BH 2
Bitbit ang resume at iba pang credentials ay humahalimuyak ang bango ni Phoenix paglabas ng kanyang condo unit—condo unit na walang kaayusan. Hindi niya rin alam kung paano siya nakakapagtiis sa ganoong tirahan pero ganoon talaga siguro kapag mahirap, natitiis lahat. Mas mataas pa siya sa pinto ng bahay na tinitirhan niya at kurtina lang ang nagsisilbing mga dibisyon sa loob. Sabagay, wala naman iyong kaso dahil lalaki naman siya at wala naman siyang kasamang babae roon.
“Tang-ina, pards,” iiling-iling si Aldo nang madaanan ni Phoenix sa may kanto, nakikipag-tsismisan sa mga tambay na ang almusal ay alak.
Grabe ang tingin nito sa kanya dahil posturado siya, "Inilabas mo na naman ang natatago mong gandang lalaki."
“Saan ang raket natin, bata?” tanong ng isang may edad na lalaki na pioneer doon ng inuman.
Himala na para sa lugar na iyon ang walang makitang manginginom sa bawat sulok ng kalye, ang iba ay nagsusugal at ang iba naman ay nakapila sa poso, naglalabada.
“Mag-aapply, mang Dens, baka swerte ako ngayon araw sa paghahanap,” anang binata na inaayos ang pagkakatupi ng long sleeves na suot.
Nagsuot na siya ng medyo formal at baka matuloy na rin siya sa interview, mas mabuti na ang handa siya. Magaling naman siyang magsalita kaya alam niyang papasa siya sa anumang interview. Wala namang nakakaalam na peke ang mga papeles niya, pati na Diploma. Gawang Recto ang mga iyon.
“Sa gandang lalaki mo, tanga ang amo na tatanggi sa iyo,” anang lasing na lalaki kaya napangisi siya.
Nag-high five silang dalawa, “’yan naman ang gusto ko sa inyo, Mang Dens, bilib na bilib kayo sa akin. Kapag natanggap ako, sa unang sweldo ko magpapa-inom ako.”
Tuwang-tuwa na nagsipaghiyawan ang mga umiinom doon. Sumaludo siya sa mga iyon bago siya tuluyang umalis. Kasama niya si Aldo na naglalakad papunta sa labasan.
“Pards, kapag naman natanggap ka at may nakilala ka sa loob baka naman pwedeng ipasok mo rin ako kahit pinakamababang trabaho,” anito sa kanya kaya naman tiningnan niya ito.
Ito ang una niyang nakilala nang kadarating pa lamang niya sa Maynila at sa lugar na iyon siya napadpad. Isa itong palaboy at wala ng mga magulang. Ang kwento nito sa kanya, sa pagkakatanda raw nito ay iniwan ito ng ina sa bus station, galing sa Quezon province. Sabi nito ay pipitong taon lamang daw ito noon. Tumira ito sa simbahan, nakapag-aral nang kaunti hanggang elementarya pero nang mamatay ang pari ay wala na rin. Nagpalaboy-laboy na raw ito hanggang sa makakita ng mag-asawang walang anak at nakitira na nga ito. Nag-aral ulit si Aldo hanggang second year high school at nang mamatay ang mga kumupkop ay nawala na naman.
“Ilalakad kita kapag may nakilala ako sa loob pero kapag ako na ang boss, pasok ka na talaga,” anaman niya rito.
Nasa loob naman talaga niya ang pagtulong dito dahil mabait si Aldo, kaya lang ay wala pa naman siya sa posisyon para gawin iyon sa kaibigan. Hindi pa nga siya nakakaangat, babagsak na kaagad, masaklap ay sabay pa sila.
“Mauna na ako, pards,” paalam niya sa kaibigan nang makita niya ang paparating na jeepney.
Sakto ang dating nun nang makarating sila sa labasan.
“Ingat, pards. Pass muna sa chicks ngayon, trabaho muna,” saludo nito sa kanya na tinawanan niya nang mahina.
Sumilip siya sa loob ng jeep, kabilaan para makita kung may bakante siya. Hindi siya sasabit dahil pormado siya. Nang makita siya ng mga kababaihan sa loob ay agad ang mga iyong nagsipagsiksikan papausog, para magkaroon ng espasyo. Tumayo naman bigla ang isang may edad na lalaki, na nasa may bandang gitna ng sasakyan.
“Dito ka na, bata. Papasok ka yatang trabaho.”
Tumango siya roon at saka siya naupo sa iniwan nun na bakanteng pwesto. Ang laki niyang tao at dinaig niya ang artista na pinagtitinginan ng ibang mga pasahero. Sanay na rin siya na madalas na kinukunan ng stolen shots. Bakit nga ba hindi na lang siya pumasok na modelo? For three fine long years, many asked him if he’s interested but he is not. Hindi niya gustong makita siya ng mga taong huma-hunting sa kanya.
Napasilip si Phoenix sa bintana ng jeep nang matigil sila sa kalagitnaan ng traffic. His eyes automatically squinted and his his thick brows were pulled in one line when he saw a familiar woman.
Sakay ng isang pulang convertible car ang isang babae na nakaitim. Tila iritable ito sa traffic dahil nakasimangot ang namumulang nguso.
Tang-ina! Si Venice.
Tumingin ito sa gawi niya kaya agad siyang nagbawi ng tingin. Itinago niya ang ulo. Hindi sila pwedeng magkita ng babaeng ito. Mabilis niyang sinilip ang traffic light at sa wakas naman ay umusad na ang jeep na kanyang sinasakyan. Nakahinga si Phoenix nang maluwag. Hindi puwedeng masira ang araw niya kay Venice. Hindi sila pwedeng magkaharap. Trabaho ang hanap niya sa araw na iyon at hindi sakit ng ulo. He needs a job ang that’s it, not Venice.
…
Bumaba si Phoenix sa jeepney at agad niyang tiningnan ang matayog na building ng mga Lauren, ang Lauren Real Estate Company, na nakita niya sa diyaryo na may hiring sa iba't ibang departamento. Doon lamang siya sa mababa mag-a-apply. Baka kapag ginusto niyang upuan ang pwesto bilang executive ay mabuking siya na peke ang kanyang mga papel.
Humakbang siya papasok sa building at hinarang siya ng mga gwardiya, gamit ang mga detector. Tumayo lamang siya roon nang tuwid at naghintay hanggang sa ganap siyang nakapasok.
A giant tarpaulin welcomed him and he was stunned. Napatulala siya sa litratong nakaimprenta roon. Sa tantiya niya ay umaabot sa ten feet ang litrato. It’s a woman—no a young lady, wearing a red gown. Ang tapang ng mata ng babae kahit na halos walang gaanong make-up. Seryoso ang aura nito at para itong dyosa na hindi patitinag kanino man. Who is this woman? Hindi naman niya nakita pa ni minsan ang babaeng ito sa mga pahayagan o kung saan man. Anak ba ito ng may-ari ng kumpanya? But no, Venice is Mr. Hector Lauren's only daughter. Alam ni Phoenix na wala ng iba pang anak ang bilyonaryo na iyon.
“Ang ganda pala ng magiging boss natin at sobrang bata pa,” anang isang lalaki sa may likuran ni Phoenix.
Hindi siya lumingon para tingnan ang mga iyon pero lumaki ang mga tainga niya.
The heiress…
That’s the words printed down the tarpaulin. This is Hector Lauren's heiress but how about Venice? Kaya ba busangot ang babae na iyon sa kotse dahil hindi iyon ang nagmana ng kumpanya ng kinilalang ama?
Ito kayang babaeng nasa litrato ang anak, o tunay na anak?
“Parang dyosa ang anak ni Mr. Lauren,” ani pa ng isang lalaki na mukhang kasama ng unang nagsalita.
“Hindi ‘yan anak, mate. Asawa ‘yan.”
Laglag ang panga niya at lalo siyang napatulala sa napakagandang babae na iyon, pero ang kasunod nun ay ang mapang-uyam na ngisi na sumilay sa labi niya.
Slut.
Tinanggal niya ang mga mata sa litrato kasabay ng pag-iling. Another woman who damn used her charm and age to capture an old man who’s nearly dying. Iba talaga ang nagagawa ng pera at ng yaman, kahit na virginity at karangalan ay naipagpapalit, umangat lang sa buhay. Iyon ang mga pinakapangit na babae para sa kanya kahit na anong ganda ng pisikal na anyo at puti ng balat. He hates gold diggers. Sana ay nagminero na lang ang mga iyon para may silbi, hindi iyong kakapit sa mga lalaking may apat na M, matandang mayaman na madaling mamatay. Iyon ang mga taong ayaw magbanat ng buto at gusto ay easy money na lamang, galing sa mga sugar daddy.
Bitchy heiress, he concluded in his mind. Ganoon ang tingin niya sa babaeng bago niyang magiging boss, dahil pihado naman na matatanggap siya sa trabaho. Wala pa naman siyang inaplayan na hindi siya natanggap. Nagkataon lamang na natengga siya dahil gusto niyang makahanap ngayon ng mas desenteng trabaho. At salamat sa balyenang intsik na nagbigay sa kanya ng diyaryo, dahil nakahanap siya ng napipisil na pag-aplayan. And now he’s here.
Mag-a-apply siya na isang Real Estate receptionist.
Phoenix looked behind him and he was not surprised seeing numerous applicants. Talagang namang kahit na sino ay gugustuhing makapasok sa isang kumpanya tulad ng LRE Company. Ito ang pinakatanyag na Real Estate, tatlong taon na ang nakalilipas. Naungusan na nito ang kalaban, sa pagkalaalam niya.
May lumapit na sa kanilang isang babaeng empleyada, nakasalamin at may edad na pero bigla itong natilihan nang may pumaradang limousine sa harap ng building.
“Si Miss Paige,” anito at parang biglang nabalisa.
Ang daming bantay ang nagsipag labasan sa mga sasakyan at mula roon ay bumaba ang sinasabing Miss Paige.
Fuck!
“Ang ganda,” bulong ng mga kalalakihan na kapwa niya aplikante habang siya ay sinarili ang komento.
Nakasuot ang babae ng palda, kulay itim at walang kasing ikli. Labas ang hita nitong mapuputi at halos walang makitang balahibo. Hindi ito tipikal na mga babaeng mahahaba ang biyas pero may sarili itong ganda na hindi maipagkakaila. Katerno nun ay isang putting blouse at itim na pang-ibabaw. Hindi matangkad ang babae pero mukhang tumangkad dahil sa suot na sapatos. Nakataas ang noo nito habang naglalakad, hawak ang clutch bag. Her hair is brown, long and has big curls. Halos umabot sa gulugod nito ang buhok at mukha naman itong manika sa personal.
Hinawi sila ng mga bodyguards pero tumigil saglit ang babae at mabilis silang pinasadahan ng tingin.
“Good morning, Miss Paige!” bati ng babae na mukhang mag-a-assist sa kanila.
There’s no answer from the woman.
“I don’t want applicants who do not have sense. I will conduct the final interview even to the very least position my company needs, so if you don’t have sense, just leave and bring your papers with you. I don’t want trash in my company.”
She immediately turned her back on them and Phoenix just raised his brows, watching her hips as they sway while she walks.
She’s tactless indeed. Naiiling na lamang siya dahil akala naman ay kung sino itong magsalita, kumapit lang naman sa mayamang mamamatayin para makaangat sa buhay. Lalo siyang nabwisit dito at kahit na gaano ito kaganda ay walang magbabago na isa itong minero, minero sa kaban ng lalaking mayaman.
“Ahm, good morning, again. That’s our boss. Maswerte kayo na mga aplikante pa lang kayo pero nakita niyo na siya. Ako si Gina Guanson and I’m in charge here to accompany you. Mabilisan ang pag-hire ng kumpanya ngayon. Dadaan ang mga papel niyo sa tatlong tao. Ang ikatlo ay si Miss Paige at siya rin ang first and final interview. Dito na kayo,” ani Gina saka ito parang nagmamadali at mauubusan ng oras.
Sumunod sila sa kung saan ito papunta at dinala sila sa isang parte ng building na maraming upuan. May kanya kanyang grupo ng mga upuan ang bawat posisyon na pwedeng pag-aplayan kaya hinanap niya ang sa kanya. Kampante siyang naupo sa isa sa mga stainless na silya at naghintay ng taong lalapit, para ipasa niya ang dalang resume, application letter at iba pa.
…
Halos maghapon na ang lumipas at nabawasan na ang mga aplikante. Sa unang rebisa pa lamang ay marami ng napauwi. Ganoon kadirekta ang kumpanya. Wala iyong paliguy-paligoy na papaghihintayin pa ang aplikante sa wala. Kapag hindi pumasa ang papel, uwian na!
At si Phoenix ay isang maswerteng nilalang, na isa sa mga natira roon. Nananghalian lang siya ng kikiam at fish balls sa tabi tabi tapos ay balik agad siya sa kumpanya. Tumingin siya sa suot na relo, mag-aalas cinco na pero hindi pa siya tinatawag para sa interview. 25 na lang sila roon na aplikante para sa Real Estate Receptionist na posisyon.
Marahas na siyang napakamot sa ulo.
“Phoenix Montebello, 32nd floor,” anang boses sa speaker na natingala niya,kaya mabilis siyang tumayo at naglakad papunta sa elevator.
Sa wakas natawag din siya. Wala siyang pag-aatubili na sumunod sa assistant. Diretso siya sa sinasabing floor, kasama si Gina. Ito ang in-charge sa Receptionists. Kampante siyang lumabas matapos na bumukas ang lift at humakot siya ng mga mata mula sa mga kababaihan doon. Seryoso ang mukha niya habang sulyap lang ang binibigay sa mga iyon. Dinala siya ni Gina sa isang conference room at bumukas ang salaming pintuan.
There he saw a woman, standing behind the conference table. May tinitingnan itong folder tapos ay isinara na lamang iyon basta, saka dinampot ang bag.
“Miss Paige, here’s the last applicant, Real Estate Receptionist,” ani Gina rito.
Mataman na pinagmamasdan ni Phoenix ang lady boss na ngayon ay napagtatanto niyang mas bata sa kaysa sa unang tingin dito.
Parang wala itong narinig at isinuot ang coat na hawak ng isa pang babae, na mukhang alalay nito.
Nang matapos ito sa ginagawa ay saka ito tumingin sa kanya, taas ang noo, pati na mga kilay.
“I don’t have time anymore,” she directly said and started walking, not minding his presence.
Tigalgal siya at kauna-unahan iyon sa tanan ng buhay niya. Tang-ina! Naghintay siya ng maghapon para lamang sa, 'I don’t have time anymore’, na linyahan nito?
Hindi siya makapapayag.
Nang tumapat ito sa kanya para lumabas ay agad niya itong hinawakan sa braso, na agad naman nitong iwinaksi.
“Ma'am, maghapon na akong naghintay dito para interview. I know I’m qualified. Kasama ako sa naiwan pagkatapos ng elimation. Nakapag-exam na ako,” aniya pero tila balewala rito ang mga salita niya.
Pinakatitigan siya nito sa mukha tapos ay sinuri siya mula ulo hanggang paa, saka pabalik.
Shit!
Gusto niyang matawa sa ginawa nitong pag-araro sa kanya ng tingin. Masyado itong bata para maging boss.
“I said I don’t have time. May mas importante akong pupuntahan kaysa harapin ka, Mister. Gina certainly knows what I meant with my words so don’t talk to me when I don’t give you permission to do so, or else you’ll be fired right away even you’re just hired,” mataray itong umirap at nadilaan na lang niya ang labi sa pagtatago ng inis.
Itinapal nito sa dibdib niya ang hawak na folder, na kaagad naman niyang nahawakan.
Nagtagis ang mga bagang niya pero sarili lamang niya ang nakakaalam.
Tumaas pa ang mga kilay nito kaya tumango siya.
“Good,” she said and turned her back on him, “At least hindi ka tanga.”
Fuck! Gusto niyang lamukusin ang bunganga nito sa sobrang talas. Kung isubo niya kaya rito ang p*********i niya para matahimik ito at matauhan? Kung dangan lang na kailangan niya ng trabaho, baka hindi niya ito sinanto.
“Masanay ka na, ganyan talaga siya, masungit pero huwag mo ng intindihin dahil narinig mo naman, hired ka na. Halika na at may mga sasabihin pa ako sa'yo. Congratulations,” ani Gina sa kanya.
Napilitan na ngumiti si Phoenix dito. Lumabas sila ng kwarto na iyon at natanaw pa niya si Paige Lauren na naglalakad sa pasilyo. Bakit ba hindi si Venice ang nasa kumpanya na iyon, mas madali sana siyang makapasok at wala sa kanyang masusingit, pero ayaw niya. Nagtataka lang siya kung bakit sa ibang kamay napunta ang yaman ni Hector Lauren at hindi sa anak. Napunta iyon ay sa isang taklesang babae na tingin sa sarili ay diyosa, pandak naman.