nag-attend ng kasal ni Bryce?" "You know Bryce? Are you a classmate?" Umiling si Ethan. "A blockmate? Kilala ko lahat ng kaibigan ng mokong na iyon and I saw them earlier." Eloisé scoffed. "Hindi nila ako binati at hindi nila inasahan na pupunta ako ngayon. Grabe, halata sa kanila na awang-awa sila sa akin kanina. Naawa na rin ako tuloy sa sarili ko." Alam ni Ethan na maraming kwento sa likod ng relasyon nina Bryce at Eloise. Pero wala sa wisyo ang kasama niya ngayon at halatang dala ng pagkalasing ang dahilan ng pagiging madaldal nito ngayon. "So, why did you attend?" tanong niya. "He invited me over a phone call. Sabi niya pumayag si Jeanine and they both happy to see me. Bryce and I were friends first before the relationship." Huminto si Eloisé sa paglalakad. "Paano mo nga nakilala si Bryce?" Huminga si Ethan nang malalim bago sumagot. "I'm his now wife's cousin. That's the only connection I have with him." "Okay." Hindi siya makapaniwalang tumingin sa dalaga. "What? It's not like I ruined their wedding today. Ang behave ko kaya kahit hindi masarap iyong mga pagkain." Hindi niya maiwasang matawa dahil sa sinabi ni Eloisé. "I just thought I will be okay seeing Bryce marrying another woman. Pero hindi pala. Naiinggit ako at naiinis sa aking sarili. Why did I let him go? Why did I chose my career over the comfortable life he offered?" Hindi alam ni Ethan ang dapat na isagot niya. Dapat ba niya na sagutin ang rants ni Eloisé? Parang lalabas na kakampihan niya ito kaysa sa pinsan niyang masaya na ngayon kay Bryce. O hindi naman dahil wala pa nga siya sinasabi na payo o kahit tugon sa mga nasabi nito. "You just did what you know was the best yourself, Eloisé." "Hindi ko naman puwedeng pakasalan ang trabaho ko." Pinigilan ni Ethan na matawa. Seryoso kasi masyado ang pagkakasabi ni Eloisé pero para sa kanya ay nakakatawa iyon. "Huwag ka na magpigil. Tumawa ka na. In their head I know they're laughing at me." "Importante ba sayo kung ano ang iniisip ng iba sa ginawa mo ngayon?" "What would you think seeing me at my ex-fiancé's wedding?" Natahimik si Ethan. Gaya kanina, wala siyang maisip na isasagot sa dalaga na maayos. Iyon ang unang beses na napatigil siya't nag-isip ng sasabihin. Ethan is usually that opinionated, making all his colleague hates him always. "Tingnan mo natahimik ka bigla diyan. Nasaan na ba iyong sinasabi mo na lugar?" Lumunok si Ethan saka tinuro iyong lugar na sinasabi niya kay Eloisé. Nauna itong lumakad kaya nagsalita na siya. "Teka hintayin mo ako!" Pagpasok sa loob, may staff na sumalubong sa kanila at nagpaliwanag kung para saan ba iyong lugar na kanilang kinaroroonan ngayon. Ethan knew it but he chose to listen as Eloisé did. Nang matapos ang paliwanagan, sumalang na agad si Eloisé habang si Ethan naman ay nanood lang sa ginagawa nito. Ethan witnessed how hurt Eloisé was that moment she started throwing plates to the wall one by one. He also sensed disappointments and hatred towards herself. And that scene reminds Ethan of himself few years back. Naransanan na niya masaktan noon gaya nang nangyayari kay Eloisé. Ang kaibahan lang nila, ito ang nang-iwan para sa career habang si Ethan naman iyong iniwanan at 'di pinili. He proposed but the woman said no, telling him that it's not his fault. Kaninong kasalanan nga ba ang iyong dahilan na nagbago ang isang tao't nagising na wala na iyong pagmamahal gaya dati? It's a million-dollar question that he still has no answer to tell up until now. Ethan walked towards Eloisé's spot and stopped her from throwing plates. Walang ano-ano'y niyakap niya ito at sinubukang patahanin. Even after a year, Eloisé's still hurting, and Ethan couldn't think of a physical cure for it. Because, in his case, time healed it. That's what Eloisé needs. She needs time to process everything and eventually heal at her own pace. "Let's go somewhere else," he said, gently pulling Eloisé away from the plates. . . Present time. . . "MA'AM, kukunin mo ba ito lahat?" tanong na narinig naman ni Eloise ngunit nanatili siyang nakakulong sa mga pangyayari ng nagdaang gabi. Hanggang ngayon ay 'di siya makapaniwala na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng isang gabi. At mas hindi kapani-paniwala ay iyong mala-tadhanang pagkikita nila ulit ni Ethan. Fucked destiny, Eloisé said at the back of her mind. Kung hindi pa kumatok iyong nagtatanong sa kanya ay hindi siya magigising. "Mahaba na iyong pila, ma'am. Sana mamaya na kayo nag-daydream." That made her looked behind. Tama naman ang kahera, mahaba na nga ang pila kaya agad niya nilabas ang kanyang wallet. She's at the nearest convenience store, buying food she wanted to eat than the heavy once. "Ma'am, wala kami card terminal ngayon. I-cash mo na lang." Hangga't maari ay ayaw niya patulan iyong kahera pero sinusubok nito ang kanyang pasensya talaga. Kung makapag-komento pa ito ay parang kilalang-kilala siya. Para bang hindi ito naturuan kung paano makitungo sa mga customer. Sasagot na dapat siya ngunit may biglang pumagitna sa kanila at nilagay iyong pinamili katabi ng kanya. "Isabay mo na 'to. I will pay for everything," anang lalaking biglang umeksena na walang iba kung 'di si Ethan. Tumingin ito sa kanya saka kumindat. That made her breathed deeply and exhaled in exxagerated way. Tumalikod siya't iniwan ito bigla na hindi 'man kinukuha ang mga pinamili. Sa labas na sila uli nagkita ni Ethan at inabot nito sa kanya ang kanyang binili na walang pag-aalinlangan niya tinanggap. "I-text mo na lang iyong bank account mo para ma-transfer ko ang bayad." Hinilot niya ang kanyang sentido nang kumirot iyon. "Aalis na ako." "Hindi ka ba uminom ng gamot?" tanong nito sa kanya. "What?" Eloisé's head is killing her right now. Para rin siyang nabibingi kaya imbis na sagutin si Ethan ay muli niya lang itong tinalikuran. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya lumingon kahit pa tinatawag siya ng binata. Wala siyang lakas na makipag-usap dito at napagdesisyunan na niyang 'di na ito kakausapin pa. Hindi niya nga maintindihan bakit nagkita pa sila ngayon. Bakit nga ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD