BH 5

1533 Words
Chapter 5 Hila ni Phoenix ang kamay ni Venice nang ilabas niya ito sa lobby ng building. Lumayo sila sa mga taong pwedeng makakarinig ng mga pag-uusapan nila. "What the f**k are you doing here?" Tanong niya rito sa naiinis na tono. Mataray siya nitong sinuri tapos ay tinaasan ng mga kilay, "Ako siguro ang dapat magtanong sa'yo ng ganyan, Phoenix. Anong ginagawa mo sa kumpanya ng impaktang si Paige?" "E di nagtatrabaho. Ano pa ba?" Halos mapahilamos siya ng mukha. Kaya nga ba ayaw niyang magkita sila ng babaeng ito. "Oh, come on. Don't make me a stupid person here. Ikaw, magtatrabaho rito?" "Oo nga! E ikaw, bakit parang desperada ka? Wala kang mana?" Ngisi niya pero lalong pumangit ang tabas ng mukha nito. "She stole it. She manipulated Daddy. Ang Nanay niya aasawahin si daddy tapos nang mamatay siya mismo ang umasawa para walang kawala ang yaman! Isn't it disgusting?" Kumibot ang mga panga niya. So, that's the filthy story behind the bitchy heiress. Tama nga ang hinala niya, gold digger si Paige Lauren. "Bakit hindi mo i-contest ang karapatan mo?" "How? Nakikita mo naman ang tayog at yabang niya?" Tumango siya. Wala ngang mangangahas na bumangga sa ganung klase ng tao, makapangyarihan, maraming ari-arian. Baka hindi pa nag-uumpisa ang kasuhan, talo na si Venice. "Help me," anito at hinawakan siya sa braso. "No way, Venice. I'm all good." Sinukat siya nito ng titig at hindi kaagad nagsalita, saka ito lumingon sa entrance ng building. Sa tantiya ni Phoenix sa mukha nito, parang may kung anong ideya itong naiisip, na hindi niya nagugustuhan. "Binalaan kita, Venice. Huwag mo akong idamay sa problema mo," naiinis na sabi niya rito pero bigla itong malungkot na tumingin sa malayo. Fuck. "Sige. I nearly forgot that my own brother left me." Oh damn it. Tinalikuran niya ito, "Umuwi ka na, Venice. May trabaho pa ako." "Sige, kapag hindi mo ako tinulungan, malalaman ng lahat kung nasaan ka." Fuck! Phoenix looked back at her. She's still the stubborn Venice Lauren. Tuluyan niya itong nilayasan habang iiling-iling siya. Like what? Bwisit talaga si Venice kahit kailan. Kung kailan naman siya natanggap sa trabaho, saka naman iyon susulpot at tatakutin siya. NAPAPIKIT si Paige nang makapasok siya sa kanyang opisina. The face of the made who made her who she is today greeted her eyes. May malaking portrait si Hector sa loob ng office at hindi niya iyon pinatanggal. She really loves this man more than anyone in this world. Up until now, she still cries for him. Noon, walang may lakas ng loob na magparinig sa kanya at mang-away, dahil kahit may sakit iyon, parati siyang ipinagtatanggol sa lahat. He spoiled her. He protected her, and no one could ever do the same thing he did. Si Hector ay isa lamang sa mga pambihirang tao sa mundo, na kayang magmahal sa mga taong hindi naman kaanu-ano. Bwisit na Venice! Venice was the adopted daughter of Hector. Sa pagkakaalam ni Paige, limang taon pa lang si Venice nang kupkupin nun at alagaan, at nang labindalawang taon na yun ay siya rin namang pagdating nila ng Nanay niya sa buhay ng lalaki. Lihitimong Lauren ang apelyido nun, tulad din ng kanya, pero nakasaad sa testamento na lahat ay sa kanya nakapangalan, walang ni isa mang pamana kay Venice na related sa kumpanya, liban sa isang mansyon sa Ayala at isang Ferrari. Iyon malamang ang ipinagpuputok ng tombong ng babaeng iyon kaya sinugod siya. "Ang kapal!" Gigil na halos masabunutan niya ang sarili saka siya nagmulat. She marched toward the giant portrait on the wall. Nasa pagitan iyon ng dalawang salaming ceiling to floor window. "Nakakagigil 'yang anak mo ha," aniya kay Hector na para bang sasagot yun. Palakad-lakad siya sa harap nun. "Sorry kung nasaktan ko. Yun naman ang sabi mo, 'wag akong paaapi kahit kanino. You taught me how to fight. That's what I'm doing right now because if I don't do it for myself, nobody else would. Wala ka na," aniya saka bumuntong hininga, "Don't worry. Parati kong aalagaan ang lahat ng pinaghirapan mo kahit na pakiramdam ko, walang may gusto sa akin dito." She smiled bitterly. Naluluha siya sa kaisipan na yun kahit na sabihin pa man na pinakapal na niya ang mukha niya. Sarili niyang ama, hindi siya ginusto. Lahat na lang ng tao, hindi siya gusto. "Lady P naman. Nandito naman ako, gusto ko naman na nandito ka," ani Katrina sa kanya kaya nilingon niya ang babae sa may pintuan. She smiled a bit and nodded, "Mostly don't want me here. Pakitawagan mo nga si Atty. Ventura. Tell him that Venice went here. Padalahan kamo niya ng sulat na kung may complain, sa kanya makipag-usap. If I decide, I'll shut her off from this company." "Tingin ko ay mas dapat niyong gawin 'yan para 'wag ng bumalik dito. Nakakaimbyerna ang kaps ng mukha nun, Lady P. May magagawa ba siya kung ayaw siyang pamanahan ni Chairman?" Tumingin siya muli kay Hector. Tama lang naman talaga na huwag yung pamanahan dahil wala naman yung silbi sa buhay ni Hector. Nagkasakit na ang ama-amahan ay mas inuna pa ang magbakasyon sa ibang bansa. Tapos nang maging TNT dahil overstaying na, rumaraket kahit wala naman working Visa, si Hector ang tatawagan. Sa pagkakalam ni Paige, that was the last time Hector did something for Venice. Tinulungan yun ng asawa niya pero huli na yun. Tinotoo ni Hector ang paglimot sa anak-anakan na masyado raw nag-iinarte, habang walang kamalay-malay na ang amain ay may taning na ang buhay. Hindi niya talaga masisisi si Hector kung walang ipinamana kay Venice ni katiting na pera o parte sa kumpanya. Siya kasi, never siyang namasyal sa ibang bansa. Hindi siya maluho. Sa bahay lang siya, kasama yun, inaalagaan at pinasasaya. Nag-aral lang siya sa ibang bansa pero hindi niya ginawang advantage yun para siya ay magliwaliw at magwaldas ng salapi sa pagsa-shopping sa mga kilala at mamahaling boutiques doon. She only wears branded and expensive clothes, shoes and bags because it's necessary for a billionairess like her to dress up like that. Iyon din ang sabi ni Hector, bihisan niya ang sarili niya para sa damit pa lang daw na suot niya o takong ng sapatos niya, matakot na ang taong gustong mag-amok ng away sa kanya. Hinugot ni Paige ang USB na nakakabit sa aparato, tapos ay may kinuha lang siyang ilang papales sa drawer, naglakad na siya papunta sa pintuan. "Huwag mo na akong ihatid, Katrina, kaya ko na," Aniya sa assistant, na mabilis namang tumango. Iniwan niya iyon habang kipkip ang kanyang files. Naglakad siya na parang nasa bahay lang siya hanggang sa elevator. Paglabas niya sa lobby ay dumarami na ang mga empleyadong pumapasok. Nahahawi ang mga tao kapag daraan siya, umiiwas na para bang isa siyang Coronavirus, pero may isang taong hindi umiwas sa daan niya. She was looking at this man. How could she ever forget him? Ito ang pinakagwaping aplikante kahapon, at kahit na masungit siya, wala naman siyang katarata para hindi makita ang itsura nito. He was so towering above all of the applicants. Maganda ang katawan nito na parang hinulma. Maganda ang kutis. Hindi ito tipikal na maputi. He has fair skin but not too much, hairy arms. Ang mga mata nito ay mapaglaro kung tumingin, makakapal ang mga pilikmata, matangos ang ilong, mapula ang mga labi na parang gustong manghalik parati. At ang pinakagusto niya rito ay ang buhok nitong ang linis tingnan. The top was two inches in length perhaps but the sides were neatly cut. Mas bagay itong maging isang CEO kaysa sa receptionist. The other corner of his lips tipped up, "Akin na po 'yang dala niyo," anito sa kanya pero normal na seryoso ang aura niya. "I can manage," she said to him. "Mabigat po," anito at pilit na kinuha ang mga iilang files na yakap niya. Napilitan si Paige na ibigay yun kaysa naman saan pa tumama ang mga kamay nito. Nagpatiuna siya at hindi ito pinansin. She has to maintain her stance. Nasa likod niya si Phoenix, inihatid siya hanggang sa limousine. Nakipag-unahan pa ito sa bodyguard niya sa pagbubukas ng pinto ng sasakyan, tapos ay nakangisi sa kanyang iniabot ang mga dala-dala. "Ingat po, Lady G." Paige looked at him with irritation, "Lad P, not G," mariin na pagtatama niya, "Nag-apply ka sa kumpanya ko pero hindi mo alam ang pangalan ng Chairwoman?" "Alam ko po, Lady G," anito pa kaya lalo siyang suneryoso, "Lady Gorgeous." Paige saw how her bodyguard hid a smile. Siya man ay parang kinilig pero agad niyang iwinaksi. "Ang lakas mo namang mambola, Mister. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo," aniya rito dahil alam niyang ginagaga lang siya nito. She promised herself that she would never be like her mother. Ang akala nun ay magiging masaya sa piling ng ama niya pero nagkamali pala. Noong una raw ay mabait pero nang lumaon ay lumabas ang tunay na kulay. Mahirap na madala sa mga pambobola ng mga lalaki, lalo pa kung tulad ng isang kaharap niya ang bumubola, pihadong makakahatak talaga. Nilayasan niya ito nang tuluyan siyang sumakay at pinagsarhan ito ng pinto na walang pasasalamat man lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD