BH4
SI Phoenix siguro ang pinakaunang empleyado ang dumating sa HL building ng umagang iyon. Siya rin siguro ang pinakaunang tao sa mundo na naunang gumising kaninang umaga. Plantsado ang damit niya, salamat sa Inay Luningning niya.
Tuwang-tuwa iyon sa dala nilang s**o ng manok kaya lumakas ang katawan na ipaglaba siya ng mga inukay na pantalon at ipinag-drier na rin. Tapos ay pinalantsa na rin bago siya umuwi. Bitbit niya iyon at pinatuyo na lang niya nang tuluyan sa kanyang bentilador.
Maaga siya dahil may gusto siya. Gusto niyang masaksihan ang pagdating ng pandak niyang boss, para makita niya ang mga galawan na dapat niyang ipakita roon, para makuha ang pansin nun.
Pumasok ang isa pang babae, maganda at seksi. Naka-uniform iyon, mini skirt. Naalala niyang narito iyon sa reception area kahapon. Namumukhaan niya ang babae.
"Good morning," bati nito sa kanya kaya ngumisi siya.
"Good morning, Ma'am," bati niya rito na may kasamang pamatay na ngiti.
"Ang aga mo naman," anito sa kanya.
"Daig Ma'am ng maagap ang masipag," sagot niya rito.
"Sabagay. Dito ka na para habang wala pang tao ay ma-brief na kita."
Tumango naman siya at naglakad papasok sa loob ng reception area. Tumingin ito sa katawan niya pero binalewala niya lang. Sanay naman siya sa mga ganung titig at tingin sa kanya. He is a demigod, no question with that.
"Anong pangalan mo?" Tanong nito kay Phoenix.
"Nix," sabi niya rito, "Ikaw? Ganda?"
Nakita niya ang pag-blush nito at parang nahiya na sobra sa kanya.
"Jessie, Jessie Trinidad."
"Jessie ganda," anaman niya na may kasamang pagtangu-tango kaya parang lalo itong nag-blush.
"Bolero ka pala," nakangiting ibinaling nito ang atensyon sa ibang bagay.
May ibinigay iyo sa kanyang hardbound, "Basahin mo 'yan ha. Kahit sa bahay na para malaman mo ang mga bawal sa trabaho mo. Saka ethics din 'yan sa tamang pag-approach sa mga iba't ibang sitwasyon bilang receptionist."
"Sige. Sa akin na ba ito?" Tanong niya saka binuklat-buklat ang hawak na libro, pero agad siyang napatingin sa dakong pintuan nang makita ang isang babaeng pumasok.
Agad siyang napatulala nang makita iyong naka ternong damit pantulog, short at spaghetti strapped na silk, kulay puti. May patong yun na maxi night dress.
Wala iyong kaayos-ayos, ang buhok ay basta lang nakaladlad, walang make-up pero maganda pala talaga ito, napag-isip-isip niya.
She's wearing a pair of household slippers.
Tumingin ito sa gawi nila.
"Diyos ko. Si Ma'am," parang nahintakutan na sabi ni Jessie kaya napakunot noo siya.
Kinatatakutan iyon ng lahat.
Paige walked toward them with a stern face, different from the face he saw last night as she took a bite on her chocolate.
"Good morning, Lady P," nakangiting bati ni Jessie, parang namumutla.
Wala yung sagot tapos ay tumingin sa kanya.
"Good morning, Ma'am," nakangiting sagot niya.
"You're the newbie?" She asked him with raised brows.
"Yes, Ma'am," may paniningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa maganda nitong mukha.
"Ayoko ng tatanga-tanga rito. Every transaction comes to this department first. Kapag pumalpak ka, sira ang lahat. I'm monitoring my receptionists very well and my standards are high, Mister…"
"Phoenix, Ma'am. Gaano po kataas, kasintaas niyo?"
Nakita niya ang iritasyon sa mukha nito at ganun na lang ang pagsiko sa kanya ni Jessie.
"Are you insulting me?"
Umiling siya. Hindi man lang siya nabalisa sa aura nitong masungit.
"Hindi po, Ma'am. Mataas kayong tao dahil kayo ang may-ari nito kaya paano ko po iinsultuhin ang katulad niyo?"
Palusot niya pero ang totoo ay literal na height naman talaga nito ang sinasabi niya.
"You better be careful with the double meaning of your words, Mister Phoenix. I didn't finish my degree in an exclusive university just to get insulted with my height by a probationary employee. I don't ever want you talking to your boss like that ever again. Baka kakaaapak mo pa lang sa likod ng counter na ito, sisante ka na," mataray nitong sabi sabay talikod kaya sinarili niya ang pagngisi.
Matalino nga ito. Walang duda. Napatingin siya sa pwet nitong kumikendeng kahit na natatakpan ng silk na tela.
Sure she could carry herself so perfectly even if she's only wearing a night dress.
"Ma'am, good morning!" Bulalas ng isang babae na parang humahagos pang pumasok.
Iyon ang babaeng nakita niya kahapon na kasama ng lady boss nila. And apparently, pansin ni Phoenix na dun lang ngumingiti si Paige.
"Morning," aniyon.
She was smiling. She has dimples on her cheeks, f**k. Bakit sa dinami-rami ng babaeng tutubuan ng mga biloy ay ang babae pang ito?
Phoenix is always being captured by women with dimples, but not this haughty gold digger, never.
"Ang aga niyo naman po, Lady P."
"I'm hurrying to get my usb. I forgot it was attached to my laptop. I'm working from home this morning. Mamayang hapon pa ako papasok."
"Oh, hell the b***h is acting like a real chairwoman on Daddy's behalf!" Biglang bulalas ng babaeng kapapasok pa lang sa main entrance ng lobby.
Doon naman nabaling ang atensyon ni Phoenix, at ganun na lang ang pagtatago niya nang makita si Venice. Hindi siya pwedeng makita ng babae. Baka kung anu-anong idaldal nun, ikapahamak pa niya sa trabaho. Kakaumpisa pa lang niya at ito ang disenteng trabaho na gusto niya, nasa isang sikat na kumpanya. Hindi biro ang makapasok sa ganitong trabaho kahit na ba bilang receptionist lang. It is a privilege to him.
"Ang yabang mo!" Galit na singhal ni Venice kay Paige.
Kitang-kita ang panggagalaiti nun.
He saw those guards ready to come closer but the lady boss raised her hand.
Ultimano na tumigil ang nga gwardiya at nanatili sa mga pwesto ng mga iyon, following orders from their boss.
Tumikhim ang dalaga at nakikita niya na napakakalmado ng aura. Nagkrus lang yun ng mga braso sa dibdib at mataman na tiningnan si Venice, habang nakataas ang mukha.
"Ulitin mo nga," anito.
"Ang yabang m—aa!" Natutop ni Venice ang mukha nang bigla yung sampalin ni Paige.
Rinig na rinig ni Phoenix ang pagsinghap ni Jessie sa tabi niya.
Nakita niya na gaganti sana sa Venice pero maagap na nasalo ni Paige ang pulsuhan nun, saka marahas na tinabig.
"You don't have the right to insult me inside my company. Gusto mong ipakulong kita for trespassing? Nag-aamok ka ng away dito e hindi mo naman teritoryo," malumanay pero mayabang na sabi pa nito.
"Anak ako!" Galit na sigaw ni Venice.
Para siyang nanonood ng pelikula, ang pamagat ay Magsampalan Tayo, Di ka Tatama.
"Anak ka lang, asawa ako. FYI," lalong itinaas ni Paige ang noo, "If you're fighting for something and everything isn't clear, this is not the right place for you to go, Venice. Dun ka kay Attorney Ventura. Talk to him or else, isasampal ko sa pagmumukha mo ang last will ni Hector! Kapag hindi mo maintindihan, ipakakain ko sa'yo! Gets mo?!" Tumaas ang boses ng dalaga sa mga huling sinabi sa babae, "Layas!"
Hindi natinag si Venice.
Tang-ina, lumayas ka na, Venice kung ayaw mong magkalamat ang mukha mo, lamat ng nagbabagang palad ni Lady Pandak.
Venice clenched her fists on her sides. Para naman bang may ibubuga iyon. Napakatanga nun para mang-away sa loob ng building na pamana ni Hector sa asawa. Ngayon ay alam na niya, kay Paige talaga iniwan lahat ni Hector Lauren, kaya ngitngit ngitngit si Venice. Walang magagawa. Daig ng social climber ang anak. Yun na ngayon ang bagong kalakaran kapag gustong yumaman, kumabit sa lalaking naghihingalo na, magpa-finger na lang o magpadila para makaranas ng sarap sa kama.
Napailing na lang siya.
"Hindi ka lalayas?!" Bulyaw ni Paige sa babae na nagmamatigas.
Putang ina!
Kulang na lang may magtago si Phoenix sa palda ni Jessie nang magmartsa si Venice papalapit sa reception area.
"Hoy, tumayo ka riyan at awatin mo, ikaw lang ang lalaki rito," paasik na bulong sa kanya ni Jessie dahil nakaupo siya at nakayuko pa.
"Ayoko nga. Baka ako ang masampal," sagot naman niya.
"Hindi ka lalayas?" Boses yun ni Paige, "Gusto mo ipakaladkad pa kita?"
"Hindi ako lalayas dahil may karapatan ako rito!"
Tumikhim muli ang dalaga, "Okay. Then, manigas ka rito sa ipinaglalaban mo," mataray nun na sabi.
Sumulyap muli siya at nakita niyang umalis na si Paige, kasama ang assistant.
"Ang kapal ng mukha! Chairwoman na pumupunta sa office na nakadamit pantulog? Napakawalang class! Nakakairita!" Gigil na daldal ni Venice.
Bigla iyong humarap kaya naman ganun na lang ang panghihilakbot ni Phoenix. Huli na para siya ay magtago pa dahil nangunot na ang noo nun habang nakatingin sa kanya.
"Phoenix!"
Shit!
Yun na nga ba ang sinasabi niya. Nakita na nga siya ni Venice kaya napabuntong hininga na lang siya. Ano naman ang gagawin niya? Magpapanggap ba siya na hindi ito kilala? That's a stupid plan. Hindi siya ganun katanga, while in fact mula paglabata ay magkakilala na silang dalawa.
Humugot siya ng malalim na hininga at iniliyad ang dibdib, "Venice, long time no see."
Agad na binalingan ni Phoenix si Jessie.
"Excuse me, Jessie," aniyang lumabas sa reception counter at nilapitan si Venice para ilabas na