CHAPTER FIFTEEN
“ETHAN, do you like your job?” tanong na siyang namutawi sa bibig ni Eloisé matapos nito makuha ang kanilang order.
Mula sa restaurant ng pinsan niyang si Dean ay umikot sila buong Cordova. Nagawa nilang bisitahin iyong pamosong 10,000 Roses at ginawa niyang photographer si Ethan doon. Kumain at tumambay sila sa nasabing lugar pagkatapos kumuha ng maraming larawan.
Ngayon ay nasa sea side restaurant sila ng Ninang Georgina niya't inaabangan na ma-i-serve ang kanilang order.
“Sakto lang,” tugon ni Ethan sa kanya. Nakita niyang binalingan nito iyong tissue paper at tinupi-tupi.
Ano ba naman iyong sagot niya, walang ka-latoy-latoy, aniya sa isipan.
Naisipan niya itanong kung gusto ba nito ang kasalukuyang trabaho para lang may mapag-usapan silang dalawa. Naubos na nila ang puwedeng mapag-usapan sa tagal ba naman nilang magkasama sa daan kanina. And now the day is about conclude and they're just having some fine dinner.
“Ang tipid mo naman sumagot.” Hindi napigilan ni Eloisé na sabihin na iyong sumagi sa kanyang isip matapos marinig ang tugon ni Ethan.
“Well, being an architect was my parents' dream, not mine. They just saw me when I was a teenager building legos. Ayon nasabi na nila na magiging arkitek ako at nangyari naman.”
“What do you want to be talaga?”
“Photographer.” Agad na tumango si Eloisé. Kaya naman pala magaling ito kumuha ng mga litrato na siyang napansin ni Eloisé kanina lang. “Napapagsabay ko naman. Iyon nga lang, hobby ko lang iyong bagay na gusto ko talaga gawin.”
“The firm was yours?”
“Yes. I used the generational wealth I inherit to opened a business which was close to my profession. Side hustles ko lang itong pagiginv photographer.” Inabot ni Ethan iyong naitupi niyang papel sa akin saka ngumiti. The folded paper turns out to be a rose. “How about you, Eloisé? Do you like your job?”
“Sobra at nagawa ko pa nga piliin ito kaysa ang makasal sa ex-fiancé ko.”
“Nagsisi ka ba na ipinagpalit mo siya sa trabaho mo sa Paris?”
“Yes.” Walang ideya si Eloisé kung saan niya nahugot ang lakas ng loob na aminin kay Ethan ang bagay na iyon. “We're happy noong narito pa ako sa Pilipinas. But not until Paris entered the picture and I became too ambitious.” Eloisé scoffed. “Bakit ko ba ito sinasabi sa 'yo? Pinsan mo pa naman ang pinakasalan ni Bryce.”
“It's fine, Eloisé. I'm actually thankful that you chosen Paris. Hindi tayo magkakakilala kung nanatili ka rito.”
“Ang korni. . . ay ayan na ang order natin.” Lumapit sa kanila iyong waiter at isa-isa na nilapag ang kanilang napiling kainin. “Try their kare-kare, it's savory. My ninang cooked it personally.” Lumingon si Eloisé saka kumaway sa kanyang ninang Georgina.
“Why didn't we know each when you knew everyone?” Tumingin siya kay Ethan matapos marinig ang tanong nito.
“Baka naman wala ka rito noong lumalaki ako. My mom's a businesswoman. She's everywhere, selling her products.”
“What products?”
“Body soap, perfumes, hand wash.” Proud na proud si Eloisé sa kanyang ina lalo't naitaguyod siya nito mag-isa gamit ang sariling talento. “The one that I am endorsing on TV.”
“Ah!”
Natawa siya sa reaksyon ni Ethan nang maalala kung saang commercial siya lumabas. “Kumain ka na nga. Hati tayo sa bayad.”
“Mas malaki kita mo sa akin -”
“Malaki rin naman kita mo.”
“Fine. Hati tayo sa bayad.”
Eloisé smiled as well as Ethan. Gano'ng kadali lamang sila nagkaintindihan dalawa. But she felt unwanted feelings she chose to hide. Bahala na kung saan sila dalhin ni Ethan.
KINABUKASAN, sa café ulit ni Dean tumambay si Eloisé. Ngunit 'di gaya kahapon na wala siyang dala na kahit bukod sa cell phone at wallet, ngayon ay may bitbit na siyang laptop. Eloisé opened Ethan's email where the revise plans is attached. Ibinukas niya iyon at matamang hinanap ang mga pinagbago mula sa nauna.
“Is that the mall design?” tanong ni Dean saka nilapag ang in-order niyang almusal. “Your architect is really talented, huh?”
“Kaibigan ko lang siya. But right now, I'm his client,” giit niya. “He's not mine, okay?” Pinabulaanan niya sinabi ni Dean na naging dahilan lang ng pagtawa nito. “Bakit ka pala narito? You should be in Manila, right?”
“Mamaya pa ako uuwi and I already talked to my mom, okay?”
“Nako, tatawag na naman si tita kapag hindi ka umuwi ngayon.” Agad na nalukot ang mukha ni Dean matapos marinig ang sinabi niya. Niniwala siyang hindi mama's boy si Dean pero sobrang lapit nito sa ina. Gaya lang iyon sa kanyang mga kapatid. Gano'n yata talaga at siya babae ay malapit sa kanyang ama. “Dad?” aniya nang makita ang kanyang tatay na pumasok sa café ni Dean.
“Ang aga mo rito,” sabi ng kanyang ama saka binati si Dean. “I thought you're on a vacation?”
“I'm just checking the revised plan and it's okay na. Do you want to see it?”
“Hmm, maybe later. May tiwala naman ako sa nakuha nating arkitek. Idagdag pa na kaibigan mo siya kaya kampante na ako.” Narinig niyang tumawa si Dean kaya naman sinungitan niya ang pinsan. “Samahan mo ako ngayon. May pupuntahan tayong isla.”
Tila nagliwanag ang kanyang mga mata nang marinig na aalis silang mag-ama.
“Do you want to come with us, Dean?” tanong ng tatay niya kay Dean.
“I want but mom asked me to go home,” tugon ni Dean na nagpatikom sa kanyang bibig. Eloisé tried her best not to laugh but Dean got her and messed her hair. “Si Architect na lang po isama niyo, uncle,” tukoy ni Dean sa kapapasok lang na si Ethan sa café.
“Good morning!” Masiglang bati ni Ethan sa kanilang lahat. Nakita niyang pasimple itong kumindat sa kanya na tinugon din naman niya pasimpleng irap.
Kagabi nang ihatid siya nito'y naabutan sila ng kanyang lolo sa labas. Iyong dapat na aalis na si Ethan ay tumagal pa dahil sa mga kwento ng kanyang lolo. Napakarami pa naman kung mag-kwento ng kanyang lolo at hindi lang ito ang nakaranas noon kung marami na kasama na iyong mga katrabaho ni Eloisé.
“Are you busy today, architect?” narinig niyang tanong ng kanyang ama kay Ethan.
“I have two afternoon meetings to attend, sir,” napahinga nang maluwag si Eloisé dahil ibig sabihin noon ay 'di ito sasama sa kanilang mag-ama. “I'm free this morning though.”
Tila binagsakan ng mundo si Eloisé pagkarinig sa sinabi ni Ethan. Kung puwede lang talaga niya ito batukan ay ginawa na niya. Kaso malayo ito at nasa pagitan nila ang kanyang pinsan at tatay. Nakadagdag pa sa inis na kanyang nararamdaman ang ngisi nitong nakakaloko na para bang nay gusto ipahiwatig sa kanya.
Bakit naman kasi ang dali kausap nitong si Ethan? naiirita niyang tanong sa isip habang nakatitig kay Ethan.