BH 6

1511 Words
BH 6 PHOENIX looked at Katrina who was so devastated. Walang humpay yun na kumakamot sa buhok tapos ay papadyak. Kung nakakatuklap lang ng anit ang dahas ng pagkamot nun, malamang kalbo na yun kanina pa. "Diyos ko! Kung kailan naman kailangan, saka naman tumatambay!" Mainit ang ulo na padyak nun sa kasamang si Gina. "Patay talaga yun kay Lady P, sigurado. Sasabihin pa ba natin na lumabas?" "Diyos ko, hindi ko alam. Ayoko naman magsinungaling kay Lady P. Baka ako ang malintikan kapag nalaman na hindi ako nagsabing totoo, pero nakakaawarin naman si Mang Jun. Baka naman napapagod yung tao kaya nagpapahinga nang kaunti." Siya naman ay nakaupo lang, nakiki-Marites. Kabababa lang niya ng telepono at ikinonekta niya sa Head office ng secretary ng isa sa mga boards. Madali niyang nakuha ang linya ng trabaho niya. Hindi naman kasi siya mahirap turuan. Basta ba may guide siya sa una at naipaliwanag nang maayos ang lahat, kayang kaya na niya. "Susko, balisa ang dalawa. Ano kayang problema?" Bulong ni Helga sa kanila ni Jessie. Pangalawang araw na niya roon at itini-train pa rin siya, under monitoring. He likes his job. Parang call center agent ang dating niya. "Mukhang matindi. Tamo ang mukha ni Miss Katrina," sagot naman ni Jessie. "Saan tayo huhugot ng messenger? Baka tayo ang hugutin ni Lady P!" Maiyak-iyak na sabi naman ni Gina, "Ayun, si Phoenix!" Sigaw ni Gina sabay turo sa kanya. Messenger? Siya? Nag-uunahan ang dalawang babae sa pagpunta sa kanya at dali-dali siyang itinayo. "Sandali, hiramin ko muna ito," ani Katrina saka siya marahas na hinila. Daig pa niya ang preso na tatakas. Tig-isang braso ang hawak ng dalawa at isinakay siya sa elevator. "Receptionist ako, hindi messenger," aniya sa mga ito. "Saglit lang naman, Phoenix. Malilintikan kami kay Lady P kapag walang messenger. May urgent siya. Kailangan niyang maipadala raw yun at hindi niya pwedeng ipagkatiwala sa iba," sagot ni Gina na parang nakikiusap ang tulis ng nguso. Kahit na nasa loob sila ng lift ay hawak pa rin siya ng mga ito. "Hindi pala pwedeng ipagkatiwala sa iba, bakit ako ang bitbit niyo? Baka mamaya ako ang balatan nun nang buhay. Kita niyo naman na napakataray," anaman niya at parang ka-close na rin niya ang dalawa. Nawala na rin ang paggalang niya dahil sa kilos ng mga ito. Daig pa nito ang mga nagkakagulong trumpo. "Pagkakatiwalaan ka nun dahil empleyado ka na rito," Mabilis naman na sagot ni Katrina. Wala siyang nagawa kung hindi tumingin sa numero ng elevator. Kapag siya napahiya, ihuhulog niya ang mga ito sa building. Hindi naman sa takot siya kay Lady P, masyado lang yung matabil, at baka di siya makapagpigil ay gamitan niya ng kanyang magical na bibig para tumahimik. Hila pa rin siya ng dalawa nang bumukas ang elevator. Tumuloy siya sa office of the Chairman. Kumatok lang si Katrina ng dalawa tapos ay itinulak ang pinto. Una iyong pumasok sabay hila sa kanya. A very feminine scent filled his nostrils and a portrait filled his eyes. Napatanga siya sa buhay na buhay na litrato ng isang lalaki, na kung hindi siya nagkakamali ay si Hector Lauren. He just stared at it for a while and moved his eyes to the busy lady in her throne. Hindi iyon tumitingin sa kanila. "Lady P, nandito na po ang messenger," ani Katrina kaya nag-angat na ang dalaga ng tingin, pero naman ay agad na napakunot noo, saka sumungit ang tabas ng magandang mukha. "I said, messenger. Where?" Malumanay na tanong nun pero mukhang naiinis. "W-Wala po si Jun. Lahat ng messenger may inihahatid pero si Jun lang ang nandito, di ko naman matagpuan. Nag-Nagpaalam daw Lady P na... m-magsisigarilyo muna." "Oras ng trabaho?" Tanong pa nito kaya tumango si Katrina. Kitang-kita ang pagkainis nito sa narinig na balita. "Well then, humanap ka na ng ibang messenger. Manigarilyo na lang kamo siya habambuhay." gigil na utos ni Paige at halos mapasapo sa noo. Parang pigil na pigil nitong maimbyerna. Siguro ay takot itong pumangit at tumanda. "O-Opo, Lady P," Mabilis na tumalikod si Katrina at iniwan si Phoenix na nakatayo roon. "You," duro nito sa kanya kaya itinuro naman niya ang dibdib, "anong tinatanga-tanga mo riyan? Come here," ani Paige sa kanya kaya naman nahigit niya ang paghinga. Diyos ko. Baka sa kauna-unahang pagkakataon ay makasapak siya ng babae. Humakbang siya pero umiinit ang ulo niya. "I have here... this," anito saka inilabas ang isang box mula sa drawer. Hindi pa man nabubuksan ay alam na ni Phoenix ang laman ng itim na kahon na 'yon, alahas. "Deliver this to this address and look for this person. Ask for an I.D., if no I.D was shown and the receiver isn't the person on the I.D, don't give this. Do you get it?" Tumaas ang isang kilay nito. Tumango siya. Paige stood up with so much grace. Napatingin si Phoenix sa balakang nito. Napakaikli na naman ng suot nitong palda. Hindi yun palda, bestidang puti. It has puffed sleeves but the neckline was too deep. Naglakad ito papunta sa may isang salaming cabinet at kumuha ng paper bag doon. "I will entrust you with this, Mister but if something inappropriate happens, you'll be liable." Anito habang naglalakad pabalik sa mesa. She opened the box. Isang kwintas ang naroon, may mga bato, at isang pares ng mga hikaw na mahahaba. Sinasabi na nga ba niya. "Lady P, hindi naman ako ang messenger. Bakit ako?" bigla siyang ninerbyos sa mga sinabi nito. Baka maholdup siya, paano ang gagawin niya? Ano namang ibabayad niya sa lintik na ipinahahatid nito sa kanya? Lumipad ang mga mata nito sa kanya, "Ganyan ka ba makipag-usap sa boss mo? Walang paggalang? Hindi ka ba tinuruan na gumamit ng po o ng opo?" Pakiramdam niya ay kumibot ang bagang niya. "Bata pa naman po kayo, Lady P." "I'm still your boss! Empleyado lang kita!" Galit na asik nito sa kanya, "Hindi mo ako madadaan sa pagpapa-cute mo." "Hindi naman po ako nagpapacute, Lady P, unless naku-cute-an po kayo sa akin," aniya sa gitna ng pagkabwisit na nararamdaman niya. This woman is so sassy. Parang di ito marunong makaramdam sa magiging damdamin ng ibang tao sa oras na magsalita ito ng masasakit at manlait. Baka nga tama si Venice. The way Lady P talks, no wonder that she is so manipulative. Ganito siguro nito pinaikot si Hector Lauren noon, kaya ngayon ay ito ang nagtamasa ng lahat ng meron ang matandang bilyonaryo. "Just do your job," she said without any emotion. Isinara nito ang paper bag at idinikit ang sticky note doon. Nakatitig lang siya rito at inaaral ito nang husto. Bakit parang manhid ito, samantalang ang mga kababaihan ay nagkakandarapa sa paghahabol sa kanya? Well, because he isn't rich. Yun ang dahilan kaya parang wala siyang epekto rito. Pang squatters lang siguro ang dating niya. "Naniniwala ba kayo sa karma?" Tanong niya rito kaya napatigil ito sa ginagawa at saka tumingin sa kanya. She crossed her arms over her chest and a part of her chest became visible. Napasulyap siya roon. "Gusto mong masisante?" Mataray na tanong nito sa kanya. "Sa anong rason naman po, Lady P?" Nakangiti niyang kinuha ang paper bag at nakalabing binasa ang nakasulat dun na address at pangalan, "Sa pagiging messenger kahit na ang inaplayan ko ay receptionist? Labas po siguro sa job description ko ito, pero dahil utos ng Lady boss ko, susundin ko." Hindi ito nakaimik kaya tinalikuran na lang niya. Nakapuntos siya kaya halos mailing siya pero sinarili niya. "Kung may iba pa po kayong ipagagawa, kaya ko lahat," lumingon siya at kinindatan ang dalaga. Phoenix didn't know if she blushed or it was just his imagination. Imposible sigurong mag-blush ang bato. Lumabas na siya nang tuluyan, pasipol-sipol lang kaya ganun na lang ang pagkatanga ng dalawang nagti-tsismisan na sina Gina at Katrina. "H-Hindi na highblood?" Takang tanong ni Gina, kukurap-kurap sa kanya, nakatingin sa bitbit niyang paper bag. He shook his head, "Na-stroke lang." Napahahikhik sabay ang dalawa sa kanya. "Sira ulo ka pala, Phoenix pero mukhang nadala mo sa kagwapuhan si Lady P." Sana nga ganun kaya lang nalait din siya. Mukhang mas manhid pa 'yon kaysa sa rebulto. Gusto niyang isipin na dahil lang iyon sa pagiging balo at kawalan ng asawa, pero narinig niya sa mga tsismosa sa paligid na talagang ganun na raw yun, magmula nang ikasal kay Hector Lauren. Ibig sabihin nun, lumaki ang ulo ni Paige Lauren mula nang maging mayaman. Ang hindi niya alam ay ang background nun, dahil wala raw nakakaalam. Baka kung meron man, si Venice. Kapag humingi naman siya roon ng impormasyon, kung anu-ano lang ang hihingin nun na kapalit. At parang naiirita na rin talaga siya sa boss niya. Parang pakiramdam ni Phoenix ay masyado iyong mapagmataas sa sarili at nanghahamak ng regular na empleyado. Taliwas ang sinasabi ng may ari ng karinderya kaysa sa nakikita ng mga mata niya at nai-experience niya. Baka kaya akala ng mga yun ay mabait si Paige dahil kay Hector. Si Hector, walang duda na mabait, plus dakilang tanga na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD