SHAMIER'S POV
“Baby wake up! Male-late kana,” sigaw ni mommy sa ‘kin.
Syet naman inaantok pa ako. Ano bang araw ngayon? Hindi ko alam kung babangon ba ako o itutuloy ko nalang ‘yong naputol kong panaginip dahil hahalikan na daw ako ni RM. Punyeta sa lahat ng panaginip ko ‘yon lang ata ang maganda. Nagpunga-punga ako ng mata. I’m so sleepy you know. Nakakaasar naman. Umupo ako pero nakapikit ang mata ko dahil nga inaantok pa ako. Gosh! Kailan ba ko matututo magising ng nauuna sa orasan ko?
“WAAAAAA!!! MOMMY!!! LATE NA PO AKO!!!” Agad ay bumangon ako at pumasok sa cr.
Narinig ko ang tawa ni mommy mula dito sa banyo. Minsan naiisip ko kung saan ba talaga ako nagmana, e. Hindi naman kasi ako mana sa kanya. Makulit sya, e, ako hindi. T’saka maganda sya D’yosa naman ako. Biro lang syempre. Kawawa naman ang mommy ko, nababaliw na dahil sobrang d'yosa ng bunso nyang anak. Ipadala ko na kaya sya sa mental ng palihim? Kunwari wala ng mag-aalaga sa kanya tapos kunwari hindi ko sya kilala. Charot lang syempre. Magagawa ko ba ‘yon? Duh!
“Hahahah. Baby! It's Sunday! I’m just kidding. Hindi ka kasi magising, e.” Tawa-tawang sabi ni mommy.
Anak ng tinola sinasabi na nga ba, e. Ang lakas ng tama nitong si mommy. Kung nandito pa ang dalawa kong kuya malamang pati sila makikisimpat'ya kay mommy ang mga 'yon. Kawawa naman ako. Lagi nila akong pinagtutulungan! Inaaway nila ako susumbong ko sila kay daddy! Humanda kayo dahil gaganti ang d’yosa! Charot lang. Kahit sobrang kulit ni mommy na akala mo batang nakawala sa hawla mahal ko ‘yan. Kaso lang talaga may sapak ang mga kulubot nilang utak kaya minsan takas sila sa mental. Buti nalang hindi ganyan si Daddy at ako baka pag nagkataon mababalita sa tv na. Isang buong pamilya nilagay sa mental sa sobrang kabaliwan. Aba hindi maganda sa image ng mga Perez ‘yan. T’saka hindi rin p’wede dahil masyado akong maganda.
“MOMMY NAMAN, E!!!” sigaw ko sa banyo.
Buti nalang at hindi ko pa nabubuksan 'yong shower. Infernes yaman ng lola nyo. Pero napaharap nalang ako sa salamin. Tinignan ko ang labi ko. Tapos naalala ko 'yong panaginip ko. O my gosh RM, if that dream will come true, I can die any time any where. Pero napanguso ako kasi nga pinutol ni mommy ‘yong sobrang gandang panaginip ko. Alam nyo ‘yon? Nasa point na ako na halos idikit ko na ang labi ko sa malambot na labi ng RM pero punyeta? Nagising ako sa sigaw ni momny na late daw kuno ako.
“Hahaha. By the way baby. Tama lang ‘yan. May pupuntahan tayo,” Mommy said.
“Where mommy?” I ask.
“Remember every weekend we have to go to your grandma and grandpa! I’ll be wait on the salas ok!” Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto.
Hays! Mommy talaga. Lagi nalang akong trip. Kung hindi si mommy ang mangti-trip sila kuya. Sana pinaampon nalang ako sa matinong pamilya. 'Yon bang walang sapak sa utak, tapos ‘yong matalino. Bobo kasi ako sa lahat ng subject. Ewan ko nga buti nalang nakakakuha pa ako ng 80 sa mga grades ko, e. Tapos hindi nagagalit sila mommy kahit wala akong medal or awards. Siguro bobo din sila? Kidding.
I’m SHAMIER FROSTIER and I am adopted child of Perez family. They told me when I was ten years old. Nakita daw nila ako sa may gilid ng poste na umiiyak. That time they have no baby girl. Kasi naman medyo may edad na si mommy kaya pa'no pa sya mabubuntis? Minsan na akong nagduda sa kanila at buti nalang sinabi nila ang totoong ampon lang ako.
Nga pala ang pangalan ni mommy ay Amier Mendoza Perez si daddy naman ay Christopher Perez. Sila kuya John Mendoza Perez at Josh Mendoza Perez . They are famous in our school well ‘di na ako magtataka dahil mga g’wapo sila! Pero mga pasaway at the same time. Akala mo talaga ikina-g’wapo nila ‘yong pagiging bully sa ‘kin. Balang araw tatadtarin ko sila ng saksak sa katawan at pag nangyare ‘yon. Masaya na ako. Syempre joke lang. Kahit gano’n ‘yong mga ulupong na 'yon mahal ko ‘yon. Sa school kasi sa 'kin binibigay ng mga girls nila ang mga gusto nilang ibigay sa mga kuya kong uhugin. Napaisip nga ako kung anong nagustuhan nila kila kuya, e, puro lang naman kahanginan sa katawan ang alam ng mga ulupong na ‘yon? Tapos sobrang bait ng mga tao sa school namin sa ‘kin cause I’m the bunso of the Perez Family. Waw lang puro mga plastic dapat itapon na sila sa basurahan.
After 12345678910 years! Natapos at nakabihis narin ako. Simple lang naman. BTS na T-shirt na may pangalan ni V tapos short above the knee at sapatos na ADIDAS. Sorry RM. Hindi ako faithful sa ‘yo. Don’t worry cute lang naman si V. Sa 'yo parin ang puso at perlas ko. Tumingin ako ulit sa salamin tapos ngumiti at nag-pose pa kuno. Syempre maganda ako, e. Sa harap ng salamin.
“Mommy! I’m ready!” Pagbaba ko ay naabutan ko si mommy na nanonood ng daraemon.
Tsk? Si mommy talaga hilig manood ng cartoons. Feeling bata? Napansin na siguro ni mommy na nandito ako at pinapanood sya. Ngumiti sya at pinatay muna ang tv tapos lumapit sa 'kin. Hinila ako ni mommy palabas ng bahay at sumakay kami sa Van. Pero dahil nga hindi ko bet ang amoy ng sasak’yan nagsalpak ako ng earphone at nagpatugtog at ipinikit ko nalang ang mga mata ko.
Habang nasa byahe naramdaman kong inaantok ako at kailangan kong matulog. Nararamdaman ko ding nasusuka ako. Bakit kasi kailangan lagi akong kasama? Bakit hindi pa umu-uwi sila daddy from America. Malapit na birthday ko oh! Tapos wala sila. Nakakainis naman. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana saka ko ipinikit ang mata ko. Hindi ko matiis kesa naman masuka ako. Hindi naman ako nabuntis ni RM pero keri lang. Charot! Masyadong maharot ang aking utak. Sana mapanaginipan ko naman na gumagawa kami ng himala ni RM I can give it to him basta ba sa kanya lang. Sa ‘yo lang aalog. Bastos talaga ‘tong demonyo kong utak. Tulog na nga ako.