SHAMIER'S POV
Naglalakad ako ngayon papunta sa room, wala si Kyla ngayon dahil absent sya. Tsk? Absenera talaga ‘yong babaeng ‘yon. Hindi man lang ako tinext or chinat para magpaalam na wala sya ngayon. Nanganganib ang aking buhay charr. Pero sa totoo lang walang lumalapit sa ‘kin kasi takot sila. Hindi ko nga alam kung bakit. Hindi naman ako pangit.
“Aww!!” hindi pa man din ako nakakarating ng room ay may kung anong matigas na bagay na bumangga sa 'kin!
Anak ng tinola? Kailan pa nagkaroon ng pader sa harap ng pinto? Pero pader nga ba? Hindi ko alam na puro pader na pala ang ginagamit ngayon. Wala ng pinto?
“Tsk? Bulag kaba?” sabi no'ng classmate kong lalake.
“So-sorry,” nauutal kong sambit.
Papasok na sana ako kaso hinarangan nya ako. Problema nya? Nagsorry na ako ahh.
“Saan mo balak pumunta?” tanong nya.
“Sa loob,” sabi ko sabay turo sa loob ng classroom.
Kumunot ang noo n’yang tumingin sa ‘kin. I give him a smirk. Hindi ako sa nagmamatapang. Pero hindi kasi sya marunong tumanggap ng sorry. Isa pa, once a tiger bullied by their kapwa tiger mas mabangis pa ‘to sa leon. H’wag nyo nang alalahanin ang sinabi ko. K'wentong barbero lang 'yon. Nakakaramdam ako ng kung anong may gustong lumabas mula sa katawan ko. Pero mas pinili kong manahimik muna.
“Aba? Palaban ka pala?” he said then isinandal nya ako sa pader.
Med’yo malakas ‘yon, kaya naman sumakit tuloy ang likod ko. Para akong uubo ng dugo anytime. Hindi ata sya naturuan ng nanay nya kung pa'no irespeto ang babae. T’saka alam nya ba ang salitang gentle? Hindi nya ba 'yon magawa kahit minsan lang? Gusto ko syang durugin dito sa harap ko pero hindi ko alam kung paano.
“Ano ba! Leave me alone!” Nagpumiglas ako pero hindi ko kaya malakas sya, e.
“You better let her go and if not you will die,” isang nakakakilabot na boses ang syang nakapagpatahimik sa lahat.
I looked at his back then I saw the guy with a dark aura. Nakakatakot lalo ang tingin nya. Papatay sya ng tao ano mang-oras ngayon. I saw the fire on his body. Ewan ko lang pero iba sya. Parang may kung anong bumabalot sa buong pagkatao nya. Humarap sa kanya ‘yong classmate ko at tinalikuran na ako nito. Kumunot ang noo nya na nakatingin sa akin. Hindi ko sya pinakitaan ng reaksyon.
“Bakit? Sino ka ba?” tanong no’ng classmate ko.
“None of your fcking business,” naiirita nyang sabi.
Para tuloy may isang malaking tipak ng yelo dito dahil sa pagka-cold nya. Hindi ko kilala ang mga ito. Jusko kelan pa nagkaroon ng ganitong ka-g’wapong lalaki dito hindi ako na-inform. Pero hindi ko ipinapakita sa kanya ang reaksyon kong halos maakit na sa kanya at ayaw kong itanggal ang tingin ko.
“Aba? Matapang itong isang 'to ah.” Akmang susuntukin n'ya sana ito kaso naunahan sya.
Biglang hinawakan ng lalaking stranger ang kamao nya at hinagis ito. Kaya naman tumalsik sya sa dulo nitong hall way. Ang lakas naman nya? Iyong mga kasama nya naman ay natakot kaya tumakbo paalis. Hindi man lang sya nahirapan?
“Salamat,” sabi ko bago pumasok sa room.
Ngayong ko lang sya nakita. His red hair and blue eyes. Nakapagtataka dahil wala akong kakilala gano'n ang itsura. Maybe I never have an interest with the other people? Kaya siguro ngayon ko lang sya napansin.
Matapos ang klase ko ng hindi na ako ginulo ng uhugin kong kaklase kaya naman nakauwi ako ng matiwasay. Akala ko aabangan nila ako. Gano'n kasi kadalasang nangyayare sa 'kin dito kaya pag-uwi ko may pasa ang mukha ko. Nakikipagsapakan kasi ako. S’yempre back fighter ata ‘to! Umak’yat ako sa taas para nakapag-palit na rin damit.
“Mommy?” Nakita ko si mommy na nasa k’warto ko. Nandito na kaya sila kuya or daddy?
“Shamier! Come here I have something important to tell you,” sabi nito at umupo ako sa tabi nya.
Kinakabahan ako sa tinuran nya. Aatakihin ata ako sa puso. Parang may something na kailangan sabihin si Mommy.
“Ano naman po iyon mom?” tanong ko.
May kung anong kinuha sya sa may bulsa nya. kinuha nya ang kamay ko at nilagay nya iyon.
“K'wintas?” takang sabi ko
“Hindi baby necklace ‘yan,” pilosopong sabi naman ni mommy.
“Iyan ay nakita ko noong nakita kita,” sabi nya.
“D’yan din nakalagay ang pangalan mo.” Tinignan ko.
Oo nga. Ang galing naman. Pero bakit ngayon lang 'to binigay ni Mommy? Bakit hindi pa noon?
“Anak, lilipat kana ng school.” Napatingin ako sa kanya.
“What?” Gulat kong tanong.
“Lilipat kana,” ulit nya pa.
Unli lang shamier? “Pero mommy patapos na po 'yong sem,” sabi ko habang nakanguso, ilang b'wan nalang ‘yon, e.
Tapos magmi-midterm na. Akala ba nila gano'n kadaling humabol ng lessons? Hindi kaya. Hindi rin madali makapag-adjust.
“Basta lilipat kana ng school tapos,” matapos nyang sabihin ‘yon ay umalis na sya sa k’warto ko.
Anak ng tinola? Ba’t ba nauso ang transfer? Paano na grades ko? Paano ‘yong foundation day? Paano ko hahabulin ang mga lessons?
“Haaayyysssttt!!” Ginulo ko ang buhok ko.
Tinignan ko ulit ang k'’intas. May pendant ito na may limang kulay. Blue, Red, White, Brown at Gold. Ang ganda. Pero bakit kaya ako iniwan ng totoo kong mga magulang? Anong dahilan?
Ngayon ay maraming tanong na naman ang bumubuo sa aking isipan. Ngunit lahat ng 'yon ay hindi ko parin alam ang kasagutan. Para akong nawawala at naghahanap ng daan pauwi. Feeling ko may kung ano sa akin at sa nakaraan na kailangan kong tuklasin. Napabunton hininga ako at napahawak sa ulo ko.
Napaisip tuloy ako. Ba't kaya ako lilipat? Hindi kaya sa nangyare kanina? Pero imposible dahil kahit na gano'n walang sino man ang nagsusumbong. Ano ba kasing dahilan 'yon? Alam kong hindi sasabihin ni mommy kung ano man ang itatanong ko sa kanya. May iniiwasan ata si mommy na malaman ko at kailangan nyang manatiling tahimik sa mga bagay na ito.
Ghelion
Bigla namang pumasok sa isip ko ‘yan. Napakunot ako ng noo at naalala ko ang sinabi ng babae sa ‘kin sa panaginip ko. Parang nakita ko na nga sya no’n pero hindi ko alam kung na de javu lang ba ako. Hmm? Bahala na bukas. Kilangan kong maghanda, hindi ko na p'wedeng pigilan ang kung anong gusto nila mommy.