CHAPTER 2

1129 Words
SHAMIER'S POV   Nagising ako and still nasa b’yahe pa rin kami. Ang tagal naman kasi ng b’yahe! Grabe kung ganito kami linggo-linggo aba? Pagod buong weekend ko! Hindi ko man lang maramdaman ang salitang beauty rest. Akalain mong meron ka no’n Shamier?   “Mommy ba’t hindi mo nalang kaya sa bahay patirahin sila lolo at lola, para ‘di tayo buma-b'yahe ng malayo to visit them,” sabi ko.   Lumingon sya sa ‘kin. Parang sinasabi na ‘AYAW NGA NILA’ look. Ako ba pinaglololoko mo mommy? Iyong tingin kasi ni Mommy akala mo papatay ng sampung tao, e, dalawa lang naman kami sa back seat. Kung plus ‘yong driver?   “Ayaw nilang sa bahay nalang tumira because they don't want to push their selves to us. Alam mo naman ang lolo at lola mo, e. Bab'yahe pa tuloy tayo ng napakalayo para lang bumisita,” litanya nya.   “Napakalayo? Layo lang mommy. Easy-han mo lang,” sabi ko.   Tumahimik ako dahil na feel ko ‘yong suka ko sa lalamunan ko at baka anytime right now lalabas. Si mommy pa naman sensitive. Matutulog nalang ako baka masuka ako ng tuluyan.   **********   Isang magandang lugar ang bumungad sa ‘kin. Wooow? As in W.O.W!   “Nasaan ako?”   Akala ko ba nasa byahe kami? E, ba't naiwan ata ako sa isang magandang lugar na 'to?   “Ito ang lugar mo, Shamier,” isang hindi pamilyar na boses ang narinig ko.   Sa paglingon ko isang magandang babae ang bumungad sa ‘kin. Napakunot ko ang noo dahil ngayon ko lang sya nakita dito sa panahinip ko.   “Sino ka?” tanong ko sa kanya.   “Ako ang iyong taga gabay. Matagal ka na nilang hinahanap. Matagal na nilang hinihintay ang iyong pagbabalik.” Kumunot naman ang noo ko sa kanya.   “Anong pinagsasabi mo?” takang tanong ko.   “Totoo ang sinasabi ko, Shamier,” sabi nya.   “Wala ka pa ngang sinasabi totoo na agad?”   Piloso lang shamier? Bastusan ganern?   “Ito ang mundo mo. Ang mundo ko. Ang mundo natin kung saan ang katulad nating may mga kapangyarihan ay naninirahan.”   Kapangyarihan? I never heard that to my mom. Bakit may powers ba kami?   “Paano ako maniniwala sa ‘yo?” tanong kong muli sa kaniya.   “Ipapakita ko sa ‘yo.” May kung anong hinawi sya at sa isang iglap ay nasa ibang lugar ma kami.   “Ito ang lugar ng GHELION lugar kung saan ka isinilang. Ang lugar kung saan nanganganib na. Kailangan ka na nila, Shamier,” muli nyang sabi.   Hindi ko talaga sya maintindihan. Ano bang pinagsasabi nya? Ghelion? Doon ako pinanganak? Kailangan na nila ako?   **********   “Baby! Wake up we are here.” Iminulat ko ang aking mata. Nandito na nga kami.   Napahawak pa ako sa ulo ko at pilit inaalala ang sinabi ng babae sa 'king panaginip. Powers? Anong ibig nyang sabihin do'n? Parang totoo ang panaginip ko.   Hasyt! Every weekend nandidito kami. Nakakapagod ang b’yahe.   “Hasyt? Kala ko hindi na tayo darating, e. Nasusuka na ako,” I pouted say.   “HAHA. I’m sorry baby! Eto naman tara na naghihintay na sila lola mo,” Mommy excitedly said then nauna na syang pumasok sa loob.   Well. Hindi na ako mag-tataka dahil isang anak lang naman si mommy nila lola at lolo. Unika iha.   “Apo ko!” bungad na sabi ni lolo at lola.   Nilagpasan naman nila si mommy kaya naman mahina akong napatawa. Minsan naiisip kung anak ba talaga nila si mommy o sampid lang sya sa pamamahay na ‘to at wala na syang kwenta kila lola, kaya naman hindi na sya pinapansin. Charot.   “Ma! pa! ba't ako hindi nyo pinansin?” Mommy pouted say. Kaya naman natawa rin sila lolo at lola.   “Ikaw talaga,” Lola said then niyakap nya si mommy.   Masarap magkaroon ng paliyang alam mong supportive sa ‘yo. Iyong alam mong magmamahal sa ‘yo, No matter what happened they’ll still by your side. Iyong alam mong tatanggapin ka nila ng buong puso. Iyon bang kapag may hinanakit ka they willing to comfort you. They willing to listen and give you an advice to make you comfortable and happy again.   Pero hindi maalis sa isip ko ang sinabi ng babae sa panaginip ko. Paano nya ako nakilala? Who is she? Ano ang Ghelion? Lugar ba 'yon? Ma-search nga mamaya sa google. Parang wala naman no'n sa Pilipinas. T’saka anong sinasabi nyang hinihintay daw ako? Bakit may meeting ba sila at kailangan nila ako?   “Any something wrong baby?” Mommy ask.   “Nothing mommy,” I said. “I’m just sleepy!” dugtong ko pa.   “Inaantok ka na naman? E, pagdating natin kakagising mo lang. Hindi ka naman si sleeping beauty. Later uuwi na tayo, ok?”   Daming sinabi mommy? Inaantok lang ako. Ayaw kong isipin ang babae sa panaginip ko dahil masyado akong maganda mag-isip.       SOMEONE'S POV   Malapit na. Malapit na syang bumalik. Matagal na panahon ko syang sinubay-bayan. Matagal na panahon ko syang itinago upang hindi sya mahanap ni Xymon. Si Xymon ay isang masamang nilalang. Gusto nyang patayin si Shamier dahil alam nyang si Shamier ang papatay sa kanya.   Ang reyna ay nagdisisyon upang itago ang anak nya. Upang hindi ito makita ni Xymon. Kaya binuksan nya ang lagusan papunta sa mundo ng mga tao. Kahit labag ito sa loob nya. Ako ay naging gabay ng anak nya dahil na din sa kahilingan nya. Ako ang sinabihan ng mga goddess upang sya ay pangalagaan.   Nakita ko. Ako mismo ang nakasaksi. Sya ay dinala ni Amier sa mundong ‘to upang itago. Hindi alam ni Shamier ‘yon. Ibang istorya ang sinabi nito kay Shamier.   “Sana lang hindi mabalitaan ni Xymon na buhay kapa,” sabi ko sa aking sarili.   Shamier. Sa iyong pagbabalik iyong kahairan ay iyong bigyan ng kapayapaan. Sana’y maunawaan mo ang lahat. Sana’y matalo mo nga si Virgo. Pati narin si Xymon, na kapatid ng iyong Ama. Sana ma-ibigay mo ang kapayapaan sa lahat. Ang mga nagsakripisyo upang ikaw ay maligtas. Ang mga ito ay nakatadhana sa ‘yo at hindi mo na p’wede pa itong takasan tulad ng nangyare dati. Pero kailangan mo din kontrolin ang iyong emosyon na syang p'wedeng maging dahilan ng iyong pagkatalo kalaunan. Pagtibayin mo ang iyong puso, dahil kahit anong mangyare kailangan mong manalo upang ibalik ang dating payapang Ghelion. Nawa’y gabayan ka ng ating bathala, Shamier.   Tumingin ako sa kasaliwat na mundo na aking ginagalawan. Bagaman ito’y tahimik sa ngayon magiging magulo ulit ito sa pagbabalik ni Shamier sa totoong mundo nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD