Chapter 03

1304 Words
CHAPTER 03 “TAKE ME. . .” Nahigit ni Ethan ang kanyang paghinga matapos tila pelikulang bumalik sa kanyang alaala iyong eksena sa pagitan nila ni Eloise. Nang tumingin siya sa mga kasama ay napansin niyang nalipat sa kanya ang atensyon ng mga ito pati ng kanilang kliyente. “I'm sorry. I'm a little pre-occupied right now.” As a matter of fact, that one crazy retained on his mind up until even if it's has been a year. Isang dahilan kung bakit naglakas loob na siyang i-contact si Eloise matapos ang isang taon na contemplation. The scene is still fresh, as if it happened yesterday. Ethan remembers everything about Eloise that night - from her hair and scent to her soft skin and luscious lips, too! Paano naman niya magagawang kalimutan ang minsang naging kanya? It's hard. Kaya kahit isang taon na ang lumipas, heto siya't umaasa na babalikan ni Eloise ang kanyang voice message. “It's okay, Ethan, but I don't want this,” said the voice, successfully bringing him back to reality. “No offense meant to your young architects, ha; I like the design. It's just that hindi ko makita rito iyong pinag-usapan natin a year ago. You promised not to tear down the whole house. Sayang naman iyong memories doon noong mga bata kami.” Tumingin si Ethan sa mga kasama niyang batang arkitek na katulong niya sa pagdi-disenyo ng bahay ni Mrs. Almodal. Nakayuko ang mga ito na para bang may nagawang malaking kasalanan sa kanya kahit wala naman talaga. “I'll re-do the designs and maybe we can meet again for your approval in two weeks?” “I like that. Call whenever you're ready, okay?” “Absolutely.” Pagkasagot ni Ethan ay umalis na agad si Mrs. Almodal. Kaya isa-isa na nag-angat ng tingin ang mga kasama niya dahilan upang pagbalingan niya ang mga ito. “Wala kayong babaguhin sa design. Don't worry too much, okay? Wala naman kayong maling ginawa.” “Pero Architect, hindi na naman niya tatanggapin iyan,” sagot ni Amber sa kanya. “Akong bahala,” he said and winks at them. Tumayo siya't dinukot ang wallet sa kanyang bulsa saka naglabas ng pera at nilapag iyon sa lamesa. “May pupuntahan lang ako. Pagka-send niyo sa akin ng design, puwede na kayo bumalik sa hotel natin.” With the help of Ethan's charms and warm smile, scoring clients - especially the ladies - is not that hard. Kahit wala pa ngang bidding na nagaganap ay sa kanya na binibigay ang mga proyekto. Ethan's office based on Cebu. Asset ang turing sa kanya ng mga business partners niya kaya siya ang madalas na nasa galaan ngayon. Palabas na siya ng restaurant kung saan nila kinita si Mrs. Almodal nang tumunog ang kanyang cell phone. Sa screen rumehistro ang pangalan ng kanyang pinsan na si Jeanine. “Hey, what's up?” tanong niya sa pinsang nasa kabilang linya. “Nasa Manila ka na ba? Hindi puwedeng wala ka bukas.” Ngumiti siya nang ipaalala nito ang event bukas. “You have to walk me down the aisle with Mama, Ethan.” “I know. I know. And yes, I am in Manila now. Actually, I'm heading there. So, see you in twenty?” “See you and drive safely,” tugon nito na nagpa-angat sa kanyang tingin at agad na natuon iyon isang LED billboard na nagflash ng mukha ni Eloise. “I will.” A boy-next-door smile flashed on his face, making the woman entering the restaurant he was about to leave smile, too. But that didn't catch Ethan's attention. Yes, he saw it, but in his mind, the woman was not worth his precious time. And he already has someone in his head now. A some who never left his mind since the day they met in Paris, France. “AFTER ng trip ni Ethan sa Paris, he's a complete different person in some point. But he's still the Ethan we know with the charms and warm smile.” Malalim na huminga si Ethan matapos marinig ang sinabi na iyon ni Jeanine. Nasa labas siya ng hotel suite nito ngayon pero dahil sa manipis na pader, nagawa niyang marinig ang usapan sa loob. “People change, sister. May karapatan naman magbago si Ethan saka baka nakatulong iyong trip niya sa Paris.” Iyon naman ang tila ekspertong pagtatanggol ni Uno sa kanya na siyang naglagay ng ngiti sa kanyang labi. “OA ka lang at baka nililipat mo lang kay Ethan ang kaba mo.” “I'm not nervous, duh?!” Iyon na ang cue ni Ethan na pumasok sa loob at sumali sa kaguluhang usapan ng mga pinsan niya. “Oh? You're here, finally! Sabi mo twenty minutes lang?” Nagkibit balikat siya saka nagsalita. “Manila traffic sucks, cousin,” aniya saka binalingan si Uno. “What's up?” tanong niya. “Same old, same old, Ethan.” Uno and Ethan did their secret handshake which is hard for Jeanine to do and understand the meaning. “Ikaw ang magkwento kung ano nangyari sa Paris. Itong kapatid ko nag-o-OA kasi nagbago ka na daw.” Tumingin siya kay Jeanine at umirap naman ito sa kanya. Muli niyang binalingan si Uno saka nagsalita. “I think I fell in love when I was there and I'm busy with my business.” “Mas paniniwalaan ko iyong busy ka sa business. Your architectural firm is booming, man!” ani Uno. “I second that too,” sambit naman ni Jeanine. “Where is our cousin?” Hinampas ng dalaga ang braso niya na dahilan upang matawa siya. “Chill guys, it's still me, okay?” Hindi naman niya nakumbinsi ang dalawa kahit kumindat pa siya sa mga ito. Ethan groaned out of frustration. “Jeanine, you're the star of the night and tomorrow. Are you ready?” Hindi nakaligtas sa mata ni Ethan ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Jeanine. He knows that kind of look. Ngunit pinili niyang huwag itong pangunahan at hayaan na kusang magkwento sa kanila ni Uno. “Did he cheat?” seryosong tanong ni Uno sa kapatid. “Hindi. Nagbago na siya. Alam mo iyon, Uno.” “So, what's the meaning of that emotion?” sabat niya. Sandaling nanahimik si Jeanine kaya naman nilapitan niya ito saka inakbayan. “Don't let your cold feet stop you from being happy. It's your day and Uno and I already talked to Bryce. We got your back even after you say I do, hmm?” Ngumiti si Jeanine saka nakipag-feast bump sa kanya. Gano'n din ang ginawa ni Jeanine sa kapatid nito. Maya-maya pa ay nagdesisyon silang tatlo na simulan na ang kanilang simpleng salo-salo kasama ng mga magulang nila. Mas marami pa silang napagkwentohan habang nakain at ilan lamang iyon sa mga hindi nagawa ni Ethan nang matagal na panahon. Halos patapos na sila kumain nang magpaalam siya na magbanyo. Sumama sa kanya si Uno at inasahan na niyang marami sa mga customer ang lilingon sa kanilang dalawa. But only Uno paid attention which is got noticed by his cousin. “What's wrong with you, Ethan?” tanong nito sa kanya. “How much do you know about the De Lunas?” Balik tanong niya imbis na sagutin ang tanong nito. Sandaling nag-isip si Uno bago sumagot. “They're family of doctors, politicians, lawyers and law enforcers.” Kumunot ang noo ni Ethan. Parang hindi naman nabanggit ang propesyon ni Eloise na alam niya. “May mga negosyo rin sila at ilang sikat na artista saka modelo. Basta nasa kanila na ang lahat.” “She's right then. She has a handful family.” “Who?” Tumingin siya sa pinsan. “The one who stole my heart, Uno. . .”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD