BH 8

1500 Words
BH 8 NABITIN sa ere ang paghikab ni Phoenix, sa tabi ng kalsada nang bigla siyang businahan ng isang sasakyan na mas higit pa sa pamilyar, ang sasakyan ni Venice. Kalalabas pa lang niya galing sa trabaho. Sa totoo lang, halos tapos na rin naman ang office hours ng dumating siya. Hindi naman talaga siya masyadong natagalan sa paghigintay kay Porsha. Natagalan siya dahil nakipagkwentuhan pa yun sa kanya. And one more thing, naligaw pa siya at mali ang napuntahan na address. He looked at the car. Tang-ina! Marahas niyang kinamot ang ulo. Pagod pa siya sa paghahatid ng padala ni Lady P para kay Porsha, heto pa at may isang asungot na nakakapikon. Suot ang kanyang leather body bag na nabili niya rin sa ukayan ay pumameywang siya nang tumigil si Venice sa harap niya, sakay ng convertible car nito. "Going home?" Nakangisi nitong tanong per umiling siya. Natanaw niya si Aldo, dala ang isang hauler, ang hauler ng bayan. Kakaway-kaway sa kanya ang kaibigan, nasa kabilang parte ng kalsada. "Sabay ka na," ani pa ni Venice kay Phoenix na agad niyang inilingan. "Hindi na, Venice." Bumuntong hininga ito sa kanya at pinukol siya ng isang mataray na tingin. "Okay, mabilis akong kausap. Uncle Thomas is just one call away," anitong may pagbabanta kaya nanigas lang ang mga panga niya. He looked around and pursed his lips before settling his eyes back to her again. "Ano ba talaga ang gusto mo, Venice?" Napakibit balikat ito, "Simple. Tulungan mo akong bawiin ang mana ko." "Paano ko yun magagawa? Nanakawin ko?" Pilosopong sagot niya rito. "Nope," she proudly answered, scanning him, head to toe, "Sa kagwapuhan mo, walang babaeng hihindi sa'yo. Madali lang for you to make her fall and when she falls, you're going to marry her and voila!" "Hah!" Napahalakhak siya pero pilit yun, "At tingin mo naman ay hindi siya magpapa-prenup?" "Not when she's madly in love with you. Come on, Phoenix, mukhang nawawala na ang kamandag mo. Kaya kitang gastusan sa divorce. Mabilis lang yun gawin basta nasa pangalan ko ang yaman na makukuha mo. I'll be quiet. Your secret is safe with me." Hindi siya umimik. Napatiim-bagang na lang siya sa katusuhan ni Venice. Malinaw na blackmail ang ginawa nito sa kanya. Madali lang para sa kanya ang lumipat ng lugar para manatiling solo siya sa buhay, pero ang mga naging pamilya niyang itinuturing sa loob ng marami na ring taon ay mawawala. Si Aldo at si Luningning ang mga taong kanyang naging pamilya. Kapag umalis siya ay maiiwan ang mga yun. Hindi niya kaya. Sino ba si Paige Lauren para sa kanya? Ay isa lang naman niyang kinaiinisan din ang pagkatao ng babae na yun. "Tatanggihan mo ba ako, kapatid?" Anito na nga kaya nanulis lalo ang mga labi niya. "Panindigan mo ang mga salita mo Venice. Maghintay ka ng resulta," aniya kaya ang lakas ng hagikhik nito. "Thank you!" Tili pa ni Venice kaya naman napailing siya. "Napakabait mo talagang kapatid! I couldn't ask for more, Phoenix!" "Whatever, Venice," aniya sabay layas. "Dati lang ang number ko, just in case you want to give me an update!" Pahabol na hiyaw nun pero hindi na rin naman niya nilingon pa. He crossed the street and went straight to Aldo. "Tang-ina mo, kapatid may chic ka na naman na bago, naka tsekot pa!" "Ulol," aniya, "Hindi ko yun babae." "E ano mo yun?" Sa halip na sagutin ay umikot siya sa hauler at pinakamasdan yun, " Saan mo ako pasasakayin?" "Dito ka malamang sa likod ko. Gagawin mo naman akong driver kapag diyan ka sa loob sumakay." "Tara," aniya rito saka siya sumakay sa likod nito pero napatingin siya sa limousine na dumaraan. Nakita niya na nakasilip doon ang kangang lady boss, ang kanyang next target. Phoenix smirked and winked at Paige when their eyes met. Target locked. TANG-INA, babangga!" malakas na sigaw ni Phoenix sa kaibigan nang makita niya ang biglaang pagpreno ng limousine sa harap nila. "Patay na! Patay na!" Sigaw naman ni Aldo at halos parang gusto ng i-preno ang mga paa. Lumawit na iyon sa tagiliran ng motor. Ang katuwaan nila na sundan si Paige Lauren ay mauuwi ngayon sa isang trahedya. Sumalpok siya sa likod ng limousine kaya ganun na lang ang pagpikit niya. Halos umangat pa ang tagiliran ng hauler. Diyos ko. Patay na talaga! Anang binata sa isip niya. Mapapatay niya una si Aldo. Bigla iyong bumaba sa hauler at dali-daling kumaripas ng takbo. "Papatayin kita pag-uwi ko!" Sigaw niya sa matalik na kaibigan sabay pakita niya ng kamao roon. Bumaba ang driver ng limousine. May humuni sa likod niya, isang itim na kotse, tapos ay bumaba ang mga armadong lalaki. Phoenix cleared his throat. "Bata, alam mo ba ang halaga ng nabangga mong sasakyan? Baka kulang pang ipambayad ang buhay mo," iiling-iling na sabi ng isang may edad na lalaki, naka uniform ng isang driver. "E bakit po ba kayo nag full stop?" Tanong niya rito. "E may tumawid na babae sa green na traffic light." "Yun ang sisihin niyo hindi ako," anaman niya. "Aba, mayabang ito," sabi naman ng isang lalaki sa likod niya, "Siya na ang nakabangga gamit ang bulok niyang service, siya pa ang antipatiko." "Hindi ako antipatiko!" Pikon na sagot niya, "Sinasabi ko lang ang totoo. Bakit? Ilang metro ba ang dapat na distansya ko sa bilyon na sasakyan ng amo mo? Pag-aari niyo ba ang kalsada na ito? Dapat magpagawa kayo ng sarili niyong kalsada. Sa dami ng sasakyan, talagang bubuntot kami sa inyo!" Tumingin siya sa driver at napansin niyang nakatayo na si Paige sa may likuran ng sasakyan. He looked at her. "A sorry will do. Empleyado kita at pwede kitang palagpasin pero masyado kang feeling," anito sa kanya. Wala siya sa mood para magpa-cute rito ngayon. Ang yayabang ng mga tauhan nito at hindi niya gusto ang tabas ng mga bunganga. "Mana pala sa iyo ang mga tao mo, matalas ang bunganga," aniya sabay ngisi. Nakita niya na pumakla ang tabas ng mukha ng dalaga at parang namula sa inis sa kanya. "Wala kang ugali!" Anito sa kanya, "You're fired!" "Mas walang ugali mga tauhan mong sobra kung manlait! Mana sila sa'yo! Sayang, maganda ka pa naman, masama lang ang ugali! Nagpaasawa ka lang naman sa matandang mayamang mamamatayin, kala mo kung sino ka na!" Hindi malaman ni Paige ang isasagot sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng pagsundot ng konsensya nang makita niyang parang naiiyak ito sa mga sinabi niya. "Babarilin ko na ito, Ma'am!" Anang isang lalaki sa may likod niya. Kapagkuwan ay tumalikod si Paige sa kanya, "Let's go!" Parang mga de susi na robot ang mga lalaki na nagsipagsakay sa sasakyan. Hindi niya pinansin ang mga sasakyang naabala dahil sa pagbabangayan nila. Sumakay siya sa hauler at pinaandar iyon, saka niya nilapitan ang kaibigan na nakatago sa likod ng malaking drum ng mga basura. "Gago ka!" Sigaw niya kay Aldo na mabilis naman na lumabas at umangkas sa kanya. "Wala akong lisensya. Alam mo namang peke yun. Made in Recto yun," anito sa kanya. "Sino bang hindi peke ang lisensya?" Tanong naman niya, "Taena! Wala na akong trabaho dahil sa katangahan ng babaeng di marunong ng kulay Green!" Napapailing na lang siya. Nabubwisit siya pero mas nabubwisit siya sa mga tauhan ni Paige Lauren. Mabuti na lang at nadala rin niya yun sa talas ng bunganga niya, kung hindi ay baka kalahating milyon ang magastos niya sa bangga sa limousine. Maghahanap na lang siya ng ibang trabaho. Bahala na si Venice sa buhay nun. "Napakamalas naman talaga ng bunganga ng asawa ni Mang Carpio. Yung sinabing ingatan ko at baka mabangga, ayun nakadisgrasya na nga!" Daldal ni aldo sa likod ni Phoenix habang nagmamaneho siya. "Ano namang mababangga sa hauler niya? Ayun nakatetano na nga ng limousine. Nasindak ko nga naman ang may-ari, nasisante naman ako," anaman niya sabay iling. "Sorry, pards. Gusto ko lang naman sanang sunduin ka para may service ka, tayo pa ang nakadisgrasya." Umiling siya, "Ayos lang, pards. Hahanap na lang ako ng ibang trabaho. Pasalamat tayo at hindi na tayo pinagbayad. Makukulong tayo kapag hindi natin nabayaran ang damage." "Ibig sabihin, mabait si Miss Paige?" "Hindi. Natakot lang sa bunganga ko dahil mas malakas akong manggago. Parang umiiyak nga," aniyang nakaramdam ulit ng pagkakonsensya. "Talaga? Kawawa naman." Hindi siya umimik sa sinabi ni Aldo sa kanya. Napahiya na rjn kasi siya na sobra kanina, kaya alam niyang kailangan niyang ibangon ang sarili kahit na mag-isa lang siya. "P-Paano ka na pards?" Bakas sa boses ni Aldo ang pag-aalala sa kanya. "Marami pa namang trabaho, pards. Ang ganda lang sana sa napasukan ko dahil mayaman talaga ang kumpanya, kaya lang walang magagawa. Baka hindi talaga ako para doon," sabi na lang niya para huwag na ito masyadong mag-alala pa. Alam naman niyang hindi naman nito sinasadya ang nangyari. Sino ba naman ang gugustuhin na makabangga ng isang limousine? Daig pa nila ang bumangga sa pader ng The Great Wall of China kapag ganun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD