BH 3
"Hi Nanay! Hi Hector!" Bati ni Paige sa mga litratong nasa harap niya, napaskil sa mga lapida.
Tuwing hapon ng bawat Lunes, hindi niya nakakalimutan na pumunta sa musuleo de Lauren, ang bagong tirahan ni Hector.
Nakaupo siya sa stainless na silya, sa harap ng mga nitsong kumikintab na Marmol. She spends time there, alone. May kasama naman siyang mga bodyguards pero nasa may sasakyan lang ang mga yun.
Napakalungkot ng buhay niya. Akala lamang ng ibang taong mahilig mag-Marites ay masaya siya dahil napakarami niyang pera. Hindi alam ng mga yun na mag-isa siya sa buhay, walang magulang, walang kapatid at walang karamay. Kapag may dinaramdam siya, mag-isa niyang hinaharap, wala siyang matawag na Nanay, Tatay, ate o kuya. Paige, Paige lang ang kanyang natatawag. Kaya bawal ang babaeng hihina-hina sa katauhan niya.
Mamamatay siyang mag-isa kapag hindi siya naging matapang.
Kung sa manliligaw ay di siya nawawalan kaya gasino na ang makakuha ng karamay sana, pero hindi ganun kadaling magtiwala sa tao, lalo pa sa lalaki. Balo na siya kung tutuusin pero nang mamatay si Hector, marami kaagad ang nagparamdam na mga kakilala nilang personal, pero wala siya ni isang pinansin. Hindi naman siya naghahanap ng love life.
She has been badly traumatized by her father. Totoo pala talaga na may mga ama at asawang sira ulo. Akala niya ay sa mga drama lang may ganun, o mga balita.
"Ma'am," tawag ng driver niya sa kanya kaya napalingon siya sa may bukana ng museleo.
"Alas seis na po," ani Remuel kaya napatango siya.
She stood up and looked at her parents once more, before turning her back.
Si Remuel na ang nagsara ng pinto at siya naman ay tumuloy na sa limousine, doon naghintay sa driver.
It's time to go home again and work. Trabaho na lang talaga ang kanyang kasama araw at gabi, noon ay libro, notebook at gamit sa eskwelahan.
Ang layo na rin talaga ng kanyang narating.
"Diretso na ba tayong uuwi, Ma'am?" Sumilip sa kanya si Remuel at napaisip siya.
"Sa Sweet Hypermart na muna tayo, Kuya Remuel. I have to grab some stuff."
"Sige po, Ma'am."
Paige thinks she needs sweets as she works tonight. Yun naman talaga ang comfort food niya kahit noon pa. Kapag malungkot siya, chocolates ang ibinibigay sa kanya ni Hector. Parang magic na nagbabago ang mood niya, o baka dahil lang talaga yun sa kabaitan nun.
And she's keeping something from him before he died, that DeLafée chocolate. Ang sabi sa kanya ni Hector ay itago niya yun, at sa tuwing malulungkot siya, matatakot o masasaktan, tingnan niya lang dahil daw mararamdaman niyang hindi siya nag-iisa, na nariyan pa rin iyon, nakamasid sa kanya.
He was her mentor, the kindest mentor she ever had. Isa iyong propesor para sa kanya pero ang pagtuturo sa kanya para matuto ay masuyo
He was not dominant. He was not forcing her to learn easily. He always gave her enough time to understand all the lessons she had to learn. And he succeeded. Lahat ay napag-aralan niya, natutunan at ngayon ay nagagamit na niya.
Phoenix
Bumuga siya ng sigarilyo at nginisihan ang babaeng tindera sa ukayan. Magsasara na raw ito dahil alas sais na pero kapag nginigitian niya ay nagpapa-cute rin naman.
Dumilihensya pa kasi siya ng pera na pambili ng damit. Nagkama pa siya ng babaeng walang dilig, tapos inabutan siya ng limang libong piso. Hindi naman niya hiningi yun, kusa lang na ibinigay sa kanya kaya sino ba siya para tumanggi sa grasya? Maganda naman ang babae kahit na kwarenta na. Seaman ang asawa nun at regular siyang tinatawag para makipag-s*x.
Gusto rin naman niya dahil ganun naman kataas ang s*x drive niya talaga. Baka kung may constant girlfriend siya, mga pitong beses niyang gagamitin sa maghapon.
"Bayaran mo na. Magsasara pa si Miss ma maganda," sabi niyang naniningkit ang magagandang mga mata sa babae.
Inuuto lang niya ito syempre.
Ngumiti iyon na parang hiyang-hiya.
Naroon sila ni Aldo dahil bumibili siya ng mga isusuot na pantalon pansamantala sa pagpasok sa trabaho. Ang mga polo shirt naman ay binigyan siya ni Ading, ang may asawang seaman.
Mga branded ang damit, medyo maliit nga lang pero sakto pa rin naman sa kanya at pwede na rin na pagtyagaan. Ang mga ganung polo ay nagkakahalaga ng isanlibo hanggang tatlong libo. Pantalon lang ang wala siyang nakuha dahil hindi kasya sa baywang niya, at bitin.
Malaki siyang tao. He's 6'2 anyway. Ang asawa raw noon ay 5'9 lang.
Iniabot niya kay Aldo ang isang libo kaya nanlaki ang mga mata nito habang nagbibilang siya ng pera.
"Naka-raket ka na naman dun sa mayaman," sabi nito sa kanya.
"Kakain tayo," sabi naman niya kaya todo ang ngisi nito.
"Saan? Sa restaurant?"
"Sa unli rice," sagot niya kaya napakamot ito ng ulo.
Tumalikod ito at lumapit sa cashier. Si Aldo rin ang maglalaba ng mga damit na yun dahil may washing machine ito sa bahay. Wala ng mga paa yun pero umiikot pa naman kaya pwedeng pagtyagaan. Gumagana pa naman din ang drier kaya nagagamit pa talaga.
Binili nila yun na magkaibigan sa isang pagawaan ng mga electric fan, dalawang libo lang ang halaga. Yun kasi ang pangarap ng kaibigan niya, maibili ng washing machine ang Inay na dating labandera, pero dahil sa paglalabada at pamamalantsa ay nagkasakit sa baga. Ngayon ay suma-sideline naman si Aldo sa pagiging basurero, pero hindi ito regular araw-araw.
Akbay ang kaibigan ay isang kindat ang iniwan niya sa babaeng may-ari ng ukayan. Diretso sila sa pag-alis.
"Kain na tayo. Uwian mo ng pagkain si Nanay Luningning. Bilhan natin ng baga ng baka para dumami ang baga niya," sabi niya kaya naman tumawa si Aldo.
"Sira ka talaga. Gagawin mo pang unli lungs si Inay.
"Para kapag nasira pa yun baga niya, may pamalit na."
Nagtawanan sila at nag-high five.
Naglalakad silang dalawa nang mapatingin siya sa isang limousine, sa tapat ng kakainan nilang karenderiya.
Nakatayo roon ang mga kalalakihan na naka uniporme, at mula sa mataas na gusali ng grocery store ay lumabas ang isang babae.
"Tang-ina," napamura siya nang mamukhaan iyon.
Pagkaganda naman talaga. Aminado rin siya.
"Waw!" Bulalas ni Aldo at ang laki ng mga mata, "P-Parang yan yun nasa TV."
Walang blazer na suot ang babae. Naga tube top lang itong puti at nakapalda na kulay itim.
"Artista 'yan, kapatid," sabi ni Aldo sa kanya pero siya ay nakatanga lang, ninanamnam ang ganda na kanyang nakikita.
His eyes moved to her thighs. Hindi ito tipikal na long legged pero may sarili talaga itong ganda. Hindi niya matukoy. Ganda na ginamit nito sa pagkuha ng lahat na para kay Venice ngayon.
Ano kayang pakiramdam na nasa pagitan ng mga hita ng babae na ito? Sa isip niya. Pwede naman niya itong ikama. Nagkakama nga siya ng may asawa, balo pa kaya ay hindi? Pwede niya rin itong huthutan ng pera, tulad ng ginagawa niya kay Ading.
Di hamak na mas marami siyang makukuha kay Mrs. Lauren kaysa sa asawa ng seaman. And this woman is so young. Bonus na yun sa kanya.
Bitbit ni Paige Lauren ang isang paper bag, at sa isang kamay ay may hawak na agad iyong tsokolate.
"Si Lady P," sabi niya kay Aldo, "Boss ko."
"Ha?" Bigla na lang siya nitong inalog, na para bang daig pa niya ang tumama sa Lotto dahil sa iyon ang boss niya, "Ang swerte mo, pards! Diyos ko! Artista ang boss mo!"
"Hindi siya artista, pards. Sikat lang talaga siya dahil bilyonarya," aniyang matiim ang titig sa dalaga.
"Anong Lady P?"
"Lady Pandak," sabi niya sabay layas papunta sa upuan ng karenderiya.
Ang lakas ng tawa ni Aldo kaya napangiti rin siya.
"Grabe ka naman maka-pandak, pards. Bawing-bawi naman sa ganda at seksi. Ang swerte mo talaga. Kung ako lang ang nagtataglay ng ganyang klase ng kagwapuhan, liligawan ko yun."
"Hah! At tingin mo madadala ko yun sa gwapo lang at macho, e wala naman akong yaman? Yabang lang, marami."
Nag-high five sila at nagtawanan saka sila naupo sa stool na plastik. Dun sila parating kumakain ni Aldo, sa karinderya ni Aling Mameng, dahil nakakautang sila ng pagkain kapag walang-wala silang pera. Pero hindi sila nawawalan ng pera dahil magaling siyang mag-delihensya. Siya na lang din talaga ang umiiwas sa paulit-ulit…ulit na pakikipagtalik dahil ayaw niyang magka-feelings sa kanya ang mga babae. Wala siyang balak na magseryoso sa buhay niya.
Duda siya kung may makikita siyang babaeng karapat-dapat niyang mahalin dahil wala siyang interes sa pagkakaroon ng malalim na relasyon.
"Susko, ang dalawang ito nagpapahanginan na naman," nakangiting sabi ni Mameng sa kanila.
"Aling Mameng kayo nga ang magsabi kung pang-anong level ng kagwapuhan ni pards."
"Hmn," anang may edad na babae habang sumasandok ng kanin para sa kanilang dalawa, "Pang matinee idol."
"'Yan naman talaga!" Nakabungisngis na sabi niya saka siya nakipag-high five roon, "Kaya dito ako kay Aling Mameng, e, unli rice na, unli ulam pa!"
"Hoy, rice lang saka unli tubig," anito sa kanya na may irap, "Anong ulam?"
"s**o," aniya kaya nagtawanan sila ni Aldo. Ang mga naroon na kumakain ay parang natatawa rin.
"Wala ritong s**o ng tao. Ikaw na bata ka, napakabastos mo talaga."
"s**o ng manok," sabi naman niya kaya ang kakilala nilang tricycle driver na si Mang Dencio ay halos masamid sa pagpipigil ng tawa.
"Sira ulo ka talaga," natatawang sabi naman ni Mameng sa kanya, "May s**o ba ang manok?"
"Meron, yun dibdib niya," sagot pa niya kaya natuluyan ang tawa ng matanda "Inihaw na s**o sa akin, Aling Mameng. Yung malaki ha."
"Ako naman Aling Mameng, inihaw na pwet," sabi ni Aldo kaya natuluyan ng masamid an driver.
Nagtatawanan sila dun.
"Mga pasaway na bata. Mahilig sa s**o at pwet," iiling-iling ang may-ari ng karenderiya habang sinisenyasan ang bantay sa ihawan.
"Dalawang s**o, Aling Mameng, pabalot ng isa," aniya roon.
Para iyon sa Nanay Luningning niya.
"Anong nabibili sa grocery na 'yan?" Nguso ni Aldo sa nilabasan kanina ni Lady Pandakekak.
"Grocery 'yan ng mga mayayaman. Hindi cash ang binabayad diyan, card."
"Card? Anong card? Pwede ba yung card sa Kinder? Meron ako," sabi ni Aldo sa kanya kaya ang lakas ng halakhak niya.
"Credit card, Mastercard, Debit card, yung mga galing sa bangko. Pumasok na ako riyan isang beses, hindi tinanggap ang isandaan ko, card daw."
"May pagkakaiba ba yun?"
"Aba, malay ko sa sira ulong may-ari niyan kung bakit napakaarte na card ang kailangan at hindi cash," anaman ni Phoenix sa kaibigan, "Ang daming etse buretse, napakaarte."
"Ang may-ari niyan, iyong lumabas kanina na magandang bata," sagot ni mang Dencio sa kanya.
"Ha?" Tanong niya, "Yung pandak?"
"Yung mag limousine," sagot naman ni Mameng, " Hindi naman pandak, masyado ka lang talagang matangkad, Penix."
Napakamot siya. Kaunti na lang talaga ay magiging p***s na ang pangalan niya sa bunganga ni Mameng.
"Aba, libre ang pagpapatinda niya rito sa amin, a. Itong buong hilera na ito ay pag-aari pa ng batang yun pero napakabait dahil hindi kami pinalalayas."
"Naku, Aling Mameng, 'wag kayong katiwala dahil baka isang araw gulantangin kayo, mahirap makahanap ng ibang pupwestuhan. Ang mga mayayaman, matitigas ang mga puso niyan, ma-pride, kaya 'wag kayong kasiguro sa pandak na yun."
Hindi nakaimik ang babae at parang naisip na may punto siya sa sinabi niya.
"E, sabi naman niya, kapag gagamitin na niya ang lupa na ito, sasabihan niya kami isang buwan bago umpisahan ang project niya. Ayos na kami roon, iho. Ang tagal na namin dito. Bago pa sila nagpa-Amerika ng asawa niya nandito na kami. Halos taon din sila roon pero nandito pa rin kami. Kaya naman itong mga bukas na kainan hanggang umaga, nagbabantay-bantay din dito sa labas, balik kabutihan na namin kay Miss…Lady P, kasi patay na naman si Chairman."
Siya naman ang hindi umimik habang si Aldo ay tatangu-tango. E bakit sa kanya hindi mabait? Kanina sinungitan kaagad siya na para bang basura lang ang kagwapuhan niya, para siya ay talikuran, matapos na papagmukhaing gagong gwapo. Mabuti na lang at mukhang sanay na talaga ang mga tao sa opisina sa kasungitan ng pandak na lady boss, kung hindi ay quota talaga siya sa pagkapahiya.